NEWBIE. Gianna Revilla wants to follow in foosteps of mom Lani Mercado: "Kung puwede, kung kakayanin po."

IMAGE Noel Orsal


Hindi raw gaanong istrikto ang kanyang mga magulang na sina Bong Revilla at Lani Mercado, pero guwardiyado pa rin siya... ng kanyang mga kuya na sina Bryan at Jolo. Ang natatawang sabi ni Gianna Revilla, "Yes, mas mahigpit sila."


Ang baguhang artista ng GMA-7 na si Gianna Revilla ay anak nina Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado.

At aminado siya na isang advantage ang pagkakaroon niya ng magulang na parehong nalinya sa pultika at pag-aartista.

Ang panimula ni Gianna nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 21 sa 17th floor ng GMA TV Complex:

“Actually po, since malaki po yung hinakbangan nila, I think I would consider myself blessed if masusundan ko yung footsteps nila.

"And them being artista also, I think it’s an advantage also coz they can also help me."

Ano naman ang disadvantage?

“Yung para sa akin po, parang baka makilala lang po ako na anak nila. For me po, gusto kong makilala as myself, iyon po.”

Pero hindi naman daw nagpapa-apekto sa anumang pressure ang 17-year-old newbie, “Wala naman po. I’m just doing my best to follow their footsteps."

Bakit ngayon lang niya naisipang pasukin ang showbiz?

“Kasi po actually, dapat magpi-finish muna ako ng studies. Pero po nung tinanung-tanong nila ako tapos yung tinanong na rin yung parents ko, ayun they asked me if I wanted to [enter showbiz] tapos sabi ko, 'okay lang,' tapos iyon, I tried it out.”

Sa Party Pilipinas, siya ay unang napanood last year bilang guest, at ngayon, sasabak siya bilang Madison sa upcoming youth-oriented show na Teen Gen sa direksiyon ni Mark Reyes.

Ang kuwento ng dalagita tungkol sa kanyang role, "Ako po yung parang fashionable, popular, and medyo mataray at first pero kasama rin po ako sa barkada.”

Ipalalabas ang Teen Gen simula December 16.

HOW SHE BAGGED THE ROLE. Nag-audition si Gianna para makasali sa cast. Akala nga raw niya noong una ay hindi siya nakapasa.

“Kasi marami rin po yung nag-audition so akala ko nga po at first na hindi ako matatanggap. Tapos I asked my mom, sabi ko, ‘Mom, di ba, wala na?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As in on the week itself kung kailan mag-meet up ang lahat tapos iyon, sabi niya, ‘Hindi, pasok ka!’

“Sabi ko, ‘Ah talaga?’ Iyon."

Makakasama niya rito sina Jeric Gonzales as Sanchi/Tiago, Juancho Trivino as Lucho, Enrico Abel Estanislao as JV, Seth Patrick Isay as Itos, and Gab de Leon as Jeff.

Bukod kay Gianna, ang mga female lead stars naman sa Teen Gen ay sina Thea Tolentino as Angge, Dianne Bernadette Hernandez as Lyca, at Sunyee Maluche as Drew.

NO BOYFRIEND YET. Nadako ang usapan sa lovelife.

Aniya, wala pa raw itong boyfriend pero may mga manliligaw siya na mga non-showbiz guys.

Sino ang mas mahigpit—ang daddy niya or mommy niya?

“Sakto lang po, parehas. Of course, like siyempre, bata pa ako, so iyon.”

Choice rin daw ni Gianna na huwag munang makipagrelasyon.

“Yeah and also them rin, parang huwag muna kasi studies first.”

Parehong "mas mahigpit" daw ang mga kuya niyang sina Bryan at Jolo.

Speaking of Jolo, masaya raw si Gianna sa relasyon ng kanyang kuya kay Jodi Sta. Maria.

“Yes, I’m happy of course kasi nahanap na niya yung bagong lovelife niya and happy siya, so masaya na rin po ako for him.”

Na-meet na ba niya si Jodi?

“Opo. She’s really nice and ano... she’s very approachable and I consider her as my own sister na rin.”

If ever dumating ang araw na magdesisyong magpakasal ang dalawa?

“Basta masaya po si kuya, okay na po ako dun.”

POLITICS? SHOWBIZ? STUDIES? Nasa plano ba niya ang maging pulitiko sa hinaharap?

“Hmmm, as of now, wala po. Kasi I just wanna continue with my studies and if ever, this one na rin, showbiz, iyon po.”

At ngayong mas tutok siya sa pag-aartista, naa-appreciate ng dalaga ang mga advice ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Both of my parents said na alagaan ko yung name namin, always come to the set early, be nice, maging respectful, marespeto, ganun po.”

Bakit ba niya gustong maging artista?

“Para lang po ma-try, para if ever it goes well and um-okay naman, then at the end, I’ll decide.”

Pero hindi raw siya agad pinayagan nang nagpaalam siya dahil ang kondisyon nina Bong at Lani ay "magtapos po ako sa pag-aaral.”

Fourth year high school si Gianna sa Dela Salle-Zobel at ga-graduate na siya March of next year.

Pagkatapos ng high school ay balak niyang kumuha ng Business Management or Political Science either sa De La Salle University o Ateneo de Manila University.

Mahirap bang magkaroon ng mga magulang na parehong pulitiko?

“Hindi naman po. Parang ano... medyo yung sa tao po madami, okay lang, sanayan lang po. And since I was a kid, ganun na rin po, so okay lang.”

EXPECTATIONS. Inusisa ng press kung sino ang paboritong aktres ni Gianna.

“Of course, my mom!" ang mabilis nitong sagot. "Kasi, magaling po siya. Siya yung one of the pinakamagagaling po na artista sa industriya and siya rin po yung nagtagal, iyon po.”

Ang paborito naman niyang aktor ay, "my dad, my idol!"

Dagdag pa niya, "Super kilala po siya, and kahit may mga intriga ganun... Super idol ko po si Dad.”

So gusto niyang maging parang kay Lani ang kanyang career path.

“Kung puwede, kung kakayanin po.”

As a sweet dramatic actress?

“Kahit ano actually.”

Sino ang gusto niyang maging leading man?

“Hindi ko po alam.”

Wala raw siyang crush sa showbiz dahil "hindi po kasi ako masyado nagti-TV."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN