Marvin Agustin describes himself as a "master of delegation" in terms of his management style in business

IMAGE Noel Orsal

Marvin recently opened his restaurants, Kung Fu Kitchen and Tokyo Grill, which he co-manages with a business partner.


“Triple Treats” ang inihain ni Marvin Agustin para sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press noong September 16, sa SM Manila.

Tinawag na “Triple Treats” dahil hindi lamang isa, kundi tatlong restaurant ang pinasinayaan noong araw na yun.

Pagmamay-ari ni Marvin ang Kung Fu Kitchen, samantalang kahati naman niya ang business partner na si Raymond Magdaluyo sa Tokyo Grill.

Si Raymond naman ang nagmamay-ari ng ini-launch din nung araw na iyon na Blackbeard’s Seafood Island.

Kuwento ni Marvin, “So, I’m not really a part of Blackbeard, but we are all helping each other.

“Though ito, yung nilo-launch namin na Tokyo Grill, fast-casual kung tawagin.

“Kasi yung Sumo Sam, casual dining. Meron tayong fast food, di ba? So, nasa gitna ito. So, para ‘to sa market na mga estudyante, opisina around the area.

“So, this is mga, 200 pesos per head 'pag kumain ka. P200 to P250 pesos.”

Inilarawan ni Marvin kung anong klaseng mga pagkain ang mahahanap sa Tokyo Grill.

“Grills, mga inihaw. Actually, parang ano ‘to, e… Ang positioning, Tokyo Grill, para siyang Japanese na inihaw.

“So, you get your, parang Japanese barbeque. 'Tapos, of course, yung mga Japanese favorites, nandito rin. So, basta ano, they expect, maraming gini-grill.

HOW HE STARTED IN THE FOOD BUSINESS. Tinanong ng PEP si Marvin kung paano siya nagsimula sa food business.

Sagot niya, “My very first restaurant, well it’s a fast food, Mr. Donut. Nung nag-endorse ako ng Mr. Donut, that’s what I asked from them.

“Sabi ko, franchise na lang bayad niya sa ‘kin, kasi gusto kong matuto ng negosyo. 'Tapos Ricecapades, 'tapos, my friend invited me na mag-invest dun sa Oyster Boy.

“Then, after that, 'tapos sabi ko, gusto ko nang mag-conceptualize ng sarili ko. 'Ayun, yun yung Sumo Sam.

“Sumo Sam was born 2005, December, with, ah…yung business partner ko, sina Raymond and Ricky [Magdaluyo], kinonseptuwalays [conceptualize] namin. Since then, 2005, it kept on growing na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit naman food business ang naisip niyang pasukin?

“Well, inspired po ako ng nanay ko. Both my parents, they love to cook. 'Tapos, ang trabaho ko dati, waiter. Well, before that, actually, mascot...waiter.

“'Tapos, at that time, gustung-gusto ko na ho yung ginagawa ko. 'Tapos na-discover akong maging artista.

“E, yun, nagkapuhunan... Sabi ko, sige, mag-venture ako ng restaurant. Balikan ko yung pinanggalingan ko rin.”

MASTER OF DELEGATION. Paano ba mailalarawan ni Marvin ang kanyang management style?

“Master of delegation ako. Kasi sa dami ng ginagawa ko sa…

“Well, una sa lahat, anlaki na nung resto business namin. 'Tapos I’m also running yung entertainment production company namin."

Ang Futuretainment, Inc. na nagpo-produce ng concerts ng foreign artists at iba pang local events ang tinutukoy ni Marvin.

“TV Production, yung Kanta Pilipinas. Mag-i-start na kami next… October 14 yata. So, 'ayun… I trust my people."

Sa dami ng kanyang pinakakaabalahan, paano niya nasisigurong maayos na napapatakbo ang kanyang negosyo?

“Constantly checking pa rin. Pero, so far, I only get people sharing the same values that I have.

“Yung talagang, they’re doing more than I expect them to do. 'Tsaka, so far, magaling yung mga nakukuha ko… Sobrang blessed ako sa tao.

“Magagaling yung mga nakukuha namin sa office, staff...gagaling, gagaling.

“'Tsaka, I always inspire them.

"Ako kasi kumukuha ako ng tao, na yung mga tao, gusto yung ginagawa nila, parang ako.

“So, yun yung lagi kong hinahanap. Parang, in a way, hinahanap ko yung taong masaya siya sa gagawin niya. Parang, lagi siyang motivated.”


TIME MANAGEMENT. Sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan, paano niya nga ba pinagkakasya ang kanyang oras?

“Yun nga yung sinasabi ko, e. If you love what you’re doing, it doesn’t make you feel like you’re working.

“Parang excited ako, actually, gumising tuwing umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tulog sa ‘kin, pahinga. So, I’m recharged to work again the next day.

“Routine ko, usually... Once a week, dedicated sa, meron akong one whole day dedicated for the entertainment production.

“Then meron akong one whole day meeting for the restaurants. And the rest of the week, follow-up lang ako nang follow-up sa kanila.

"Parang mga generals ko yun.

“'Tapos, I do my spiels for Artista Academy. Minsan pumupunta 'ko sa stores, umiikot ako.

“Like today, nagsu-shoot kami ng commercial namin for our first running event. Yun, dumaan muna ‘ko dun sa commercial shoot nila bago 'ko pumunta dito.

"I make sure I ano, facilitate.”


KANTA PILIPINAS. Sa ilalim ng entertainment production company niyang Futuretainment, Inc. ay ipo-produce ni Marvin ang Kanta Pilipinas na ipapalabas sa TV5.

“Mag-i-start na kami ng production namin sa October 14. It will be a canned show, but I think ang airing niya, mga December, January. Primetime pa rin.

“It’s our own concept, original. Pinoy na pinoy ‘to.

“Ayokong masyadong i-preempt yung show, pero ano siya…kinuha namin yung mga inspiring stories, yung mga talagang nangangarap maging singer, maging artista.

“Yung mga kontesera talaga, yung mga lumalaban sa mga fiesta at saka yung may magandang istoryang mag-i-inspire sa tao.

“Yun, talagang yung selection namin…of course, siyempre kailangan talented ka, kailangan may talent ka. Kaya hirap na hirap yung selection committee namin.”

SEMI-RETIREMENT GIG. May balak ba silang mag-produce naman ng isang teleserye?

Sagot ni Marvin, “Sinabi ko 'yan, na when I’m 45, I’ll be semi-retired. Kasi po gusto ko rin talaga mag-direct, e.

"It’s just that, you can’t do it when you’re not focused.

“You can’t do it kung marami kang ginagawa kasi parang, ang pagdidirek parang ano 'yan, e… Wala, buong buhay mo ibibigay mo na muna dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa 'ko makakapag-oo sa dami ng inaasikaso ko.

“Pero sabi, ko, when I’m 45, pangarap ko, I’ll get just one small space, gagawin kong restaurant, ako yung nagluluto… Ako talaga yung nagpapatakbo.

“Pero at the same time, dun ako nagko-conceptualize ng mga pelikula ko na gusto kong idirek.

“'Tapos…yun yung parang dream ko.

"When I’m 45, medyo relax na nang konti yung buhay ko, sulat-sulat na lang.

“Thirty-three po ako ngayon. So, twelve years from now.”

Hindi ba’t para na itong retirement?

“Yeah, but semi-retired. I’m still working. Fixed pa rin yung pagkain at yung arts.”

Ngunit giit ni Marvin, hindi niya iiwanan ang pag-arte. Wika niya, “Sabi ko nga kanina, hinding-hindi ko iiwanan ang acting.”

ARTISTA ACADEMY. Sa ngayon ay hosting muna ang pinagkakaabalahan ni Marvin sa TV5.

Bilang host ng Artista Academy ay nagkuwento rin siya tungkol sa talent search.

“Now, I’m hosting Artista Academy. Ang maganda sa mga nakuha nila, artistahin talaga.

“Kaya alam mong parang, ok, may pupuntahan 'tong mga batang ‘to.

“Ma-guide lang, ma-manage lang, mabigyan lang ng tamang projects. E, hindi na naman secret 'yan sa mga artista.

“Pero sabi nila, mas strong daw yung mga babae namin kesa mga lalaki. Mas, yung drive ng mga babae…parang mas gustung-gusto nilang sumikat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN