Baron Geisler grateful for showbiz comeback: "Somehow nararamdaman ko yung worth ko as a person."

IMAGE Monching Jaramillo

Baron Geisler on how it feels like to be acting again: "Ang sarap magtrabaho. I’m working now…What keeps me focused is I really wanna save this time, e. Lahat ng mistakes ko before, parang gusto kong itama. Like, save money and get my mom a house. Tuluy-tuloy lang."


Noong Marso ay nanalo si Baron Geisler ng Best Supporting Actor sa Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011).

Matapos niyang gawin ang pelikulang ito, na pinagbidahan ni Laguna Governor ER Ejercito, ay natagalan bago nasundan ang proyekto ni Baron.

Kaya naman laking-pasasalamat daw ng aktor nang alukin siyang maging bahagi ng horror film na Pridyider, na isang produksiyon ng Regal Films.

Sa presscon ng pelikula noong Martes, August 28, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Baron.

Kuwento niya, “Actually, kelan ba kami nag-shoot? Nung ginagawa ko ‘tong Regal film na ‘to, wala akong project, e.

“So, you know, I was happy na dumating ‘to cause I was feeling a bit sad na.

“Parang, 'What’s going on? Parang walang kuwenta yata yung pagiging good boy ko. Walang nangyayari.'

“But eventually, God is so good, He was testing my patience.

“Lahat sabay-sabay... and I also have a TV show coming up soon.

“It’s really secret, but it’s big.”


SEVEN FILMS AND A TV SHOW. Kung noon ay naghihintay siya ng kasunod na proyekto, ngayon daw, bukod sa Pridyider, ay pito raw ang nakalinyang pelikula na gagawin ni Baron.

Kabilang dito ang Lihis ni Direk Joel Lamangan; kunsaan makakasama niya sina Jake Cuenca at Lovi Poe.

Si JM de Guzman, na kasama niya sa Pridyider, ay makakasama ni Baron sa biopic ng Filipino saint na si Pedro Calungsod. Sa ilalim naman ito ng direksiyon ni Francis Villacorta.

Muli ring makakasama ni Baron si Governor ER Ejercito sa El Presidente, na tungkol naman sa buhay ni General Emilio Aguinaldo.

Horror naman ang tema ng Sapi, sa ilalim ng direksiyon ni Brillante Mendoza. Makakasama niya rito sina Dennis Trillo at Meryll Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa sinasabi niyang TV show, tumanggi muna si Baron na ibunyag kung ano ito at kung saang istasyon ito ipalalabas.

Sabi ni Baron sa sunud-sunod na proyekto niya: “Ang sarap magtrabaho!

"I’m working now…What keeps me focused is I really wanna save this time, e.

“Lahat ng mistakes ko before, parang gusto kong itama.

"Like, save money and get my mom a house. Tuluy-tuloy lang."

Dahil nga sa mga pinagdaanan ay lalo raw pinahahalagahan ni Baron ang kung ano mang meron siya ngayon.

Masarap daw ang pakiramdam na makapagtrabaho ulit.

Aniya, “Well, it feels wonderful.

"I feel... somehow nararamdaman ko yung worth ko as a person.

“Although I have to...pansin ko in this industry, you have to keep your toes talaga, not only on the ground, but kailangan, hindi ka mag-off-guard kasi it’s a tough business.

“Before kasi, nilalaro ko lang, e.

"But now, you know, naging serious na ‘ko, mas nakikita ko na kung papano yung sistema ng showbiz, e.

“You don’t know what’s gonna happen next, e. So I really have to take care of what I have,” saad niya.

BACK FROM THE REHAB. Isang taon na ang nakalilipas mula nang lumabas sa rehab si Baron upang masolusyunan ang problema niya sa alak.

Ano ang nararamdaman niya sa muling pagtanggap ng mga tao sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanan niya?

“I feel ano, very blessed, thankful na… and thankful rin kasi napaka-forgiving niyo, the press,” sagot niya.

Sa tingin niya, bakit kaya naging mabait ang showbiz sa kanya at nabigyan pa siya ng napakaraming pagkakataon?

“God is good. It’s God.

"Tsaka, dinasal ko ‘to nung nasa rehab ako, e.

"Every day ng seven months ko dun, every day talaga, yun ang dinadasal ko.

“So prayers talaga. Nagwu-work talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na pakiramdam ko nun na wala na ‘kong kakampi, wala nang mangyayari sa buhay ko. Pero… God is good talaga.”

Pagtukoy pa ni Baron sa panahong sa tingin niya ay wala na siyang kakampi: “Opo! Yun talaga yung nasa utak ko, na...wala na, sira na ‘ko.

“Punta na lang ako ng Amerika, pagkatapos nito magiging bellboy na lang [ako].”

Ngunit malaki na raw ang ipinagbago ni Baron mula nang pumasok siya sa rehab.

BIBLE VERSE. Napansin naman ng mga miyembro ng media ang isa sa mga tattoo ni Baron sa kanyang braso.

Nakamarka dito ang "Romans 12:1-2" na isa raw sa mga paboritong verse niya mula sa Bibliya.

“It’s about renewing your mind, e,” paliwanag niya kung bakit ito ang kanyang paboritong verse.

Pagkatapos ay ni-recite niya ito nang buo:

“Therefore, I urge you, brothers and sisters, [in view of God’s mercy], to offer your bodies as a holy and living sacrifice, pleasing to God. This is your act of worship.

“Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind so you can approve and test God’s will of what is good and acceptable and perfect.”

Banggit pa ni Baron, “Christian-based kasi yung rehab na pinasukan ko, kaya...”



PRIDYIDER. Ang Pridyider ay "reimagining" ng isang episode sa original Shake Rattle & Roll (1984) na may ganun ding pamagat, at tinampukan nina Janice de Belen at ng yumaong aktres na si Charito Solis.

Kasama uli si Janice sa bagong Pridyider, na tinatampukan din nina Andi Eigenmann, JM de Guzman, at Joel Torre. Mula ito sa direksiyon ni Rico Ilarde.

"I play Dick, who is what his name is," sabi ni Baron tungkol sa kanyang role.

Ngunit paglilinaw ni Baron, hindi kontrabida ang role niya rito.

“Hindi bad boy, ano lang, feeling… He’s like an agent, parang ganun, for actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati nagtatrabaho sa ‘kin si… yun yung backstory… dati nagtatrabaho sa ‘kin si Andi.

“And then, eventually, I come and visit her and that’s where all the...parang crazy things happen.

“Hindi naman bad, hindi naman good.

"Siguro ang kagandahan ngayon sa Philippine cinema, hindi na tayo masyadong…

"Yun ang 'pinapagdasal ko, e—hindi tayo yung parang kontrabida, bida.

"So, minsan, may mga characters na vague, na hindi mo mai... andun ako, yung nasa gray.

“Hindi naman totally bida, kasi ang bida natin sina JM and Andi, e.

"Character talaga. Kumbaga, ayoko sabihin yung term, pero a-hole. A**hole na cute. Hindi salbahe siya, e, pero cute na nakakainis.

“Parang ganun yung character—somebody you love to hate, something like that.

“Which we should really explore sa mga ganyang characters, e. Hindi yung puro napaka-white, black.”

Mahirap man daw maikumpara sa orihinal na pelikula, malaki ang tiwala ni Baron na mas magiging maganda ang kanilang bersyon ng Pridyider.

Aniya, “Oh, yeah, it’s hard to compare.

“But, you know, with the people and the technology, so it’s gonna be better. I believe it’s gonna be better.

“‘Cause we have a nice story, iniba ng konti. Tapos nilagyan pa ng magagandang effects.

“It’s a popcorn movie so people are gonna be afraid and laugh at the same time.

“So it’s gonna be an exciting and awesome experience for the people.”

Masaya rin si Baron na makatrabaho si Direk Rico Ilarde.

Ayon sa kanya, “Amazing kasi he gives me freedom to suggest.

“He has respect also for his actors, e. So it’s very relaxed also sa set.

“It’s fun to work with him. Tawa kami nang tawa.

“So, amazing. Natutuwa ako. Ang galing!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN