SPECIAL REPORT: Why release albums for celebrity "non-singers"?

IMAGE Noel Orsal

Ayon sa mga recording companies, sumasailalim sa voice lessons ang mga “non-singers” bago isabak sa recording.

Pero ang inaalala ng OPM singer na si Noel Cabangon, “Siyempre pagdating sa live performance, doon makikita talaga… Ako kasi parang, mayro’n silang karapatan, kaya lang, art is art, e, and talent is talent.”


"Strike while the iron is hot."

Dahil sa kasabihang ito, habang mainit ang pagtanggap ng tao sa isang artista, binibigyan ito ng kung anu-anong proyekto— mapa-telebisyon man o pelikula, maging sa musika.

Naaalala niyo yung mga hit songs ng Star For All Seasons Vilma Santos?

Aminadong hindi siya singer pero nakapag-rekord ito ng labingwalong singles mula 1969 hanggang 1974, at naglabas ng dalawang albums noong 2000 at 2005.

Ganoon din si Judy Ann Santos na nagkaroon ng tatlong albums, ang Judy Ann Santos (1999), Bida Ng Buhay Ko (2001), at Musika Ng Buhay Ko (2007).

Si Kim Chiu ay sumubok din sa pagkanta. Naalala niyo yung "Pusong Lito" at "Sabihin Mo Na" na parehong napasama sa My Girl Soundtrack (2008)?

Siyempre, kakalimutan ba natin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao? Naglabas ito ng dalawang album noong 2006 at 2007, at dalawang singles noong 2009 at 2011.

Nitong 2011, si Anne Curtis ang lumikha ng pinakamalakas na ingay nang ilunsad niya ang kanyang Annebisyosya album. Bukod sa pagiging platinum nito, naging matagumpay rin ang kanyang concert noong January 2012.

Gaya ni Vilma, aminado rin si Anne na hindi kagandahan ang kanyang boses. Sa isa niyang panayam, sinabi ng dalaga na, "I am not a singer. I am a performer."

At pinupuntahan siya ng mga tao dahil "todo-bigay" daw ito sa pagbirit, at nakakaaliw siyang panoorin.

Ilan pa sa mga actors na naging singers din ay sina Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Gretchen Barretto (na pinag-aralan talaga ang pagkanta), Claudine Barretto, Marian Rivera, Bea Alonzo, Heart Evangelista, Rhian Ramos, Enrique Gil, Rainier Castillo, at Willie Revillame.

Kung merong nakaligtaan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mangyari ay idagdag ang kanilang mga pangalan sa ibaba ng artikulong ito.

RECORDING COMPANIES. Pero lucrative ba para sa mga recording companies ang mag-produce ng album para sa mga artistang sumikat sa larangan ng pag-arte?

Isa sa mga kinausap ng PEP ay ang MCA Music, na nito lamang buwan ay pinapirma ng kontrata ang tween star na si Barbie Forteza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod naman ang Universal Records, na sa susunod na linggo ay ire-release ang album ng social media teen sensation na si Kimpoy Feliciano.

Ayon sa A&R Manager ng MCA na si Francis Guevarra, ang paggawa ng album ng mga “non-singer” celebrities ay dahil na rin sa “changing landscape of the music industry."

Inamin niya na may mga pagkakataong, “record labels are having a hard time selling music from legit singers and musicians.”

Ayon naman sa managing director ng Universal Records na si Kathleen Dy-Go, lumalabas ang mga album na ito dahil na rin sa “label’s response to the clamor of their fans for an album or single.”

Malaking bagay daw ang popularidad ng artist para malaman kung bebenta ang isang album o hindi.

Tugma ang dalawang kumpanya sa pagsasabing kinukunsidera nila pagdating sa paggawa ng album ng mga non-singers ang “fan base."

Pero dagdag ni Kathleen, “We make sure that we prepare these artists for the demands of recording by enrolling them to voice lessons.”

Sabi naman ni Francis, mahalaga sa kanilang label na kahit papaano ay “[the] artist or artista to at least have a little bit of singing ability.”

Hindi raw kasi basta-basta ang pagdedesisyon tungkol sa mga kantang isasama sa album. Kailangan daw isaalang-alang ang kakayahan at boses ng artista.

At sa ilang beses na rin nilang pag-produce ng album para sa "non-singers," wala pa naman daw silang natatanggap na negatibong komento. Sa katunayan, kung sikat talaga ang artista, umaabot sa platinum ang sales nito.

Si Daniel Padilla, halimbawa, na mas kilala sa showbiz bilang teen heartthrob ay umani ng platinum para sa kayang self-titled album, na in less than three months ay nakabenta raw ng mahigit sa 20,000 copies.



"NON-SINGERS." Samantala, kamakailan lang ay tatlong celebrities na walang background sa pagkanta ang naglabas ng album at pumirma ng kontrata sa isang recording company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unahin natin si Bea Binene na nitong Agosto ay naglabas ng album na Hey It’s Me, Bea.

Isang linggo matapos ang launching ng kanyang album ay naging maganda raw ang feedback para dito.

Kaya naman nang makapanayam siya ng PEP, pabirong sinabi ng tween star na, “Yung mga singer lang ba ang may K [karapatan] magka-album?”

Pagpapatuloy niya, “And pinaghandaan ko po ito—opo naman. Nag-voice lesson po ako.

“And I’m happy na okey naman po ang feedback sa album ko.”

(CLICK HERE for related article)

Agosto rin nang i-launch ng aktor na si Paulo Avelino ang kanyang self-titled album na Paulo Avelino, na may carrier single na “When She Cries.”

Bago pa man gawin ang album, inaasahan na ni Paulo na marami ang babatikos sa kanya dahil hindi naman talaga siya singer.

Ani Paulo, “Dati rin naman [ako] binabatikos, at ninais ko nang ninais na gumaling.

“Siguro, ganun din po ang puwedeng mangyari, hindi ko naman po sigurado.

“Hindi naman natin mapre-predict yung future pero tanggap ko…

“Actually, gusto ko na binabatikos ako para alam ko kung saan ako nagkukulang, kung saan ako dapat magko-concentrate.”

(CLICK HERE for related article)

Hindi naman nagdalawang-isip si Barbie Forteza nang alukin siya ng isang recording company ng mag-rekord.

Aminado ang batang aktres na kailangan pa niyang mag-voice lessons upang maging maganda ang kalalabasan ng kanyang album.

Pero, “Importante po sa akin itong pagkanta, at the same time, pati na rin po yung pag-arte dahil dun po ako nagsimula.

“Pero siyempre, hindi naman po puwede na laging pag-arte. Kailangang mag-try pa rin ng iba.”

(CLICK HERE for related article)

OPM ARTISTS. Hati naman ang opinyon ng ating mga OPM artists tungkol sa bagay na ito.

Matatandaan na noong February 2012, naging vocal si Lea Salonga tungkol sa kanyang opinyon sa mga “off-key singers.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya sa kanyang Twitter account, “There are people calling themselves singers without the talent to justify it, taking away business from those that rightly deserve it.

“That is what burns me, and is insulting to all singer-craftsmen, gifted artists that work so hard and need to be heard and patronized.”

Para naman sa OPM singer na si Noel Cabangon, may karapatan naman umawit ang mga artista kahit na medyo “sintunado” sila, lalo na’t may mga teknolohiya nang pupuwedeng gamitin upang maayos ang kanilang boses.

Pero ani Noel, “Ang problema lang doon, siyempre pagdating sa live performance, doon makikita talaga…

“Ako kasi parang, mayro’n silang karapatan, kaya lang, art is art, e, and talent is talent.

“Kung hindi ka talaga kumakanta, ‘wag na, kasi parang hindi siya… parang kailangan maglagay naman tayo ng certain standards. Parang if we lower the standards, somehow parang ‘yon nga… we also aim for excellence, e.

“Kasi lalo na it is an art work, it is not just a piece of paper na puwede na. No, it’s a… for me, an art work, it has really to be aesthetically done and there is a certain level of standard, parang excellence kumbaga.

“It’s not just the technology, it is the way we cure... the finish product, and it is also being that, hindi naman puwedeng ihiwalay ‘yon, e.

“You have an album, [then] you also have to be that, that kind of art.”

Sa pamamagitan naman ng Twitter ay kinuha ng PEP ang opinyon ni Ogie Alcasid, ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), tungkol sa bagay na ito.

Wika ng singer-songwriter, “It is a free country. Ultimately, the fans and the consumers decide who is a singer or not.”

Hindi maipagkakaila ang pagkahilig ng mga Pinoy sa musika.

Kaya naman payo ng iba, kung nais nilang seryosohin ang paglalabas ng album, mabuting pag-aralan nilang umawit at linangin ang talento nila rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ika nga ng isang kasabihan: “Practice makes perfect.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN