Maricar de Mesa and husband Don Allado still trying to have a baby: “Kailangan lang daw namin ng pahinga kasi pareho kaming pagod.”

IMAGE 0


Maricar de Mesa on relationship with husband Don Allado: “Ganun pa rin, happy pa rin. Almost ten years na... ganun pa rin, we’re still enjoying each other’s company.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricar de Mesa noong September 22 sa isang event ng kilalang brand ng sapatos.

Masayang ibinalita ni Maricar ang kanyang mga projects ngayon.

Pagkatapos ng dalawang soaps niya sa ABS-CBN (Wako Wako at Kahit Puso'y Masugatan) ay balik-GMA-7 naman siya sa panghapong seryeng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Nata-typecast si Maricar sa mga kontrabida roles, kontrabida na naman ba siya ulit dito?

“Not so much, kasi yung sa Wako Wako kasi, pambata yun. Eleganteng kontrabida siya so iba yung attack niya.

“Sa Kahit Puso’y Masugatan, yung role ko, hindi naman siya palaban.

“Dito naman sa Sana Ay Ikaw Na Nga, remake ‘to, so yung karakter ko dapat abangan nila.”



STRONGER AT TEN. Kinumusta rin ng PEP kay Maricar ang pagsasama nila ng PBA player na si Don Allado.

Ikinasal ang dalawa noong December 1, 2006, pagkatapos ng halos apat na taon nila bilang magkasintahan.

Sabi ni Maricar, “Ganun pa rin, happy pa rin.

"Almost ten years na... ganun pa rin, we’re still enjoying each other’s company.”

Pero hanggang ngayon ay wala pang supling ang dalawa.

“Wala pa din. We planned it, pero ngayon, we’re trying sana... hopefully soon,” sabi ni Maricar.

Walang naman kayang may problema sa kanilang dalawa?

“Wala naman, nagpa-check-up kami… timing lang daw.

“Last year, ginawa namin, sabi ng doctor, kailangan lang daw namin ng pahinga, kasi pareho kaming pagod.

"So ayun, siguro in God’s time.”

Gaano ka-supportive si Don sa kanyang pagbabalik-showbiz?

Tugon ni Maricar, “Sobra siyang supportive. Ang sabi lang niya, ‘Pagkatapos ng isang serye, magpahinga ka muna.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN