Ciara Sotto defends dad Senator Tito Sotto: “You don’t have to disrespect the person you don’t agree with.”

Sep 4, 2012
“Maybe his opinions and his stand is not the popular one, but he stands on what he believes in, and maprinsipyo kasi ang daddy ko. Proud kami sa kanya,” Ciara Sotto says about her father, Senator Tito Sotto, who is currently in the hot seat for allegedly plagiarizing several blog posts for his Senate speeches against the RH Bill.

Muling naluha ang actress-pole dancer na si Ciara Sotto habang dinedepensahan ang amang si Senator Tito Sotto tungkol sa isyung ipinupukol dito ngayon.

Isa kasi ang bunsong anak ni Senator Sotto sa mga panauhin ni Kris Aquino sa kanyang talk show na Kris TV kaninang umaga, Setyembre 4.

Dahil ang pangunahing paksa ay tungkol sa pagiging anak ng kilalang personalidad, hindi naiwasan na tanungin si Ciara kung paano siya naaapektuhan sa tuwing may isyu tungkol sa kanyang ama.

Partikular na rito ang kontrobersiya tungkol sa pangongopya diumano ng senador para sa kanyang mga talumpati tungkol sa kanyang pagtutol sa ipinapanukalang RH Bill sa Senado.

(CLICK HERE to read related article.)

Sabi ni Ciara, “If you see my dad kasi, makikita mo sa kanya na ano, e, he has this really, really big heart. He’s so forgiving.

“For me, I was really affected.

"Actually all of us, Ate Lala and my Kuya [Gian]. Kami yung sobrang affected.

“Pero si Mommy [Helen Gamboa] and Daddy, they were so calm. And my dad was always saying, ‘It’s okay. Let them ruin me.’

“He always says that, so I’m really, really proud of my dad.

“But really, he’s a good man. Yung track record naman niya, alam ni Senator Chiz ‘yan, he’s a really good man.”

Si Senator Chiz Escudero ay co-host ni Kris sa programa.

Pagkatapos nito, isang pakiusap din ang ipinarating ni Ciara sa mga manonood:

“For me lang, the Filipinos, sana ma-realize nila na you don’t have to disrespect the person you don’t agree with.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa isyung ito, ani Ciara, mas nakilala ng pamilya nila kung sino ang mga totoong kaibigan nila.

“Ngayon ko lang nakikita yung mga real friends namin, kung sino ang mga kakampi mo.

“Yung iba… doon mo makikita na parang, ‘Wow, didn’t we help you before? Now, you’re saying these things?’ Wow.

“Ngayon lang talaga namin nalaman yung tunay naming kaibigan.”

Pakiusap pa ni Ciara, “Parang you have to respect lang talaga the person.

“Maybe his opinions and his stand is not the popular one, but he stands on what he believes in and maprinsipyo kasi ang daddy ko.

“Proud kami sa kanya.”

Bukod sa pagiging senador ay isa rin si Tito sa mga host ng 33-years-and-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.



“JUST DON’T SAY ANYTHING ANYMORE.” Samantala, matapos magbigay ng pahayag si Ciara, may phone-patch message naman sa kanya ang inang si Helen Gamboa.

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ng Walang Hanggan actress sa anak, “You have just said what is right.

“God is watching us, God knows everything.

“It’s okay if people don’t agree with your dad.

“They are entitled to their own opinion and we do not want to force them.

“In fact, we don’t really force them. It’s just that your dad stands by what he believes in.”

Sabi pa ng beteranang aktres, “You’re doing it right, anak.

“Just what I taught you before, I mean, just believe in all God’s commandments and you’ll never go wrong.

“Kumbaga, lahat ng ito na na-experience mo ngayon, sana nakikita mo kung ano yung mali, kung ano yung tama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Your Ate Kris was right, just don’t say anything anymore.

“Just be quiet about things kasi kanya-kanya naman ‘yan anak, di ba? So, okay lang yun.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Ciara upang ipagtanggol ang kanyang ama.

Nauna na niya itong ginawa sa social networking site na Twitter, pero matagal bago ito nasundan.

Marahil ay sinunod na lamang niya ang payo ng kanyang ina na huwag nang magsalita tungkol dito.

(CLICK HERE to read related article.)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Maybe his opinions and his stand is not the popular one, but he stands on what he believes in, and maprinsipyo kasi ang daddy ko. Proud kami sa kanya,” Ciara Sotto says about her father, Senator Tito Sotto, who is currently in the hot seat for allegedly plagiarizing several blog posts for his Senate speeches against the RH Bill.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results