Part 2. Iwa Moto confirms relationship with Pampi Lacson, estranged husband of Jodi Sta. Maria

IMAGE Noel Orsal

Iwa Moto on past issue with Jodi Sta. Maria: “Eventually… ‘eto lang ‘yan, e, walang sikretong hindi nabubunyag. Lalo na sa akin, in due time, malalaman n’yo ang buong detalye ng buhay ko. Pero sa ngayon, may mga taong pinuprotektahan din ako. May mga taong kailangan kong pagtakpan muna at saka may mga bagay na kailangang hindi muna malaman ng lahat para matapos ko ang ginagawa ko.”


Kung totoo ngang may bago nang girlfriend si Leandro Muñoz, si Iwa Moto naman ay tila may bago na ring karelasyon.

Ito ay sa katauhan ni Pampi Lacson, ang anak ni Senator Panfilo Lacson.

Sabi ni Iwa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, si Pampi kasi, two years ago, nagkakausap kami ng matagal. As in, palagi kaming nagkakausap dati.”

Paano sila naging parte ng buhay ng isa’t isa dalawang taon na ang nakararaan?

Kuwento ni Iwa, “Basta nagkaroon ng trouble before na nagkagulo na konektado siya [Pampi].

“’Tapos ang ending namin, kami na ang naging close.

“Dati, kung mag-usap kami no’n, inaabot kami ng three hours sa telepono. As in, parang phonepal ito.

“Eventually, noong nasa States si Lee [Leandro], lumalabas kami ni Pampi as friends.

“’Tapos, noong nag-break kami ni Lee, we broke up, we started dating.

“Sabi ko, sige, wala rin namang masama if I started dating, di ba?

“So, noong time na yun, lumalabas din kami ni Pampi.

“Eventually, yung friendship namin, nauwi sa dating.

“’Tapos noong bumalik nga si Lee, medyo naguluhan ako sa feelings ko. Siyempre, mahal ko si Lee.

“Sa akin naman, lumalabas-labas lang. Tinray [sinubukan] namin pero hindi nag-work.

“Hanggang sa umalis si Lee. Nandiyan si Pampi.

“He never left. Nasa tabi ko lang siya palagi.

“Hanggang sa yun…”

So, masasabing pareho naman na pala sila ni Leandro na masaya ngayon sa kani-kanilang buhay?

“I think he’s happy… hindi ko pa rin alam.

“Pero last time na nakausap ko siya, sinabi niya sa akin na mag-move on na raw ako. Okay na raw.

“Sige na raw, sagutin ko na raw si Pampi. Na kung si Pampi raw ang para sa akin, si Pampi raw.”

Diretsuhang tinanong ng PEP si Iwa kung mahal naman niyang talaga si Pampi.

“Oo naman,” mabilis niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pampi is a very nice guy. Yung mga naririnig ng iba na tsismis about him and his family, sobrang hindi totoo.

“Ako na mismo ang magsasabi na… doon lang ako makakakita ng taong sobrang down to earth. Sobrang haba ng pasensiya.

“Lahat sila mababait.”

CLOSE TO PAMPI’S SON WITH JODI. Si Pampi ang nakahiwalayang asawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

May isang anak sina Pampi at Jodi—si Thirdy. Kung pagbabasehan ang Twitter posts at mga pictures na naipo-post ni Iwa sa kanyang Instagram, tila close na siya sa anak nina Pampi at Jodi.

“A, si Muymuy,” nakangiting sabi ni Iwa tungkol sa bata.

“Mahilig kasi ako sa bata. Given na bata pa lang ako, nag-aalaga na ako ng bata.

“Hanggang sa tumanda ako, nag-aalaga pa rin ako ng bata.

“Dahil mahilig ako sa bata, hindi rin naman maiiwasan na mapalapit sa akin ang bata.

“So far, okay naman kami ng bata.”

THEE DADS AND IWA. Bago ang pagkakaugnay ni Iwa kay Pampi, nagkaroon din ng relasyon si Iwa kina Mickey Ablan at Leandro Muñoz.

Kapansin-pansin na ang tatlong ito ay pare-pareho nang may anak nang makarekasyon nila si Iwa.

Naiisip ba ni Iwa yung pattern na yun o talagang attracted lang siya sa lalaking may anak?

“Oo nga,” nakangiti niyang sabi.

“Alam naman ng lahat na mahilig ako sa bata at bata pa lang ako, nag-aalaga na ako ng bata.”

Hindi kaya naghahanap siya ng instant family na?

“Actually, aminado naman ako—family.

“Right now, I’m planning to adopt. Yung magkaroon ako ng sariling anak.

“Yun naman talaga ang gusto ko. May inaalagaan ako.

“Gusto ko may family ako na pag-uwi ko ng bahay, nandiyan para sa akin.

“Yung alam ko na, at the end of the day, hindi ako iiwan.”

JODI STA. MARIA. Hiwalay na sina Pampi at Jodi pero hindi pa legally annulled ang kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Annulment is on the process pa lang…” banggit ni Iwa.

Kumusta naman ang pakikitungo ni Iwa kay Jodi? Nagkakausap ba sila?

Sagot niya, “Jodi? Hindi ko naman siguro siya kailangang kausapin, di ba?

“May kanya-kanya naman kaming buhay. May kanya-kanya na rin silang buhay.

“Nagkita kami once noong sinundo niya si Thirdy. Kasi, hati sila sa custody ng bata.

“Noong sinundo niya si Thirdy, wala, nagtinginan lang kami. No hi, no hello.”

Matatandaan na bago pa man naiugnay ang pangalan ni Iwa kay Pampi ay nagkaroon na ng isyu sa pagitan nina Iwa at Jodi.

Nadawit kasi ang pangalan ni Jodi sa breakup nina Iwa at Mickey Ablan, bagamat walang naging pagtanggi o pag-amin si Jodi tungkol sa isyung ito.

Nagkaroon ba sila ng away noon ni Jodi?

“Oo… nanggigigil ako, di ba?” nakangiting pagkumpirma ni Iwa.

“Basta, kung anuman ang nangyari dati, ipagdasal na lang natin sila.

“Basta ako, wala naman akong ginagawang masama ngayon, di ba?

“Ako, inaalagaan ko ang mga taong nagmamahal sa akin ngayon.

“At sa ngayon, ang nagmamahal sa akin, si Pampi at yung anak niya.

“Ngayon, kung may problema si Jodi do’n, wala akong magagawa.

“Territorial ang mommy. Lahat ng magulang, magiging territorial sa anak nila, lalo na sa pamilya nila.

“Kaya lang, I’m just going to tell this—na hindi ako nandito para makaagaw. Nandito ako para magbigay ng extra love.

“Hindi ko aagawin ang puwesto niya.

“If she’s scared or what, ibahin niya 'ko.

“Ibahin niya ako sa mga babaeng nasa paligid niya, kasi ako yung tipo ng tao na kahit na hindi ako mahalin ng bata, mamahalin ko pa rin siya nang buung-buo kasi ganoon ako.

“Yun ang normal ko—ang gusto ko lang naman, mag-alaga.”

MOMMY IWA? Nararamdaman ba niyang hindi okay kay Jodi ang pagiging malapit niya sa anak nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, kasi feeling ko, nagiging protective siya.

“Kasi yung bata, tinatawag akong mommy. So, wala!” natatawa niyang sabi.

Bakit "mommy" ang tawag sa kanya ng bata?

“Hindi ko alam… siguro the way I treat him, parang mommy talaga.

“Na pinagluluto ko, inaalagaan ko… lahat. Ultimo maligo, sabay kami.

“So, parang one time, noong bumalik siya sa mommy niya, tumawag siya sa akin.

“Ang tawag niya sa akin, ‘Tita’ na lang ulit.

“’Tapos sabi ko, ‘Wait lang, bakit Tita na lang, Muy?’

“Sabi niya, ‘Huh?’ Yun daw, parang nasa-sad daw si Jodi.

“Pero siyempre, hindi natin maiaalis yun—ina siya, e.

“Pero yun lang, gusto ko lang sabihin na hindi ako nandito para makiagaw at manggulo.

“Kung may gulo sila ng asawa niya dati, wala na akong pakialam do’n, labas na ako do’n.

“Long overdue na yun, ang tagal na no’n.

“Basta sa ngayon lang, ang gusto ko lang, alagaan yung mga taong nagmamahal sa akin.

“So, basically, gusto ko lang sabihin sa kanya na wala akong planong agawin ang mga taong nagmamahal sa kanya.”

RIGODON. Na-link noon si Jodi kay Mickey. Ngayon naman, si Iwa naman at ang dating asawa ni Jodi ang magkarelasyon.

Diretsuhan naming tinanong si Iwa kung hindi kaya isipin naman ng ilan na parang sinadya niya o nila ni Pampi ang nangyari?

Sagot ni Iwa, “Basta, eventually, kapag natapos ko na lahat ng tatapusin ko na hanggang ngayon, hindi ko pa natatapos… ang hirap kasi.

“Basta, magugulat na lang kayo.

“Sabi nga ni Pampi sa akin, kami raw ang may pinakamagandang love story ever.”

Paano nasabi ni Pampi yun?

“Basta sabi ni Pampi, kami ang may pinakamagandang love story.

“Kung malagpasan namin ang trials, ‘Kung magtagal tayo at tayo ang magkatuluyan, maikukuwento natin sa lahat ng tao na tayo ang may pinakamagandang love story.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli, tinanong namin si Iwa kung naniniwala ba siyang may namagitan noon kina Mickey at Jodi, gaya ng mga lumabas na balita.

“Puwedeng no comment?” iwas muna niya.

“Eventually… ‘eto lang ‘yan, e, walang sikretong hindi nabubunyag.

"Lalo na sa akin, in due time, malalaman n’yo ang buong detalye ng buhay ko.

“Pero sa ngayon, may mga taong pinuprotektahan din ako.

“May mga taong kailangan kong pagtakpan muna at saka may mga bagay na kailangang hindi muna malaman ng lahat para matapos ko ang ginagawa ko.”

Bukas ang PEP sa panig ni Jodi kaugnay ng mga naging pahayag ni Iwa.

MICKEY’S DAUGHTER. Naging malapit din si Iwa noon sa anak na babae ni Mickey. May komunikasyon pa rin ba siya sa bata?

“Haven’t seen her for a while,” sabi ni Iwa.

“Sobrang nami-miss ko yung bata. Kapag napag-uusapan, nalulungkot ako.

“Pero siyempre, nirerespeto ko pa rin yung babae na sa buhay ni Mickey. Hindi na rin para makisawsaw sa business nila.

“Sa ngayon, nasa malayo ako, pero I always check on her. Minsan tine-text ko yung teacher niya.”

Okay na rin ba sila ni Mickey, na may anak na sa bagong girlfriend nitong si Janna Dominguez?

“Matagal na kami noong huling nag-usap.

“Right now, wala na naman.

“Hindi rin naman ako yung makipag-usap nang makipag-usap at maging best friends kami.

“Siguro we can be civil, yung ganoon lang, hi and hello.

“Pero para naman kamustahin ko siya, hindi na rin naman.”

Limang taon din daw naging bahagi ng buhay niya si Mickey.

THE ONE. Sa tuwing may nakakarelasyon si Iwa ay tinatanong siya palagi kung ito na ba ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.

Kaya tinanong ng PEP si Iwa kung sa palagay niya ay si Pampi na nga ang “the one” para sa kanya.

Sagot niya, “Palagi naman, e. Kapag may karelasyon ako, iwi-wish mo naman na yun na sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana… pero kung hindi magwu-work, I know we’ll be good friends.”

Hindi ba siya napapagod?

“Hindi nakakapagod magmahal. Yung try and try. Alam mo yun?

“Pero, alam mo, eventually, na kapag nahanap mo ang right person para sa ‘yo, hindi ka magsisisi. Magiging masaya ka rin eventually.

“So, ano ba naman yung ilang beses ka pang masaktan hanggang mahanap mo ang perfect guy sa ‘yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN