Nora Aunor dons authentic Muslim attire for upcoming promotional billboards

IMAGE Courtesy of Bench


Suot ni Nora Aunor ang ilang authentic Muslim costumes, o Landap, sa pictorial para sa lalabas na billboards ng pelikulang Thy Womb. Ang mga naturang kasuotan ay inihanda ng stylist na si Fatmawati Salapuddin para sa Superstar.


Kamakailan ay nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang glossy pictorial session ni Nora Aunor sa Adhouse Studio para sa clothing brand na Bench.
Ito ay kaugnay ng promotional billboards na ilalabas ng brand upang suportahan ang pelikulang Thy Womb sa darating na Metro Manila Film Festival 2012.
Nagmistulang tunay na Muslim si Nora sa pictorial dahil sa suot niyang iba't ibang tradisyunal na Muslim dresses na may kasamang headdresses o bandanas.
Tinatawag na Landap ang tradisyunal na kasuotan ng mga babaeng Muslim sa Pilipinas, partikular sa mga isla ng Tawi-Tawi at Sulu.
Kakaiba ito kumpara sa Hijab costumes ng ibang Muslim nationalities dahil napapalamuti ang Lantap ng makukulay na beadwork at embroidery.
Nagsilbing stylist ni Ate Guy sa pictorial ang isang middle-aged Muslim woman na nagngangalang Fatmawati Salapuddin.
Si Salapuddin ang kasalukuyang Director of the Bureau of Peace and Conflict Resolution of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF)— isang ahensiya ng gobyerno na nakatutok sa pangangalaga ng kapakanan ng mga kababayan nating Muslim.
A BEAUTIFUL STORY. Sa panayam ng PEP kay Salapuddin, sinabi nito na talagang suportado ng Filipino Muslim community ang pelikulang Thy Womb.

"We support the movie even when it was brought to Europe [for the Venice International Film Festival].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"We were so happy when we saw in ANC News that it won [awards]!"
Sa naturang festival ay naiuwi ni Nora ang Bisato d'Oro Italian critics' prize, ang La Navicella Cinema Prize, at ang P. Nazareno Taddei Honorable Mention naman para sa direktor ng pelikula na si Brillante Mendoza.
Ang Thy Womb ay umiikot sa kuwento ni Shaleha (Nora Aunor), isang babaeng Muslim na hindi pinalad na magkaanak.
Alang-alang sa kaligayahan at pagiging ganap na ama ng kanyang asawang si Bangas-An (Bembol Roco), papayag si Shaleha na sumiping at magkaanak ito sa mas batang si Mercila (Lovi Poe).
Base sa tradisyon, maaaring sumiping at magkaanak ang lalaking Muslim sa ibang babae kung hindi siya mabigyan ng supling ng kanyang asawa.


Ang kuwentong ito, ayon kay Salapuddin, ay nagpapakita ng ibang mukha ng mga Filipino Muslim.
"Another face of the Muslim is presented (in Thy Womb)— the culture, some religious part of it, and then the islands are shown.
"Educational din siya, with those 'little realities' na na-capture naman ng film. Okay lang iyon.
"Yes, talagang totoo yun!" diin ni Salipuddin patungkol sa conflict ng mga militar at mga rebelde na ipinakita sa pelikula.
"But the island of Tawi-Tawi— in particular, Bongao and Sitangkai islands— is presented not just... magulo.
"The story of real people of Tawi-Tawi, iyon ang ipinakita."
MUSLIM OUTFITS ALL THE WAY. Mula sa pictorial hanggang sa mga dadaluhang premiere nights sa Davao City at sa Manila, pati na rin sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2012 sa December 23, si Fatmawati Salapuddin ang magsisilbing stylist ni Nora Aunor at pagsusuotin niya ang aktres ng authentic Muslim outfits.
"Attire talaga namin iyon... our traditional attire.
"These are (outfits) worn by Muslims in the island group, the Sulu archipelago."
Magkakaibang sets daw ng Muslim attire ang ipapasuot ni Fatmawati kay Nora sa premiere night at sa parada.
"They can make a gown for her that is Muslim-inspired [para di rin siya mahirapan]," sabi pa niya.
Ang couturier ni Nora na si Avel Bacudio ang siyang gagawa ng formal Muslim-inspired gowns para sa mga nabanggit na okasyon.
Ang makeup artist naman na si Krist Bansuelo, na siyang madalas kunin ngayon ng Superstar upang mag-makeup sa kanya, ang maglalapat naman ng kanyang "appropriate makeup."
Ayon kay Fatmawati Salapuddin, masaya siya sa pagiging stylist ng Superstar.
"Yes... ang dami niyang fans, e!" masayang sambit ng babaeng Muslim sa pagtatapos ng aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN