Rhian Ramos finds a sense of fulfillment in ramp modeling

IMAGE Noel Orsal


Rhian Ramos finds a sense of fulfillment when she models clothes because, “Kasi, di ba, I like acting. I’m an actress. I like to play parang different roles. Parang I like to be other people, pretending to be other people who are not me. Parang when you model a clothing line, it’s the vision of the artist, the fashion designer ."


Tanging si Rhian Ramos ang showbiz celebrity na rumampa sa segment ng designer na si Mark Bumgarner, para sa fashion show ng MEGA Magazine.

Ito ay ginanap noong Nobyembre 26, sa Prive Club sa The Fort, Taguig.

Medyo kabado pa si Rhian nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago nagsimula ang fashion show.

Bungad niya sa panayam, “I’m excited. At the same time, kasi matagal na rin akong hindi nag-model, kaya medyo ninerbyos rin ako.

“Pero I feel lucky na I can be able to walk.”

Matatandaang naging awardee noon si Rhian ng 2010 Asia Model Festival Awards sa Korea.

At bago pa man nito ay nakilala din naman siya bilang ramp at commercial model, bago naging artista.

Kaya naman halos nangangapa si Rhian dahil matagal na umano niyang hindi ginagawa ang pagrampa.

“After that competition [in Korea], ang pinaka-recent was last year for a wedding fashion show. I modeled Francis Libiran’s creation,” pag-alaala ng aktres.

Ipinakuwento namin sa kanya kung paano siya napapayag na rumampang muli para sa show na ito.

Natatawa si Rhian habang nagkukuwento, “Ang easy nga, e.

"They don’t have to convince me kasi, first of all, I’m friends naman with the people of MEGA.

“And you know, when they talked to me about it, may taste sila.

“And I know they trust my judgment kaya when they talked to me about it, yes ako agad.

“After that, I checked out iyong past creations ni Mark Bumgarner on the Internet, I was so happy that I said yes, kasi magaganda talaga,” paglalahad ng aktres.

Ano nga ba ang fulfillment na nakukuha ng Sossy Problems star sa pagrampa sa isang fashion show, kumpara sa pag-arte sa harap ng kamera?

“Kasi, di ba, I like acting. I’m an actress. I like to play parang different roles. Parang I like to be other people, pretending to be other people who are not me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang when you model a clothing line, it’s the vision of the artist, the fashion designer.

“Siya ang masusunod kung ano ang gusto niyang makeup, look, damit, project, lakad. Nasa kanya lahat ng control.

“Parang I just like the experience… iyong I don’t need to… I just feel like it’s acting pero shorter.”

Ikinumpara din ni Rhian ang pagmo-modelo sa pag-arte sa isang live theater production.

“Kasi hindi pa ako nagsi-stage play, e. Hindi ko pa nai-experience.

“Pero mahirap raw iyon kasi everyday. Parang, as of now, natatakot akong i-try, pero gusto ko pa rin.

“Parang iyon ang nakukuha kong thrill dito. Para siyang acting pero live, maraming nanonood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN