Chariz Solomon reveals details about her December 2012 wedding

IMAGE Noel Orsal

Suot ni Chariz Solomon ang isang sexy wedding dress nang rumampa ito sa FHM Philippines 100 Sexiest Women in the World 2012 Victory Party noong Hulyo. Ito ang napiling costume concept ng comedienne dahil na rin sa nalalapit niyang pagpapakasal ngayong Disyembre sa non-showbiz boyfriend na si Nestor Ng.


Una nang lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang interbyu kay Chariz Solomon, kung saan tinalakay ang tungkol sa kanyang style at mga paborito sapatos.

(CLICK HERE for related story)

Nangyari ang naturang interbyu sa launch ng Rajo! for Parisian and Milanos shoes sa SMX Convention Center, Pasay City noong September 25.

Dumalo sa event na iyon si Chariz kasama ang fiancée niyang si Nestor Ng, kaya naman hindi naiwasang matanong din ang comedienne tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal.

Una nang napabalita na binalak nina Chariz at Nestor na magpakasal noong nakaraang taon.

Ang napili pa nga nilang petsa ay 11-11-11 o November 11, 2011, subalit hindi ito natuloy.

Kung tutuusin ay bata pa naman si Chariz para magpakasal sa edad niyang 23 years old.

Kaya naman tuwing pinag-uusapan daw ang kasal ay medyo nape-pressure siya.

Nang tanungin kung may naka-set na bang bagong date para sa kasal, “December," ang naging sagot niya.

“Actually, napag-uusapan na siya here and there. Pero hindi naman ako sarado doon sa pag-uusap tungkol sa topic na iyon.

“Ano lang, siguro minsan lang pag napag-uusapan, nape-pressure ako.

“Pero dito siya [gaganapin] sa may church sa MOA [Mall of Asia].

"Tapos, ah, iyon…maliit na salu-salo lang. Very close friends and family.

“Actually, sa family ko, nine lang silang invited. Malaki iyong number. Pero dahil kasi nasa showbiz ako, meron akong kailangan din i-invite.

“Pero, masayang salu-salo lang siya. Hindi siya iyong bongga.”

Halos naka-set na daw ang lahat ng detalye ng kanilang kasal at legal documents na lamang ang hinihintay.

Bilang isa siyang Kapuso artist, tinanong ng PEP si Chariz kung magkakaroon ba ng TV coverage ang kanyang kasal.

Sagot niya, “Hindi. Meron lang akong… pwede akong magbigay ng pictures, ng video, pero hindi ako magpapa-cover.

“Kasi gusto namin talaga maging intimate ‘tong araw na ‘to and... walang pressure!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And hindi namin kailangan magpaganda ng sobra dahil andiyan iyong camera and lalo na, hindi ako mahilig magpaganda.

“At ito, this is something every girl has ever dreamed of, bata pa lang sila. And this is a happy moment.

“Lahat ng tao matutuwa pag nalalaman nilang may kinakasal. Mas maganda ‘to. I would like to share it with you,” wika niya.

Saan naman nila balak mag-honeymoon?

“Wala kami. Kasi, sobrang tipid, e. Kasi, you know, we’re preparing for our marriage, so... madami kaming plano, e.

“Pero meron kaming Boracay na vacation. Pwede ko na rin sigurong sabihin na honeymoon.

“Pero wala kaming sinasabing ‘honeymoon’ talaga. More of a vacation lang talaga.”

Balak na rin ba nilang magka-baby agad?

“I am not planning and I am not preventing it from happening.

“In God’s time, all in God’s time,” wika ni Chariz.

Ilang anak naman ang gusto niya kung sakali?

“Gusto ko four. E, gusto niya three lang or two. Gusto ko four. Dapat masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN