Iwa Moto makes amends with ex-boyfriend Mickey Ablan; says boyfriend Leandro Muñoz guides and makes her happy

IMAGE File photo

"Alam mo, imbes sabayan niya ako o awayin niya ako, sabi niya, 'Babe, huwag ganyan, kalma lang.' Siya yung sobrang nagga-guide sa akin. I'm really, really happy right now," says Iwa Moto when asked about her one-month relationship with Leandro Muñoz.


Kitang-kita ang kakaibang glow sa mukha ni Iwa Moto nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 28th Star Awards for Movies noong Miyerkules, March 14, sa Meralco Theater.

Aminado si Iwa na in love siya ngayon—isang buwan na ang relasyon nila ng aktor na si Leandro Muñoz.

Kasalukuyang nasa Amerika si Leandro kaya nag-a-adjust pa raw ang sexy actress sa long-distance love affair.

Ayon kay Iwa, "Actually, mahirap talaga. Nagkakaroon kami ng mga arguments. Petty arguments, pero nalalampasan naman yun.

"Dun naman nagiging strong ang relationship. Saka tingnan natin, bago pa lang naman kami."

MICKEY OR LEANDRO? Iniiwasan ni Iwa na ikumpara si Leandro sa dating karelasyong si Mickey Ablan dahil magkaiba naman daw ang mga ito.

"Leandro is a good person. Mickey is a good person, pero magkaiba sila, e.

"Example na lang sa haba ng pasensiya..." napapangiting sabi ng tsinitang aktres.

Patuloy niya, "Mahaba ang pasensiya ni Leandro. Sobra kasi ako... ano ako, e... medyo utak-bata ako.

"Katulad kanina, inaaway ko siya, yung nagpapalambing lang naman ako.

"Alam mo, imbes sabayan niya ako o awayin niya ako, sabi niya, 'Babe huwag ganyan, kalma lang.'

"Siya yung sobrang nagga-guide sa akin. I'm really, really happy right now."

Natutuwa rin ang StarStruck alumna dahil nagiging close na rin daw siya sa 17-year-old na anak ni Leandro na si Cheska.

"Actually, I found a new best friend in her. Nagkakasundo kami.

"Pinagtutulungan namin yung tatay niya, nasa States din siya, e.

"Like last time, nag-away sila ng daddy niya, sa akin nagsumbong.

"E, di dalawa kami, inaaway namin ang tatay niya!" natatawang kuwento ni Iwa.

THANKS TO LEANDRO. Malaking bagay raw si Leandro kaya nabago ang mga pananaw ni Iwa sa buhay.

Naging postive na raw siya sa pagtanggap sa mga nangyayari sa buhay niya.

Masasabing nakapag-move on na raw siya sa maiskandalong paghihiwalay nila ni Mickey noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maayos na raw silang nakakapag-uusap ni Mickey dahil mero'n silang inaayos na mga papeles.

Ayaw ni Iwa na pag-usapan ang tinutukoy niyang inaayos dahil mauungkat na naman ang isyung pagpapakasal nilang dalawa.

"May mga bagay lang talaga na I would like to keep it for myself.

"Basta kami ni Mickey, masaya kami.

"Kasi ngayon masasabi ko na magkaibigan kami at maayos kaming nakakapag-usap," sabi ni Iwa.

JANNA DOMINGUEZ. May mga pinag-uusapan daw silang dapat ayusin, lalo na't malapit nang manganak kasintahan ngayon ni Mickey na si Janna Dominguez.

Para matapos na raw ang isyu nila, gusto na rin daw ni Iwa na magkita-kita sila para makapag-usap silang tatlo.

Ayon kay Iwa, "Nagyayaya nga siyang [Mickey] mag-coffee kami, pero hindi lang nagkatugma ang schedule namin. Hindi kasi pare-parehas.

"Sa akin naman, mas gugustuhin ko pang mag-set kami ng schedule na magkita-kita kami kesa naman magkasalubong sa labas na hindi namin alam kung anong iri-react namin sa isa't isa, di ba?"

Alam naman daw ni Iwa na hindi ganun kadaling maging magkaibigan sila ni Janna gaya ng dati, pero tapos na raw yung mga panahong nagtatalo pa sila sa publiko.

"Ever since naman, ang hinihingi ko lang naman sa kanila before, kung gusto nilang mag-out, just leave me out of it.

"Gawin nila yung gusto nilang gawin, huwag nang kasama yung pangalan ko na laging nada-drag," sabi nito.

MICKEY SPEAKS. Ayon naman kay Mickey, sa hiwalay na panayam ng PEP, nananahimik daw sila noon at hindi pa sila out sa pagbubuntis ni Janna dahil ayaw na raw niyang makadagdag pa ng stress sa karelasyong sexy comedienne.

Sabi ni Mickey, "Gusto ko magbuntis siya nang hindi stressed, walang isyu, hindi siya nadadamay.

"I mean, tahimik lahat ng pagbubuntis niya para paglabas ng baby naman maayos, walang stress."

Ngayon ay masayang ikinukuwento ni Mickey na sa susunod na buwan na manganganak si Jana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baby girl daw ito na papangalanan nilang si Micael.

IWA ON JANA. Tinanong naman ng PEP si Iwa na kung maging magkaibigan sila uli ni Jana, okay lang ba sa kanya na mag-ninang sa baby nito?

"Sa akin okay lang, pero huwag na tayo magpakaplastik. Alam naman nating hindi nila ako kukuning ninang!" diretsong sabi ni Iwa.

Pero hiling naman ni Iwa na maging safe ang panganganak ni Janna.

"Basta God bless and I wish you good luck. Sana tuluy-tuloy ang happiness.

"Saka alam mo, you're a very lucky girl to have a good family," mensahe ni Iwa kay Janna.

Dagdag pa niya, "Yung family ni Mickey, they were really nice to me.

"So, I'm happy for her and sana alagaan niya si Ysabel [panganay na anak ni Mickey].

"Mahal na mahal ko 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN