OPM Artists dispute statement that “OPM is dead”

IMAGE Noel Orsal


Sinabi ni Dingdong Avanzado na, “OPM is evolving,” habang para kay Noel Cabangon, ang pahayag na ito’y isang “challenge” para sa mga local artists. Para kina Chito Miranda at Jay Contreras naman, ang nagsabing “OPM is dead” ay “wala sa mundo namin.”


“OPM is dead.”

Ito ang pahayag na naging usap-usapan sa music industry, matapos lumabas noong Agosto 25 sa daily broadsheet na Philippine Star, ang artikulo ni Don Jaucian na “The Life and Death of OPM.”

Dito kasi ay ipinunto niya na tila namamatay na ang Original Pilipino Music, o OPM, dahil ang mga naririnig na mga awitin ngayon ay halos puro revival ng lumang kanta.

Opinyon pa niya, ito’y dahil sa mga “music companies” na tila hindi hinihikayat ang mga up and coming artists na mag-release ng orihinal na mga awitin nila.

At siyempre, dahil na rin daw ito sa mga tagapakinig, na tila nagkukulang sa pagsuporta sa ating mga local artists.

Gayunman, iba ang paniniwala ng ilang personalidad sa mundo ng musika.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Tanduay Rhum Rockfest noong Oktubre 1, sa Makati Shangri La Hotel, sa Makati City.

Dito’y nagbigay ang ilang OPM artists ng kanilang opinyon sa pahayag na “OPM is dead.”

OPM IS EVOLVING. Unang nagbigay ng reaksyon ang corporate secretary ng Organisasyon ng Pilipinong Mag-aawit (OPM) na si Dingdong Avanzado.

Para sa kanya, maaaring “emphatic statement or a sounding-rhetorical question” ang pahayag na “OPM is dead.”

Ngunit kung siya ang tatanungin, hindi raw “dead” kung hindi “evolving” ang OPM.

Aniya, “I believe that OPM, as we know it, is no longer prevalent.

“Though very much alive, it is in my opinion, in the process of transformation to a sound that is more suited to this generation.

“In short, I believe OPM is evolving, and will continue to do so if we will encourage our singers and songwriters to keep on creating great music.”

Gayunman, idiniin niya na hindi lamang dapat ang mga local artists ang gumawa ng paraan upang muling pasiglahin ang industriya ng musika.

Kakailanganin din daw nila ang tulong ng mga tagapakinig, na suportahan at ipakalat ang musikang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo na ngayon na hindi na lamang sa radio at telebisyon nakakapakinig ng musika ang mga tao.

“The arrival of the digital age has altered the way we live our lives,” wika ni Dingdong.

“It is not just only radio and television that people go to for entertainment. The Internet has taken us by storm.

“Even the way we tend and procure our music is done through the Net.

“In short, the platform has changed, thereby creating another challenge in the promulgation of our music.

“Each and every one of us has a role in playing this movement. I believe the word that I have in mind is synergy.

“If we could get all our stakeholders together, to contribute to the battle for our music, and in the process, the recognition of our culture and arts, extending to our next generation.

“We will ensure not just the survival of our music industry, but the uplift meant and vibrancy of our much celebrated, original Filipino music.”

IT’S A CHALLENGE. Para naman sa vice president for external affairs ng OPM na si Noel Cabangon, isang “challenge” para sa lahat ng local artists ang pahayag na ito.

“I think it was good that there was rumor, para talagang mapag-usapan natin,” pagsisimula ni Noel.

“Dahil kasi ako personally, hindi ako naniniwala na patay na ang OPM.

“Hindi siya namamatay nang gano’n dahil nandiyan ang mga banda, dahil nandiyan ang mga indie artists na patuloy na lumilikha ng mga awitin.

“Siguro, puwede natin sabihin na challenge... a challenge for all of us.”

Kung tutuusin daw kasi, sa loob man o sa labas ng bansa ay malaki na ang “market” ng OPM.

Kailangan lamang daw talaga ng tamang suporta mula sa mga tagapakinig, at magagandang musika mula sa mga local artists.

NOT IN OUR WORLD. Nagbigay din ng opinyon ang lead vocalist ng Parokya Ni Edgar at Kamikazee na sina Chito Miranda at Jay Contreras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Chito, ang nagsabi raw noon ay maaaring “wala sa mundo namin,” dahil “so far sa eksena namin, kung saan kami nanggagaling, it has never been this big, e.

“Noong nineties, kami nila Raymond [Marasigan], sila Basti [Artadi] we’ve been there and never kaming nagkaroon ng ganito kalaking show, never kaming nag-tour katulad ng tour namin ngayon.”

Pabiro pang dinagdag ni Jay, “Noong lumabas ‘yan, hindi na ako naniwala atsaka hindi na ako sumagot, nalungkot ako kasi baka wala na tayong trabaho, e, baka Martial Law na.”

Pero giit ng bokalista, “Hindi naman po totoo ‘yon, atsaka wala na din kaming pakialam.

“Kasi hindi mo naman mapipigilan ang tao na sabihin ang gusto nilang sabihin.

“Pero importante kung ano nakikita mo, ito kinabubuhay namin, at kaming mga banda, tuwing gabi, masaya kaming tumutugtog, masaya ‘yong mga taong nanonood sa amin, sa amin okay na ‘yon—buhay ang OPM.”

Kaya naman upang lalo raw maramdaman ng mga tao na buhay ang OPM, hinihikayat nila ang mga local artists na patuloy na gumawa at mag-release ng mga orihinal na kanta.

At gayundin, hinihiling nila sa mga Pilipino na tangkilikin ang OPM songs at iba pang shows ng mga local artists.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN