Indie actor Jess Mendoza happy to get breaks in the mainstream

IMAGE File photo


Jess Mendoza with the cast of Pintada: Boom Labrusca, Joseph Marco, Denise Laurel, and Martin Del Rosario.


Unti-unti nang napapansin ang baguhang aktor na si Jess Mendoza. Matapos ang sunod-sunod na roles sa indie film industry ay tila handa na si Jess na pasukin ang mainstream showbiz.

Tumatak si Jess nang ma-nominate siya ngayong taon sa Urian bilang best actor para sa pagganap niya sa indie movie na The Natural Phenomenon of Madness, na nag-compete din sa ilang international film festivals.

Ngayon ay nakikilala na si Jess sa pagganap bilang Atong Policarpio sa Pintada ng ABS-CBN. Si Atong ang magiging susi sa lahat ng misteryo sa afternoon drama series.

Magiging bahagi rin si Jess ng upcoming Star Cinema film na 24/7 In Love.

Nitong weekend ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Jess through Facebook chat, sa tulong na rin ng manager niyang si Ricky Gallardo.

Bungad ni Jess, malaki raw ang pasalamat niya sa mga direktor ng Pintada.

“Nagpapasalamat po ako sa mga sumubaybay sa Pintada. I am lucky to be able to work with director Cathy Garcia Molina, who always made sure that I give only my best. Of course, I also am thankful for Ted Boborol who handpicked me from among the actors who auditioned to play Atong,” pahayag niya.

Natutuwa rin si Jess na naging malapit siya sa main cast ng show, na sina Denise Laurel at Martin del Rosario.

Aniya, “It was a wonderful team. I’m glad that I had the chance to get close to Martin del Rosario, who is not only a credible actor but also a nice person. Lead actor siya at ako baguhan pero he never made me feel that there is a difference. In fact, sa kanya ako sumasabay papuntang location kasi wala pa naman po akong sasakyan.”

A TASTE OF FAME. Kuwento pa ni Jess, hindi niya raw in-expect na magkakaroon siya ng ganitong break. Aniya, binalak niyang mag-quit na sa pag-arte matapos mag-graduate ng kolehiyo, para magtrabaho sa corporate world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At that time, hindi po ako sigurado kung may puwang ang showbiz sa akin, pero acting po talaga ang passion ko. Tapos a week after graduation lumabas ang listahan ng Urian nominees,” saad niya.

Tila ang Urian nomination ang naging susi ng suwerte ni Jess.

“Then natanggap po ako sa Pintada after another week. Perhaps these were signs. I told my manager na ituloy na namin ang pagpasok ko sa showbiz. Mukha naman pong may puwang para sa akin,” pahayag niya.

At ngayong medyo sumisikat na siya, nasisiyahan siya dahil nakikilala na siya ng publiko.

“Natutuwa nga po ako kasi tinatawag nila akong Atong kahit hindi po nila alam ang name ko– sa supermarket, sa mall, sa mga restaurants, kahit yung conductor sa bus,” sabi ni Jess.

24/7 In Love. Ikinuwento rin ni Jess kung paano niya nakuha ang role sa 24/7 In Love, kung saan makakasama siya sa segment nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Si Direk Mae Cruz ang magdidirek ng segment na ito. Isang araw raw ay nag-substitute si Direk Mae kay Direk Cathy Garcia-Molina sa Pintada.

“Nagustuhan po niya ako sa Pintada, kaya sinama niya po ako sa pelikula,” ani Jess.

Matapos ang Pintada at ang 24/7 In Love, ninanais ni Jess na magtuloy-tuloy ang takbo ng kanyang career.

“Sana po, masundan kaagad. Ang sarap po maging aktor. I am simply thankful that I am doing something I really love,” pahayag ni Jess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN