Kyla expecting first child with husband Rich Alvarez

IMAGE Nice Print Photography


Masayang in-announce nina Kyla at Rich Alvarez na tatlong buwang buntis na ang R&B Princess sa kanilang unang baby. Ginawa nila ang announcement sa Party Pilipinas kahapon, October 28.


Pagkatapos ianunisyo nina Kyla at Rich Alvarez sa Party Pilipinas kahapon, October 28, na tatlong buwan nang buntis ang R&B Princess ay inulan kaagad ng congratulatory messages ang mag-asawa.

Tila masaya ang lahat sa sinasabi nina Kyla at Rich na “beautiful blessing” na dumating sa buhay nila matapos ang matagal ding paghihintay para rito.

Ikinasal ang singer at ang basketball player noong November 28, 2011, sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Kyla at Rich sa backstage ng Party Pilipinas sa Studio 7 ng GMA Network kahapon, nagpasalamat ang dalawa sa mga bumati sa kanila.

Sabi ni Kyla, “Thank you talaga sa lahat. Kasi makikita mo yung tuwa sa kanila para sa aming dalawa.”

Dagdag naman ni Rich, “I’m happy that everyone expresses their love for Kyla. I know that all of our friends prayed for this.”

Singit muli ni Kyla, “Ipinagdasal talaga namin ito.”

THE GOOD NEWS. Two months pregnant na raw ni Kyla nang malaman niyang buntis siya.

“Kasi malalaman mo naman yun pag na-miss mo yung period mo," sabi ng singer.

Paano sinabi ni Kyla kay Rich ang magandang balitang ito?

Kuwento ng singer, “Ano, sinabi ko sa kanya… kasi una muna, nag-test-test muna kami sa bahay, tapos nagpa-checkup na ako.”

Ano ang naging reaksiyon ni Rich nang malaman niyang buntis si Kyla?

Sabi ng PBA player, “It’s a blessing. We talked about it. We really wanted this.

“And it’s just really a surprise it came so soon. So, we’re really happy.”

Nag-celebrate ba siya? Tumalon at sumigaw ba siya sa sobrang tuwa?

Sabi ni Rich, “We always joke around, we’re doing names and stuff.”

Dagdag naman ni Kyla, “Joke-joke lang kami. Nagkukunwari-kunwarian kami noong hindi pa ako pregnant, na parang naglalaro kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nagkatotoo na, kaya talaga nakakatuwa.”

Sino ang unang nakaalam ng pagbubuntis ni Kyla—ang parents ng singer o parents ni Rich?

Matamang nag-isip si Kyla bago sumagot, “Parang… hindi namin napansin masyado, parang pareho lang. Tinawagan namin yung parents niya.”

Anong advice ng parents niya sa kanya?

“Kumain lang daw nang kumain!” sabay tawa niya.

“Hindi nga ako makakain. Parang dalawang oras ako kumakain, gano’n. Kasi parang gustong lumabas, e.”

Ang gusto niyang sabihin ay para siyang nasusuka.

Hindi ba sobrang concerned ang mommy niya sa kanya?

“Naku, oo, siyempre. Bili nga nang bili ng mga fruits para sa akin.”

THE PREGNANCY. Hindi ba’t nag-travel muna sila sa Europe?

“Oo,” pagkumpirma ni Kyla.

“Ipinagdasal namin ‘yan sa lahat ng church sa Italy, sa ano... lahat ng church na pinuntahan namin, pinasok namin.”

Ibig sabihin, nakatulong talaga yung bakasyon nila abroad?

“Mukha naman,” pagsang-ayon ni Kyla.

Napag-usapan na ba nila kung boy, girl, o twins ang gusto nilang maging baby?

Sabi ni Kyla, “Hindi siya twins… gusto ko nga sana twins para dalawa na kaagad, di ba?

“Pero hindi namin alam ang gender. Parang next month pa.”

Naglilihi pa rin ba si Kyla?

“Opo, pero wala akong gustong pagkain. Ayokong kumain,” sabi niya.

Pero si Rich daw ang kain nang kain.

“Oo, I just make her jealous,” sabi ng basketbolista.

May mga morning sickness pa rin ba si Kyla hanggang ngayon?

“Oo, meron pa rin, pero hindi naman malala. Hindi naman yung malalang… kasi naku-control ko siya. Yun, basta, hinay-hinay lang.”

Ano ang ginagawa ni Kyla ngayong hindi na siya masyadong naglilihi?

“May vitamins namang ibinibigay sa akin, saka yung milk.

“Kasi kung hindi ka nakakain, at least yung milk, nakakatulong. Protein, mga gano'n.”

Ano pa ang advice ng doctor sa kanya? Gaya ng pag-iingat nang husto?

“Oo, gano’n. Ingat lang. Saka huwag raw masyadong mai-stress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, hindi naman ako nai-stress kasi tulog lang ako nang tulog.

“Parang antok na antok lang ako parati. Kakagising ko lang, ha, antok na naman ako? Ano ba naman ito?” nailing na sabi ni Kyla habang nakangiti.

Napansin naming naka-high heels pa rin si Kyla kahit buntis siya. Hindi ba ito bawal sa kalagayan niya?

“Hindi naman,” mabilis niyang sagot.

“Basta huwag lang akong matatapilok. Ingat lang paglakad.”

SONG FOR HER BABY. Bago raw nabuntis si Kyla ay meron na siyang kanta para sa kanyang pagbubuntis kung sakali.

“Oo. Actually, ano na ako noon, buntis na. Quiet lang ako,” pagtutuwid niya sa naunang balita.

Meron ba siyang isinusulat na kanta para sa baby niya?

“Wala pa, e, siguro pag malapit na, yung emotions lalabas na.”

Kinakantahan niya ba palagi ang baby niya?

“Oo, kinakantahan ko, kinakausap ko siya.

“Lalo pag nahihirapan ako. Sabi ko, ‘Huwag ka namang ganyan. Sige na, huwag mo akong pahirapan.’”

Ini-spoil o bini-baby ba siya ni Rich?

“Oo, sinasamantala ko yung pagkakataon na ito!” natatawang biro ni Kyla. “Nagti-take advantage talaga ako sa sitwasyon.”

Singit na komento naman ni Rich, “She sets me in food runs and when I get home, she’s not hungry.”

Paano inaalagaan ni Rich si Kyla sa kundisyon nito ngayon?

Sagot ng basketball player, “Siyempre, to make sure that my wife is happy. I really make sure.

"You know, this is it. This is a gift! I don’t wanna mess up this opportunity.”

Lagi niya bang dinadalhan ng pasalubong si Kyla?

“I really try to do everything for her, make sure she’s happy at home.

“Because she’s really tired all the time and she feels sick.

"So, I just wanna make sure she’s okay and get through this. Because the first one is the hardest.”

Nahawa na ba ni Kyla si Rich sa paglilihi niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman… nahawa ka ba?” baling ng singer sa asawa.

“Malakas naman talaga siyang kumain. Kahit dati pa. Hindi ko napapansin.”

Dito ba sa Pilipinas manganganak si Kyla?

“Dito po. Dito.”

Naiisip ba ni Kyla na magpahinga muna sa showbiz habang buntis siya?

“Ay, no,” sagot agad ni Kyla. “Ang lungkot naman kasi pag hindi ako kakanta. So, kanta lang.”

Paano yun, kahit kabuwanan na niya ay kakanta pa rin siya?

“Siguro naman pag kabuwanan ko na, papahinga na ako. Saka hindi ko alam kung gaano kalaki yung tiyan ko,” masaya niyang sabi.

Naiisip na ba niya kung gaano magiging kalaki ang tiyan sa mga susunod na buwan?

Sabi ni Kyla, “Kasi hindi ko iniisip, ayokong isipin kung gaano siya kalaki.

“Although, natatakot ako. Kaya ko bang buhatin ito? Hindi ko alam.

“Hindi na muna ako maghi-heels kung malaki na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN