NEWBIE. Jeric Gonzales explains "skimpy trunks" photo on the Internet: "Part po siya ng competition ng prestigious na Ginoong Laguna kaya ginawa ko lang po."

IMAGE Noel Orsal


Bagamat busy na ang schedule ni Jeric Gonzales sa showbiz, gusto pa rin daw niyang mag-take ng board exam para sa nursing bago matapos ang taon na ito.


Maraming nabago sa buhay ni Jeric Gonzales simula noong nanalo ito sa Protégé.

Aniya, “Unang-una po sa sarili ko, sobrang na-boost yung confidence, tapos totality nung personality ko, na-develop talaga.

“The way na dalhin namin ang sarili namin sa kahit saang lugar tapos siyempre, yung respeto sa bawat isa, sa bawat tao, tapos yung pagmamahal lalo sa parents.

“And then lahat ng skills namin, dito na-develop kaya sobrang eto na kami, equipped na kami paglabas namin sa Protégé and after naming manalo."

Ang masasabing baptism by fire niya ay ang Teen Gen, na upcoming teen show ng GMA-7.

“Ako po dito si Santiago Torres Jr., Sanj po ang nickname ko.

“Ako dito yung anak ni Jao Mapa, tapos pinsan ko si Lucho, which is si Juancho [Trivino]. And then schoolboy kami, bale apat kaming schoolboys, e.

“Kami yung typical na bully tapos magulo, kung anu-anong ginagawa tapos may binu-bully kaming dalawang babae, si Thea 'tsaka si Dianne... which is later on, mai-in-love kami.

“Ayun, tapos magiging isang barkada kami, yung Teen Gen barkada.”

Nasa Teen Gen din sina Thea Tolentino as Angge (winner ng Protégé), Gianna Revilla as Madison, Enrico Abel Estanislao as JV, Seth Patrick Isay as Itos, Gab de Leon as Jeff, Dianne Bernadette Hernandez as Lyca, at Sunyee Maluche as Drew.

GOING SEXY? First runner-up si Jeric sa Ginoong Laguna 2012 na ginanap noong Abril.

Unang sali niya iyon sa isang malakihang pageant ng kalalakihan.

Pero sa Calamba Doctor’s College, kung saan kumuha siya ng kursong Nursing, sumali at nanalo raw ito bilang Mr. College.

Back to the Ginoong Laguna pageant, nagkaroon ito ng swimwear competition, kung saan nakuhaan siya ng larawan na naka-trunks. Kalat na kalat na ito sa Internet ngayon.

“Opo, I’ve seen nga po,” pagkumpirma niya.

May magiging epekto kaya ito sa career niya lalo't wholesome matinee idol ang packaging para sa kanya ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, magiging epekto po kasi, siyempre po yung image na yun siyempre hindi maganda...”

Aminado siyang "masyadong skimpy" ang suot niyang trunks."

Gayunpaman, “Para po sa akin, part po siya ng competition ng prestigious na Ginoong Laguna kaya ginawa ko lang po. Tapos ni-represent ko lang yung Calamba and then yung school ko.

“Kaya wala po akong dapat ikahiya.”

Mas maganda na ang katawan ngayon ni Jeric kumpara noong sumali siya sa naturang pageant dahil hindi pa raw siya masyadong nagwo-work out that time.

Paano kung magkaroon siya ng offer na maging underwear endoser ng Bench or rumampa para sa Cosmo Bachelor Bash next year, papayag ba siya?

“A, siguro po sa ngayon, kung bibigyan po nila ako ng chance, siguro po kung mabibigyan ako ng period na magpe-prepare ako. Kasi, hindi pa po ganoong kaganda yung katawan ko kasi after ng Protégé, puro puyat tapos puro sked kaya wala na pong time na mag-ano ng sarili ko.

“Pero ano po, okay lang po sa akin. Iyon nga lang, malaking challenge ito kasi, sabi ko nun sa Ginoong Laguna, naramdaman ko talaga nung nag-trunks ako, parang nahiya talaga ako kasi public yung ano, sobrang nahiya ako.

"Sabi ko, last na iyon. Kasi hindi ko po akalain na ganun, e, na ganun yung isusuot namin.”

At kahit nung nakita raw niya ang trunks na isusuot nila ay hindi na raw siya naka-back out.

“Hindi na po,” aniya.

IDOLS. Bilang artista, ang idolo ni Jeric ay sina Christopher de Leon at Richard Gomez, na "sa industry po, sila talaga yung nag-mark."

Among the younger actors naman, si Dingdong Dantes ang kanyang binanggit "kasi, marami na siyang nasubukan, e— nag-host na siya, naging dancer, artista, madami.”

Kung pagbibigyan daw siya, gusto niyang maging dramatic actor.

CRUSHES. Nang tanungin siya tungkol sa mga crushes sa showbiz, heto ang sagot ni Jeric:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bago pa po talaga ako pumasok ng Protégé, si Marian Rivera po talaga yung hinahangaan ko. Ang ganda po, e, tapos ang galing niya!

“Ang ganda ng career niya kasi ang galing naman niya talaga, e.

“Palaban talaga siya, yung personality po niya, strong.

“Yung kapatid po ni Anne Curtis, si Jasmine [Curtis-Smith].

“Ang ganda, ang cute, basta ano po, naku-cute-an ako sa kanya.

“Third, si Heart Evangelista. Nung makita ko sa Party Pilipinas, ang ganda, nagandahan po talaga ako sa kanya.”

Walang girlfriend si Jeric ngayon, pero nakaapat na raw siyang girlfriends na nagsimula noong third year high school siya.

CERTFIED NURSE. Samantala, gaya ng mga magulang, gusto ni Jeric naituloy ang kanyang pagiging nurse.

Retired employee ng San Miguel Corporation ang ama ni Jeric at ang mother naman niya ay 37 years nang nagtatrabaho sa Department of Finance.

Winika ni Jeric, “Actually, gusto ko nga pong mag-take ng board exam this December kasi sayang po, e.

"Sayang ang pinag-aralan ko and magiging fallback ko po talaga ito if ever, kung anuman ang mangyari dito sa showbiz.

“Kaya ita-try ko po talaga mag-review tapos pag may time, makakapag-board po ako.

“Hindi po matatapos ang career ko sa nursing, magte-take po talaga ako ng board exam.”

Gagawin daw niya ang kanyang makakaya para maging isang registered nurse.

Samantala, sasakyan ang unang planong bilhin ni Jeric mula sa kanyang kinikita sa showbiz, lalo pa nga at uwian pa rin siya sa Calamba, Laguna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN