Zsa Zsa Padilla to spend Halloween in Disneyland "to create new memories"

IMAGE 0


Ito sana ang unang Araw ng mga Patay na dadalaw si Zsa Zsa Padilla sa puntod ng kanyang yumaong partner na si Dolphy, pero nagdesisyon ang singer-actress na sumama sa kaibigang si Kris Aquino sa Disneyland Hong Kong. Pero bago siya umalis ay dadalawin na niya ang puntod ng Comedy King.


Nakaplano na ang mga gagawin ni Zsa Zsa Padilla ngayong parating na Halloween.

Sa October 30, Martes, pa lamang ay bibisitahin na niya ang puntod ng namayapang partner na si Dolphy sa The Heritage Park.

Kinabukasan kasi, October 31, ay lilipad siya papuntang Hong Kong.

Kuwento ni Zsa Zsa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kris [Aquino] invited me to Hong Kong.

“Sabi ko, ‘Ang hirap pumunta ng Hong Kong kasi favorite place ni Dolphy yun, e.’

“Tapos sabi niya, ‘E, kung Disneyland?’

“’Ay, sige!’ Kasi we haven’t been there as a family.

“So, sabi ko, sige, I will do it with her.

“Sinabi nga ni Kris, advice niya sa akin, we have to create new memories.

“So, dadalaw ako sa Heritage on the 30th and I made plans na iwan ko na lang dun sa mga anak ko.

“Si Nicole, my daughter Nicole will be arriving on the 30th.”

Nakausap ng PEP si Zsa Zsa sa press conference ng ini-endorse niyang ZO Skin Health noong October 24.



FIRST… Ito sana ang unang Araw ng mga Patay na dadalawin ni Zsa Zsa ang puntod ni Mang Dolphy, pero mas pinili niyang sumama na lang kay Kris sa Hong Kong sa araw na iyon.

Paliwanag ng singer-actress, “Kasi lahat ng first, mahirap. Lahat talaga ng first, mahirap.

“I will look forward to na… well, not look forward.

“Ang ibig kong sabihin, mahirap talagang isipin lahat ng Christmas na wala siya [Dolphy].

“First New Year, Valentine darating ‘yan.

“Birthday ko, birthday ng mga anak ko, and then birthday niya ulit. Anniversary…”

Noong July 10 ngayong taon sumakabilang-buhay ang Comedy King.

Tila napapadalas yata ang mga paglabas-labas nila ni Kris ngayon?

Sabi naman ni Zsa Zsa, “I think, kapag may tweet kasi ako na alam niyang feeling lonely ako….

“Kasi, kapag meron akong kinakausap talaga, at alam mo ang feeling na mawalan ng mahal sa buhay, madali kang maka-relate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niya kapag nag-i-emo ako, e.

“Alam na alam niya, ‘Labas tayo, nood tayo ng sine.’

“Pero ako yung kapag alam niyang type ko ang pelikula, ako ang niyayaya niya.

“Madalas nga naming kasama ang mga anak niya—napaka-wholesome talaga.”

Yung trip to Disneyland nila, ideya talaga ni Kris?

“Oo, kasi alam niyang mag-i-emo talaga ako. Kilalang-kilala na niya ako.

“’Naku, kapag [October] 30, 31… ayan na si ZsaZhing, kunwari kaya niya.’

“Siyempre, meron naman tayo na gusto nating maging matapang. Pero alam niya, alam na alam niya.

“So, noong sinabi pa lang niyang Hong Kong, sinabi kong ayokong sumama. Kasi, favorite place ni Dolphy, Hong Kong.”

Kinumusta rin kay Zsa Zsa kung ano na ang mga ipinagawa nila sa puntod ni Mang Dolphy sa Heritage Park, at kung napalagyan na nila ito ng bubong.

“Actually, may plano kami noong una.

“Kaya lang, after much deliberation, meron kasing feng-shui master na gustong mag-offer ng services niya.

“So, kakausapin namin siya this week para i-finalize ang plan.

“Actually, temporary lang yung ginawa namin doon.

“Siyempre, ang laki rin ng pamilya namin, so may mga deliberation pa kung papalagyan ba ng bubong. Kung ano ang design.

“Paano kasi kung later on, may plano ang family na ilipat siya.”



STAYING POSITIVE. Samantala, masaya si Zsa Zsa na sa eda niyang 48 ay nakakakuha pa rin siya ng beauty endorsements tulad nga nitong ZO Skin Health.

Kumbaga, life has to go on talaga.

“It’s such a blessing… I’m very, very grateful,” sambit niya.

Naniniwala si Zsa Zsa na malaking bagay talaga ang nagagawa ng pagiging positibo sa buhay.

“It keeps me going, e,” nakangiti niyang sabi.

“And I still go through my daily rituals of… you know, in the morning when I wake up, I talk to Dolphy as if he’s still in the room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel he will be with me as long as I’m alive.

“Even when, you know, we are in totally different world apart, di ba, maiiwan na yun sa pagkatao mo.”

Pero araw-araw pa rin daw siyang umiiyak.

“Every day,” sabi niya.

“And I think that keeps me going when I cry a little every day.

“And most of the time, it’s in the morning—doon ko siya kinakausap kasi, before I start my day.”

May mga nadi-discover ba siya sa sarili niya ngayong marami na siyang “me” time?

“Actually, medyo bored na ‘ko!” natawang sabi niya.

“I’ve been raring to go back to work.

“Nadi-discover ko, everyone has a strength and sometimes you just have to tap it.

“Lalo na sa showbiz, ang mga artista kasi, very sensitive. Alam n’yo naman yun.

“Sensitive talaga kaming lahat because lahat ng criticisms, lalo na sa social media, nakikita namin.

“Pero siyempre, sinasala naman namin because I personally feel, kung meron namang katotohanan ang sinasabi, maybe I should listen and improve on something.

“So ako, very open ako dun.

“Pero minsan talaga, kalokohan lang naman.”



MMFF ENTRY. Nabanggit na rin lang niya ang trabaho, kasama sana si Zsa Zsa sa isang episode ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang na official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Pero iniurong na ng mga producers nito ang pelikula kaya nagdesisyon ang MMFF executive committee na palitan na lang ito ng Thy Womb na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Ano ang naramdaman ni Zsa Zsa nang hindi ito matuloy?

“Noong una, medyo disappointing talaga kasi, more than anything, it’s the schedule that I’m worried about.

“But God’s grace, may mga pumapasok nang ibang schedules.

“At katulad ng sinasabi nila, it’s an old adage na when God closes a door, He opens a window. Totoo naman talaga yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro may ibang plano pa sa ngayon.”



ZIA QUIZON. Kinamusta rin ng press kay Zsa Zsa ang anak nila ni Dolphy na si Zia Quizon, na mas lalong dumarami ang humahanga sa boses nito.

May plano ba ang anak na mag-audition sa revival ng musical na Miss Saigon?

“Depende kasi sa range niya.

“Si Zia kasi has a very unique range. Hindi siya yung regular soprano na mga Filipino.

“Kasi most Filipinos are alto, soprano. She’s a tenor.

“Would you believe? Panlalaki yung kanyang range.

“So, siyempre, sa boses niya talaga binabagay kung may proyekto na bagay sa boses niya.”

Puwede pala silang gumawa ng duet album na mag-ina?

“Actually, we are working on a duet album and this is… we’re very excited about it kasi co-production ito ng Star Records and PolyEast, yung aming home team.

“The chances for me and of course Zia, kasi second album pa lang naman niya, would be the most personal album to make.

“A lot of it would be dedicated to Dolphy and about the challenges we face through in life.

“Yung mga songs na pinipili mong inspiring that talks about family and moving forward in life.”

Ang panganay na anak ni Zsa Zsa na si Karylle ang umaming mag-o-audition para sa Miss Saigon. (CLICK HERE to read related story.)


MORE CAREFUL. Ngayong na-rule out na ang cancer sa naging sakit ni Zsa Zsa sa kidney, hindi naman daw ito nangangahulugan na magiging relax na lang siya.

In fact, mas maingat na raw siya ngayon lalo na sa kinakain niya.

Sabi ni Zsa Zsa, “Every year na lang ang check-up ko, pero kung mahanapan siya ng cancer cell, every six months, magpapa-check-up.

“But you know, I’m all for wellness now.

“Because I instinctively, I believe, kapag tinubuan ka ng tumor, what’s stopping you about it from producing another one?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m really very careful about foods. Most of my diet, it doesn’t mean na hindi ka kakain.

“Actually, I do eat a lot pero lahat yun prepared talaga namin sa bahay and all-natural.”



LOVING AGAIN. Sa isang banda, kahit na hindi pa talaga nagbababang-luksa ni Zsa Zsa, hindi pa rin maiwasan na may magtanong kung bukas ba siyang muling ma-in love o pumasok sa panibagong relasyon.

Pero natatawang sabi ng Divine Diva, “Alam n’yo, kapag ganitong edad ka na, ilang beses na rin akong tinanong, parang hindi talaga.

“Parang sabi ko, ‘Yuck, kadiri!’ Hindi na bagay.

“Kasi ano na ‘ko, nasa stage na ng buhay ko ngayon na I’m looking forward na magka-asawa ang mga anak ko, magkaroon ako ng apo.

“Siyempre, kapag nakikita ko si Lorna [Tolentino, Zsa Zsa’s cousin] na talagang napaka-precious ng kanyang apo, di ba?

“Sabi ko, ‘Nakakainggit naman.’ Napi-pressure ang mga anak ko kapag sinasabi ko ‘yan, eh.”

Si Karylle daw ang pinaka nape-pressure sa tatlong anak niyang babae.

“Lalo na siya, sinasabi niya, ‘Ako ba, ako ba ang ibig mong sabihin?’” natatawang sabi ni Zsa Zsa.

Paano kung nakapagbabang-luksa na siya at may ipa-date sa kanya si Kris o may makilala siya?

“I think, prerequisite talaga na mas ma-in love siya sa pamilya ko, lalo na sa mga anak kong babae.

“Yun… dadaan muna sila sa mga anak kong babae.”

Open ba naman siya?

“Sa ngayon, hindi pa talaga. Hindi ko alam, dyusko!” natatawa pa rin niyang sabi.

Pahabol pa ni Zsa Zsa, “Let’s cross the bridge when we get there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN