Regine Velasquez explains why she shares photos of Nate with her Instagram followers

IMAGE 0


Ito ang ibinigay na dahilan ni Regine Velasquez kung bakit malimit siyang mag-post ng mga larawan ni Baby Nate sa Instagram: “Actually kasi, the reason why I shared his pictures, kasi gusto ko rin makakuha ng tips from moms. E, yun naman ang nangyayari. Kapag may pinost akong picture, tapos may mga nag-follow sa aking mommy, sinasabi nila, ‘Siguro ito ang magandang gawin mo.’ Sometimes, I also ask question. Sila rin. Tapos yung ibang nagpa-follo


Sa presscon ng bagong show ni Regine Velasquez na Sarap Diva noong Biyernes, September 28, ay nagluto siya ng puttanesca para sa mga imbitadong press.

Habang nagluluto ay sinabihan ng Asia's Songbird ang media na puwede siyang tanungin.

Dahil sa pagkakaroon niya ng sariling cooking show, may nang-intriga kay Regine na tila gusto raw yata niyang kalabanin si Chef Logro Logro, na mayroon ding cooking show sa GMA-7.

“Nang bonggang-bongga!” biro naman ni Regine.

“Hindi, it’s a totally different show naman.

“Kasi kay Chef Boy, kay Master, instructional. Tinuturuan talaga ang audience na magluto.

“E, since ako, hindi naman talaga ako cook o chef.

“Ipinapakita namin sa audience na ako ang tinuturuang magluto para sa asawa ko and, at the same time, kasama na rin ang mga nanonood.

“Kasi nga, bagong housewife ako, bagong mommy, so yung mga guest ko yung magbibigay ng tip sa akin—hindi lang sa pagluluto kung hindi sa pagiging mommy, pagiging asawa.”

Dagdag pa ni Regine, “As a matter of fact, ang first episode namin, ang guest namin ay si Chef Boy Logro.

“Tapos magge-guest din ako ng mga mommy, magbibigay sila ng tips.

“Since magbe-birthday si Nate, tatanungin ko ang guest ko kung ano ang best way na gawin ang birthday party.

“Kasi sa totoo lang, ngayon, natataranta na ako dahil malapit na yun. E, may concert pa 'ko.”

Sa November 8 ang first birthday ng anak nina Regine at Ogie Alasid na si Nathaniel James Alcasid. Sa November 16 naman ang Silver concert ni Regine sa SM MOA Arena.

SPECIAL APPEARANCE. Speaking of Nate, may special participation pala ito sa Sarap Diva.

Sabi ni Regine, “Ano siya, virtual animation si Nate.

“So, parang may Nate na animated na lumalabas na nagre-react kapag nagluluto ako—depende sa feel niya.

“Tapos, kasama rin si George, animated din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si George ang alagang aso ng Asia’s Songbird.

Kaya biro ng PEP kay Regine, dalawang anak pala niya ang kasama sa show.

“Kasi nga, gusto naming ipa-feel na parang nasa bahay lang,” sabi naman niya.

Ang tanong: May talent fee ba sina Nate at George sa special appearance nila sa Sarap Diva?

“May TF ba?” balik-tanong naman ni Regine sa production.

“Wala, wala… for the love of lang.”

SHARING NATE. May ilang artista na hindi muna ipinapakita o ine-expose sa publiko ang mga anak nila. Pero sa kaso ni Regine, hindi siya maramot na ibahagi ang anak sa publiko.

Patunay nga nito ang halos araw-araw na pagpu-post ni Regine ng mga larawan ni Nate sa Instagram account niya.

“Hindi ko lang inisip!” natatawang sabi niya.

“E, kasi, excited lang ako na magka-baby ako.

“Hindi ko naman na iniisip yung privacy, kasi nga, ini-Instagram ko na yung mukha niya.

“Somebody said to me before, yung mga picture dati, hindi naman ako nagpapakita. Madamot nga ako sa mga private moment.

“Pero maganda rin yung sine-share mo ang mga experiences mo sa mga tao.

“That’s why we take picture to share to everyone. Why do we take picture and no one will see it?

“At saka kapag inilagay mo na sa Internet, nandoon na yun forever.

“So, kapag lumaki siya, ita-type niya ang pangalan niya, Nathaniel James, nandoon na ang picture niya.

“So, parang natuwa ako sa ideya na yun.”

Natawa naman si Regine nang sabihin namin na tulad nilang mag-asawa, masasabing sikat na rin si Nate.

May mga salita na nga silang naimbento base sa pangalan ni Nate, tulad ng “goodnate.”

“Actually kasi, the reason why I shared his pictures, kasi gusto ko rin makakuha ng tips from moms.

“E, yun naman ang nangyayari. Kapag may pinost akong picture, tapos may mga nag-follow sa aking mommy, sinasabi nila, ‘Siguro ito ang magandang gawin mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes, I also ask question. Sila rin.

“Tapos yung ibang nagpa-follow sa akin na mga mommy, nagte-thank you. So, nakakatuwa naman.

“At kapag may time ako, I do answer their questions and inquiry kung meron man.”

NOT A CHEF. Kumpara sa kaibigan niyang si Judy Ann Santos na nag-aral pa ng Culinary at isa nang chef ngayon, si Regine daw ay “oido” lang talaga pagdating sa pagluluto.

“Siyempre, na-inspire rin ako. Si Juday kasi, masipag mag-aral. Ako, tamad!” natatawang pag-amin niya.

“Ayokong mag-aral… actually, hindi naman sa ayoko, pero parang wala kasi akong mahanap na time.

“So, oido na lang. Tapos cooking channel, doon ako natututo.”

Si Ogie raw dati ang nagluluto sa kanila.

Sabi ni Regine, “Hindi kasi niya alam na marunong akong magluto. So, ngayong nakita niyang nagluluto ako, hindi na siya nagluluto!”

Marami bang nire-request si Ogie na recipes na lutuin niya?

“Minsan kasi, nag-iimbento lang ako.

“Most of the time, nag-iimbento lang ako kasi hindi talaga ako marunong magluto.

“So, kailangan kong tandaan.

“Minsan, sinabi niya, ‘Honey, ano ang niluto mo last time na fish?’

“So, ako, aalalahanin ko kasi minsan nga, oido lang, e.

“Kung ano ang niluto ko, usually, yun din ang nire-request niya.”

ACTIVE AGAIN. Huminto si Regine sa showbiz nang mabuntis at manganak. Pero ngayon ay aktibo na naman siyang muli at tumatanggap na ng maraming projects.

Tatlo ang existing shows ni Regine ngayon sa GMA-7: Sarap Diva, Party Pilipinas, at H.O.T. TV.

Bukod pa rito ang silver anniversary concert niya sa November.

“Actually kaya, kasi kakabalik ko lang ng work. Last August ko lang kakabalik ng trabaho.

“Eto muna ang ibinigay sa akin ng GMA at natutuwa naman ako na binigyan nila ako ng ganitong klaseng show at H.O.T. TV.

“Medyo kakaiba siya sa mga ginagawa kong shows dahil singer nga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero natutuwa ako na gawin ‘to, kasi I love to cook.

“At tulad ni Chef Boy, ang cooking pala sa kanya ay parang pang-de-stress—and that’s how I also feel with my cooking.

“I love cooking pero ayoko ng parang forced. Magluluto ako pero ayoko ng parang inoobliga ako.

“So, ngayon, meron akong Party Pilipinas, H.O.T. TV, and this show.

“So the rest of the week, I’m with my family.”

Nagpasalamat din ang Asia’s Songbird sa lahat ng nanood at nagkagusto sa pelikula nila ni Aga Muhlach na Of All The Things.

“Actually, noong premiere, medyo kabado ako, kasi nga, siyempre matagal na hindi ako nagpelikula. Tapos, nanganak ako.

“So, medyo hindi ko alam. Medyo weird ang ano ko…

"Pero noong makita ko ang movie, natuwa talaga ako,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN