Joyce Ching steps up to the pressure of losing weight: “Papayat ako kung gusto kong pumayat. Choice ko yun.”

IMAGE 0


Prior to entering the showbiz, Joyce Ching was confident that she looked just fine. The weight issue only kicked in when she started receiving comments that she looked big on screen. The teen actress tells, “May time na parang ‘Oh my gosh! Kailangan ko talaga magpapayat!’ But then, naisip ko, ‘Bakit? Kebs!’” Joyce opts to love herself more. She boxes to exercise and eats just about anything but only in small portion


Isang mas payat, fit, at blooming na Joyce Ching ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa noong Miyerkules ng gabi, Oktubre 24, sa 17th floor ng GMA Network Center sa Quezon City.

Kasama ni Joyce sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa bagong primetime teleserye na ito ng Kapuso network na magsisimula na sa Nobyembre 5, Lunes.

Kontrabida muli ang ginagampanang papel ni Joyce—si Becca, na pinahihirapan ang buhay ng bidang si Mariposa (Barbie).

Espesyal raw ang proyektong ito dahil nakakatrabaho ni Joyce ang batikang kontrabida actress na si Maritoni Fernandez.

Sa panayam ay binanggit ng batang aktres na natututo siya sa kanyang “nanay” sa istorya.

Nakangiting wika ni Joyce, “Nakaka-pressure si Ms. Maritoni kasi nakatayo lang siya, wala siyang ginagawa—effortless!

“Poker face, parang very scary agad!”

Isang technique ang natutunang gawin ni Joyce matapos nilang kunan ang Week 3 ng Paroa: “Siguro, ang nangyayari lang, kung paano siya umaatake, binabaliktad ko.

“Halimbawa, may mga eksena kami na sobrang ‘Ratatatatat!’ Ako naman, yung pagka-kontrabida ko, patahimik way, yung hindi masyado mabunganga.

“Tapos pag siya naman yung tahimik magtaray, ako naman yung bumubunganga para lang mabalanse.”

Tila humuhusay na nga sa pag-arte si Joyce na unang gumanap na kontrabida sa Endless Love (2011). Sinundan ito ng kanyang pagganap na kontrabida rin sa Munting Heredera (2011).

“Sa tingin ko po, oo. Mas naging natural kasi,” sabi niya.

Malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang pag-arte.

Ayon kay Joyce, “Naisip ko yung mga dati kong pagka-kontrabida, parang very typical kontrabida.

“Parang wala lang, para masabi lang sinisigawan mo yung inaway mo, masabi mo lang na ganito…

“Ngayon siguro, mas lumalim saka mas naging natural.

“Kasi parang… ikaw ba, nandito ka sa lugar na ito, sisigaw ka nang ganung kalakas? Parang mas natuon ako sa totoong nangyayari. Mas naging gano’n.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw problema sa charming chinita actress ang ma-typecast na kontrabida. Natutunan na niya itong tanggapin.

“Actually, meron akong bagong pag-iisip ngayon,” nakangiting sabi ni Joyce.

“Dahil kontrabida ako, gusto ko mainis sa akin talaga yung mga tao! Yun na yung goal ko!

“Dati kasi parang napapaisip pa ako, nape-presure ako, ‘Hala! Baka magalit sa akin yung mga tao.’

“Ngayon talaga, gusto ko mainis sa akin yung mga tao!” natatawa pang sabi nito.

WEIGHT ISSUES. Ang coming-of-age story ni Mariposa ay tumatalakay sa pagbabagong pagdadaanan ng bidang babae mula sa pagiging caterpillar o higad hanggang sa kanyang pamumukadkad bilang isang paru-paro.

Magiging marahas ang mundo kay Mariposa dahil sa kanyang ekstra-ordinaryong pagkatao. Sa unang buwan ng teleserye ay maaapi si Mariposa dahil sa pambihirang hitsura niya.

Sa press launch ay nabanggit ng direktor na si Mark Reyes ang mensaheng nais ipahatid ng teleserye: “A lot of children out there, they feel inadequate, they feel like they’re a caterpillar and they don’t know when they’re going to turn into a butterfly.”

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Joyce, tinanong namin ang batang aktres kung minsan ba sa buhay niya ay naranasan niya ang ma-insecure?

Ikinuwento ni Joyce na minsan siyang na-pressure na magbawas ng timbang.

“Ako po, bago ako mag-artista, very wala lang. Very… wala, dedma.

“Proud ako sa sarili ko nang bonggang-bongga.

"Pero siguro kasi, nung nag-showbiz na ako, parang napi-feed sa akin na, ‘Kailangan mo mag-lose weight, kailangan mo pumayat! Ang taba mo!’ ganyan-ganyan.

“Yun siguro, may time lang na parang, ‘Oh, my gosh! Kailangan ko talaga magpapayat!’”

Pero hindi nagpadala si Joyce sa mga komento ng mga tao. Bagkus, pinili niya na mas mahalin ang kanyang sarili.

“Naisip ko, ‘Bakit? Kebs!’

“Papayat ako kung gusto kong pumayat! Choice ko yun kung gusto kong pumayat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idiniin pa ng batang aktres na mas importante pa rin ang pag-arte: “Saka, acting. [Sa] acting na lang [daanin].”

Masaya ang aktres na nalagpasan niya ang isang pagsubok na ito.

“Sa akin po, nag-succeed naman siguro ako. Kasi pumayat ako sa way na gusto ko.

“Hindi yung dahil pinilit ako ng mga tao na, ‘Mag-diet ka! Wag ka kumain!’ ganyan.

“Inalagaan ko pa rin yung katawan ko.”

Pansin na pansin kay Joyce na mas pumayat nga siya. Ang kanyang sikreto?

“Nagba-boxing po ako! Sinipag na po ako!”

May mga dalawang buwan na ring nagbo-boxing si Joyce.

Kuwento niya, “Pero hindi po regular… kapag may time [lang] po. Sinisingit lang.

"Tapos ngayon, medyo nale-lessen ng konti. Siguro at least once a week tina-try ko na makapunta.”

Hindi rin hinihigpitan ni Joyce ang sarili niya pagdating sa pagkain.

Binanggit ng teen actress na lahat ay kinakain niya, lalo pa’t kumukuha siya ng kursong Culinary Arts ngayon sa SKD Academy sa Quezon City.

Kumakain pa rin. Madalas kasi, [sinasabihan ako,] ‘Mag-diet ka! Hindi na kakain.’

"Ako, lagi akong kumakain, pero small amounts lang. Or biscuits lang, ganyan...

“Wala akong pinipiling pagkain! Lahat talaga kinakain ko, e. Lahat ng gusto kong kainin.

"Siguro hindi lang yung sumosobra talaga.”

Kahit ang matatamis na pagkain o ang nauusong milk tea ay hindi tinatanggal ni Joyce sa kanyang diet. Hindi siya tulad ng iba na kailangang i-reward ang sarili matapos ang matinding pagdi-diyeta.

“Actually sa akin po, hindi siya treat. Kasi hindi ko siya tinanggal talaga, e.”

Malaki ang nagawa ng exercise para kay Joyce. Dahil dito ay nako-control na niya ang kanyang pagkain.

Sabi pa ng teen actress, “Nung nag-boxing po ako, nung nag-start na ako mag-lose ng weight, parang hindi ako naging conscious sa mga kinakain ko, pero ako na mismo yung parang, ‘Ay, parang ayaw ko kumain.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masusubaybayan si Joyce sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa simula Nobyembre 5, mula Lunes hanggang Biyernes, sa early prime block ng GMA-7, bago ang 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN