Judy Ann Santos sympathizes with Sharon Cuneta over Megastar's new issue on Twitter

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos (in photo) on Sharon Cuneta's latest issue: "Hindi mo talaga mapipigilan ang damdamin ng isang nanay kapagka halimbawang may sinasabi nilang yung below the belt na yung paninira. Siyempre, maglalabas ka na rin ng bala mo para matahimik yung mga taong involved, na parang kung ako man, e, sabihin mo ng ganyan, ‘A, para matahimik ka ilabas ko na kaya?’"


Bilang isang kaibigan, nahingan ng reaksiyon si Judy Ann Santos tungkol sa bagong isyu ni Sharon Cuneta sa Twitter world involving an ABS-CBN PR executive.

(CLICK HERE to read related story.)

Aware si Judy Ann sa latest issue na ito ng Megastar.

“Oo naman, oo naman,” sabi ni Judy Ann nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 100% Panatag World event ng Lactum sa Event Center ng SM Megamall noong Sabado, May 19.

Ano ang reaksiyon niya tungkol dito?

“Kasi … paano ba, paano ko ba sasabihin ito nang wala akong…

“Ewan ko kung mag-a-approve kayo sa akin ano, pero kasi, may mga bagay talaga na hindi na lang dapat tini-tweet.

“I’m not referring to Ate Sharon, ano.

“Kasi payapa na yung isyu, e. Wala na namang pumapansin.

“Ngayon, mag-tweet ka ng anything sa isang tao, siyempre ang unang magre-react, nanay.

“Lalo pa’t siya yung naghirap diyan at siya yung nakakakilala sa bata.

“Especially when you work for a major company, hindi ka na dapat ano… wala na dapat ganyan kasi it’s a very sensitive topic, to begin with. Bakit ba kasi…”

Nakikisimpatiya siya kay Sharon.

“Oo, nanay ako, e! Di ba?

“Parang sinasabi ko nga kahit mangyari sa akin ‘yan, baka naging halimaw ako, baka hindi… baka higit pa,” ang gagawin niya ang ibig tukuyin ni Judy Ann.

Nakausap na ba niya si Sharon tungkol dito?

“Yung ngayon, hindi pa.

“Para kasing nung isang araw lang ito nangyari, di ba? Hindi pa, wala pa.

“Hindi mo talaga mapipigilan ang damdamin ng isang nanay kapagka halimbawang may sinasabi nilang yung below the belt na yung paninira.

“Siyempre, maglalabas ka na rin ng bala mo para matahimik yung mga taong involved, na parang kung ako man, e, sabihin mo ng ganyan, ‘A, para matahimik ka ilabas ko na kaya?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, di ba, para wala nang threat na nangyayari, tama na lang.

“Tapos na e, okay na, e. Tulog na lahat, e, ginising mo pa, e, yung ganun, e.”

Hindi nararanasan iyon ni Judy Ann dahil…

“Wala naman akong Twitter,” sabay tawa ng aktres.

BASHERS. Pero ayon sa kanya, noon ay may mga “bashers” din siya.

“Meron din, meron din.

“Nung lumabas si Lucho, may mga kung anu-ano ring nagsabi, e, wala pa naman yatang Twitter nung panahong ipinanganak ko si Lucho.”

Saan niya nababasa ang mga negative comments na iyon?

“Sa PEP, di ba, siyempre nagbabasa ako ng PEP—sa comments.

“Sabi nga ng asawa ko sa akin, 'Huwag ka na kasing magbasa ng comments.' E, maiiwasan mo ba?

“Pero gusto mo mang pumatol, naiisip mo na lang na ito namang mga ito, may masabi lang.

“Sige na nga, ‘E, maglabas ka kaya ng picture ng anak mo, tingnan natin kung hindi ‘yan mukhang… lahat naman ng bata ‘pag bagong silang, di ba, mukhang magnifying glass?”

Napikon din siya dati?

“Oo naman!” bulalas ni Judy Ann.

“Kasi siyempre, ‘pag bagong panganak ka, napaka-sensitive mo, e.

“Lahat ng bagay na puwedeng makasakit sa iyo, lalo na at ‘pag yung anak mo ang tinira, masasaktan ka talaga.

“Pero at the same time, naisip ko na it’s not worth my time, it’s not worth my effort.

“Unang-una, hindi ko sila kilala. And maybe it made them feel good to say those words about my kid.

"Masuwerte lang sila hindi nila inilabas ng unang araw yung anak nila, kasi baka ako ang unang kumumento.”

Busy raw siya para pumatol sa mga bashers.

“At saka mas masaya ang buhay ko, bakit naman ako magpapaapekto pa sa kanilang hindi masasaya ang buhay?” sabi ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN