LJ Reyes says she and Paulo Avelino are “very hands-on” parents to son Aki

IMAGE 0


“Minsan, hanggang kaya ko pang idilat yung mga mata ko kahit puyat, talagang gagawin ko, ‘tapos ako yung nag-aalaga sa kanya,” relates LJ Reyes about her quality time with son Ethan Akio.


Sulit ang pagsubok ni LJ Reyes na gawin ang stunts para sa Tiktik: The Aswang Chronicles dahil sa mga magagandang komentong nakukuha niya tungkol dito.

Bukod sa na-enjoy niyang gawin ang mga stunt na kailangan para sa kanyang role bilang aswang sa pelikulang Tiktik, marami rin daw nakapagsabi sa kanya na nagustuhan ang kanyang ginawa.

“Salamat naman po kasi ang daming nagbibigay sa akin ng feedback na kahit daw aswang ang role, pinaghirapan ko raw ang role.

“May ibinigay daw akong parang part of me sa character kaya parang tumatak siya,” sabi ni LJ nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media bago ang thanksgiving Mass na inihanda kamakailan para sa magandang kinalabasan ng Tiktik sa takilya.

Patuloy niya, “Nakakatuwa kasi kahit yung mga friend ko na director na hindi naman taga-dito, nakakataba ng puso na magte-text sila or magdi-DM [direct message on Twitter] para sa magandang feedback.”



WORKING HARD FOR THE FUTURE. Pagkatapos ng pelikula, nakatuon naman ngayon ang pansin ni LJ sa kanyang teleseryeng Aso ni San Roque.

Mula sa pagiging kontrabida sa mga nakaraan niyang proyekto, isang mabait na ina naman ang kanyang ginagampanan sa programang ito.

Sabi ni LJ, “Grabe din naman yung mga eksenang ibinibigay nila sa akin.

“Gustung-gusto ko talaga kapag natsa-challenge ako sa mga characters, sa mga eksena.”

Bagamat halos sunud-sunod ang nagiging trabaho, hindi naman ito problema kay LJ.

Sa halip, labis pa niya itong ikinatutuwa dahil, aniya, “Kailangan ko pong magtrabaho, mag-ipon, paghandaan ang future.”



TIME FOR SON AKI. Abala man sa trabaho, tinitiyak naman daw ni LJ na may oras pa rin siya para sa kanyang anak na si Aki.

“Minsan hanggang kaya ko pang idilat yung mga mata ko kahit puyat, talagang gagawin ko, ‘tapos ako yung nag-aalaga sa kanya.

“Nakakatuwa rin kasi minsan kapag day-off, kaming dalawa lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakalungkot din minsan kapag nami-miss mo yung bata.

“Natatawa nga minsan yung mga kasama ko sa work kapag nakikita nila na may mga pictures ako. [Sasabihin nila], ‘O, nami-miss mo na?’

“Very hands-on naman kami.”

Ang itinuturing ni LJ sa “kami” ay ang ama ni Aki—ang boyfriend niyang si Paulo Avelino.

Bagamat naging vocal si LJ tungkol sa pagkakaroon ng oras sa kanyang anak, naging tikom naman ang bibig niya nang tanungin tungkol sa kanila ni Paulo.

Mas gusto raw ni LJ na maging pribado pagdating sa aspetong ito ng kanyang personal na buhay.

"Lahat naman po ng artista [gusto ng privacy]," sabi ni LJ.

“Kahit na sabihin natin na, oo, we owe it to our fans na meron silang malaman na kahit kaunting mga personal things about us.

“Pero minsan gusto namin na meron kaming kahit kaunting privacy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN