Pia Guanio renews vows with husband Steeve Mago; also welcomes baby Scarlet Jenine to Christian world with family and friends

IMAGE 0


Mahigit isang taon pagkatapos ng kanilang intimate wedding sa Ayala Alabang, nag-renew ng vows ang mag-asawang Pia Guanio at Steeve Mago sa Antonio's, Tagaytay, kung saan isinabay na rin ang dedication ng kanilang baby na si Scarlet Jenine.


Two-in-one event ang naganap sa garden ng Antonio’s sa Tagaytay last Saturday night, October 20: Ang renewal of vows ng mag-asawang Pia Guanio-Mago at Steeve Mago na isinabay sa dedication ng kanilang anak na si Scarlet Jenine.

Ang nag-officiate ng ceremonies ay ang close friend ng couple na si Pastor Paolo Punzalan, kapatid ng dating aktres na si Princess Punzalan.

Si Pastor Paolo rin ang nag-officiate ng intimate Christian wedding ng dalawa nung October 1, 2011.

Samantala, August 31, 2012 nang ipanganak ni Pia si Scarlet via Caesarean section, so wala pa itong dalawang buwan.



GUESTS. Ang mga ninong at ninang sa kasal nina Pia at Steeve ay sina Dodo & Irene Ubungin, Ner & Rose Velasquez, at June Torrejon-Rufino, manager ni Pia.

Ang parents ng mag-asawa na sina Mr. & Mrs. Val Guanio at Mr. & Mrs. Rudy Mago ang kasama ng naka-stroller na si Baby Scarlet papunta sa may harapan, kung saan ni-renew nina Pia & Steeve ang kanilang vows with Pastor Paolo.

Kabilang naman sa mga tumayong ninong ni Scarlet Jenine ay sina Joey de Leon at Mr. Tony Tuviera, na parehong hindi nakarating kaya nag-proxy para kanila si Ms. Malou Choa-Fagar.

Hindi rin nakadalo ang mga ninong na sina Edu Manzano at Ricky Lo.

Present naman ang katrabaho ni Pia sa 24 Oras na si Mike Enriquez, na nagbigay pa ng maiksing prayer blessing sa mag-asawa.

Nandun din ang iba pang ninong na sina Joey Guanio, brother ni Pia; Darwin Mago, brother ni Steeve; at Wowee Aguilar, best friend ni Steeve.

Kabilang naman sa mga ninang sina Mel Tiangco, na nasa abroad kaya proxy si Vicky Morales; Carol Bunagan, misis ni Michael V; Claudine Trillo, best friend ni Pia; at Pia Magalona.

Sina Tim Yap at Claudine ang nagsilbing hosts ng wedding.

Dumalo rin sa event ang dating kasamahan ni Pia sa Eat Bulaga! na si Iza Calzado, kasama ang Filipino-British boyfriend nitong si Ben Wintle; at ang dating co-host ni Pia sa Showbiz Central na si John ‘Sweet’ Lapus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Casual at relaxed ang ambience ng kasal, na dinaluhan ng closest family and friends ng bride and groom.

Ang oras na nasa invitation ay 5 p.m. pero bandang 7 p.m. na nasimulan ang seremonyas.

Isang off white, floor-sweeping lace dress na gawa ni Rosanna Ocampo ang suot ni Pia habang naka-black Hugo Boss suit si Steeve.

Cute ang sagutan ng vows ng "re-newlyweds" (a term coined by Tim Yap).

Natatawang sabi ni Pia after Steeve read his vows, which he wrote personally, medyo nasindak daw ito dahil sa ganda ng vows ng kanyang hubby.

Nung turn na niya, binasa ng Kapuso host ang kanyang vows sa kanyang iPhone. Sweet and memorable yung linya niya kay Steeve na, "Before I met you, I was anything but wife material. But when I met you, all that changed…"



HAPPY PIA. Right after the ceremony, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang happy wife and mom.

Ipinaliwanang nito kung bakit after one year ay nag-renew na sila ng vows ni Steeve.

Aniya, "Because nga the first time around, we didn’t invite too many people. Family lang of Steeve, most of them... and some members of my family.

"Zero friends. As in talagang friends lang nina Mama and Papa and family members. Maraming nagalit sa amin, kaya ginawa namin ‘to! Hahaha!"

Kumusta na siya after a year of being married?

"Yun na nga, like I said in my vows, parang I discovered so many things about myself that I didn’t know existed.

"For instance, I didn’t know that I had maternal instincts. Parang prior to this, parang I just wanted to have dogs, di ba?

"Pero the minute she [Scarlet] was born, parang somebody just turned on a switch.

"All of a sudden, you care so much about this baby. You like this baby, you find her cute, you wanna do everything for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, it’s amazing talaga," masayang bulalas ni Mrs. Mago.

Na-figure out na ba nila kung anong features ni Scarlet ang nakuha nito mula sa kanya at ano yung mga galing kay Steeve?

"Well, in the beginning, parang we all thought that it was all Steeve. But parang now that she’s getting a bit older, she’s starting to turn out qualities of mine, na parang impatient, bratty… Hahaha! So yun!"

May balak ba silang sundan kaagad ang panganay nilang si Scarlet?

"Oh my God, hindi ko kaya..." ang natatawang reaksiyon ni Pia.

"Wait lang, hindi ko pa alam.

"At this point, all I want to concentrate on is Scarlet. Because really, there’s not much else you can concentrate on.

"She’s a 24/7 kind of deal. So, parang kahit sarili ko, wala na akong masyadong maintindi, e.

"Even Steeve, I’m sure if he can talk, he’ll make reklamo.

"Before she came along, I was cooking for him, I was baking for him. Ngayon, wala na."

Katabi lang ni Pia si Steeve habang kausap siya ng PEP kaya nag-join na rin ito sa tsikahan.

"Tuwang-tuwa nga ako nung before ipanganak si Scarlet, kasi si Pia, palaging nagluluto sa bahay. E, ang sarap pala niyang magluto. Nagbi-bake pa.

"So yun, it was awesome," ani Steeve.

Patuloy niya, "Pero it’s now better. Yun nga lang, palaging puyat [dahil sa pag-aalaga kay Scarlet].

"Pero pag nakita mo na ‘yung baby na peaceful at mukhang angel… cute!"

According to Pia, very hands-on din sa kanilang baby girl ang kanyang asawa.

Sa isang small bed na kung tawagin ay Co-Sleeper, bigay ng mommy ni Pia, natutulog si Scarlet.

"So, even in our bed, meron siyang maliit na bed niya. You don’t have to get up and put her in her crib. So cool.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s still beside us pa rin, although she’s outgrowing that really, really fast!" ang nakangiting kuwento ni Pia.

Seriously, may balak ba silang sundan si Scarlet?

"I don’t know. Feeling ko, last na ‘to!" halakhak ni Pia.

"It’s hard din, e. And parang I also wanna concentrate on Scarlet. Parang I don’t want her to be like a passing thing... ‘O sige, nasa labas ka na, e, ito naman!’

"Di ba? Parang I really wanna make her tutok. I wanna make sure that we raised her super-duper well," katwiran niya.

Spoiled daw sa mga lolo’t lola si Scarlet. Sa mag-asawa ay parang mas spoiled ito kay Pia, dahil si Steeve, minsan ‘pag hindi na nito ma-take ang pag-iyak ng baby ay ipinapasa na ito kay wifey.

"No, it’s a teamwork, actually. When I can’t handle it anymore, he takes over. Then when he can’t handle it anymore, I take over. So, it’s great that we have each other for that responsibility," ang sabi ni misis.

Dagdag pa ni Pia, nakatikim siya ng ‘baptism of fire’ nung pumalpak at hindi mag-work out yung una nilang kinuhang yaya for the baby.

"So, when Scarlet came out, we had to let go of that yaya. And I was left practically on my own to take care of her.

"So, baptism of fire! Talagang let’s not do this one at a time, let’s do this all at once! Hahaha!

"So, parang sobra yung bonding namin [ni Scarlet]. For the first couple of weeks, kaming dalawa lang, getting to know each other, learning each other’s ropes.

"So, it’s something that I will never forget, that experience, na there were times na umiiyak siya, gusto ko na ring umiyak! ‘Sabay tayo!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GOING BACK TO WORK? Ang curious na malaman ngayon ng marami ay kung kailan babalik sa kanyang trabaho si Pia?

"November 4, I go back to work," mabilis niyang sagot. "Well, I don’t know how I’m gonna do it because you know, parang even just a few hours away from Scarlet, I start missing her na.

"So, buti na lang, I have a choice naman to bring her with me. Although she’s going to stay in my condo in Pasig while I’m working, so I can keep going back to her in between shows.

"She’s breastfeeding, e. So, when I’m on a break from the two shows, I can go home and breastfeed her or at least pump out milk for her."

So, sure na ‘yon na she’ll be coming back soon sa Eat Bulaga at sa showbiz segment ng 24 Oras na "Chika Minute"?

"Yes!" nakangiting pakli ni Pia.

Hiningan namin ng reaksyon si Steeve kung okey lang ba sa kanya ‘yon na magbalik-trabaho na ang kanyang misis.

Ang tila nag-aalangang sabi ng businessman, "Well… Hindi, sa akin, as much as possible, gusto ko siyempre si Pia, palagi naming kasama ni Scarlet. So, we’ll see."

Naku, sa tono ni hubby, parang hindi pa nito feel na mag-back to work si wifey?

Ang nakatawang hirit naman ni Pia, "Siyempre, he’s the father, he would rather that I was there with Scarlet every moment of the day just to make sure that she’s very well taken care of...

"Plus the fact nga that I’m breastfeeding, so parang yun..."

Pero kahit pa may agam-agam si mister, ang sabi pa ni Pia, "E, wala…life has to go on, ‘ika nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN