GMA News reporter Mariz Umali says upcoming wedding with Raffy Tima will be a "celebration"

IMAGE 0


Kung ang ibang ikinakasal ay piniling maging simple lang ang kanilang kasal, ang GMA News reporters naman na sina Mariz Umali at Raffy Tima ay piniling magarbo ang kanilang pag-iisang dibdib. Paliwanag nila, minsan lang naman ito mangyayari sa buhay nila kaya susulitin na nila.


Magkakaroon na ng sariling morning show ang GMA News TV. Ito ang Kape at Balita na magsisimula sa October 22.

Dahil dito ay nagkaroon ng isang pocket presscon noong October 9 sa 17thfloor ng GMA Network Building sa Quezon City.

Dito ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press ang mga host ng programa na sina Susan Enriquez, Michael Fajatin, Mariz Umali, at ang radio commentator na si Joel Reyes Zobel.

At dahil nalalapit na ang kasal ni Mariz Umali kay Raffy Tima, ito ang naging paksa nang kapanayamin siya ng PEP.

Pahayag ni Mariz sa PEP, pinili niya ang December 8 bilang araw ng kasal nila ni Raffy dahil isa siyang Marian devotee.

Sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills gaganapin ang kasal ngayong taon, na magiging engrande at magkakaroon ng maraming guests.

Sabi ni Mariz, pinili nila ni Raffy na maging malaki ang kasal dahil sa itinuturing nila itong isang selebrasyon.

Saad niya, “Kasi it's a celebration.

"Siyempre, nirerespeto namin yung ibang tao na who choose to be private, who choose to be simple in their weddings.

"Pero kami naman, sa amin naman, parang isang malaking selebrasyon ito sa buhay namin, sa pag-iibigan namin.”

Isang beses lang daw kasi itong mangyayari sa kanilang buhay, kaya magiging magarbo na ito.

Mga importante at sikat na mga tao rin ang mga napili nilang ninong at ninang.

“We got of course si Atty.[Felipe] Gozon, si Mr. [Jimmy] Duavit, si Ma'am Marisa [Flores], our boss... some of our bosses.

"We also have Mike Enriquez, Mel Tiangco, Vicky Morales, Igan Anold Clavio.

"Tapos we got Representative [Manny] Pacquiao, because we're very close.

"Dra [Vicki] Belo and Dr. [Manny] Calayan... and very close family friends,” pag-e-enumerate ni Mariz.



GETTING READY. Ngunit kahit mukhang on-set na sila ni Raffy sa magaganap na kasal, inamin ni Mariz na marami pa silang hindi nagagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Handa na kami, pero may mga kailangan na lang ayusin, tulad ng flowers, invitation.

"Hindi pa namin naasikaso yun dahil every day ang dami naming ginagawa.”

Pareho kasing abala ang magkasintahan sa trabaho nila bilang mga reporters ng GMA News.

Kuwento ni Mariz, “E, pareho kami ni Raffy na nagko-cover ng hard news, so naa-assign kami, pati yung schedule namin, one to nine in the afternoon.

"So there's really no time talaga, unless we take a leave. Pero right now, we're on track naman."

Isa sa kanilang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagpapagawa ng matitirhan nila matapos ang kasal.

Napagdesisyunan daw nilang magtayo na lamang ng isang condo-type unit sa harap ng bahay nina Mariz.

Paliwanag ni Mariz, “It was Raffy's decision.

"Tatlo kasi kaming magkakapatid. So, ako ang panganay, pero nauna yung dalawang kapatid ko na ikasal.

"Magkasunod silang ikinasal and they all left the house—both of them.

"So, pareho na silang umalis, so parang... Raffy naman is sensitive. Sensitive enough, na kahit hindi ko na sinasabi na 'think of my parents...'

"Hindi ko sinasabi na dun kami sa bahay.

“Siya yung nagsabi na, 'Hindi kaya malulungkot yung parents mo kasi they're very close to you.'

"As in, very close kasi ako sa parents ko. So, baka malungkot sila na umalis na yung dalawa kong kapatid, 'Tapos, aalis ka pa, tapos wala silang kasama sa bahay, gusto mo, dun na lang tayo?'

“Sabi ko, para at least, resemblance of independence, we can build the second floor sa harap ng bahay namin.

"Kasi sa harap ng bahay namin, there's a business there, so puwedeng tayuan yun.

"Parang puwede siyang gawin na condo type. Tapos, ano kami, dun kami.”



GOD’S WILL. Naniniwala si Mariz na si Raffy na nga ang ibinigay ng Panginoon para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Siguro it's God's will then, e. Kasi we never thought, hindi pinilit, and it just came.

"Ako, hindi ako mahihiyang sabihin, na talagang every decision in my life, I will always pray to God for major decisions.

“Parang matagal... nagdarasal pa ako sa Pink Sisters.

"Ipinagdarasal ko, hindi yung ano ha, 'Lord, sana magkaroon ako ng boyfriend.' Hindi ganun, e.

"Sinabi ko na, 'Kung darating, ibigay Mo sa akin yung talagang will Mo para sa akin.'”

Matagal na silang magkakilala ni Raffy dahil sa kanilang trabaho, ngunit matagal-tagal din bago sila naging magkasintahan.

“We've been friends since 2001. We've been very close friends na hindi namin akalain na aabot kami sa ganun,” sabi ni Mariz.

Hindi raw kasi niya inakalang may gusto sa kanya si Raffy.

“Because we never knew talaga. We never knew.

"Although sinasabi niya sa akin ngayong kami na, na maybe it was there subsconsciously on his part.

"Kasi meron daw siyang fondness para sa akin. Ikinukuwento niya lang sa akin, na meron na siyang fondness.

"Pero para sa akin, it was just brotherly, it was just... yung close friends,” pahayag ni Mariz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN