Janna Dominguez willing to settle issue with Iwa Moto at the right time: "Siguro mas maganda mag-mature muna both parties."

IMAGE Noel Orsal

Apat na buwan matapos maisilang ang anak nila ng nobyong si Mickey Ablan, balik-trabaho ang sexy comedienne na si Janna Dominguez sa pagbabalik-telebisyon ng Pepito Manaloto.


Medyo malusog pa ang sexy comedienne na si Janna Dominguez nang dumalo siya sa presscon ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento, kagabi, September 4, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

Pagkatapos niyang manganak, apat na buwan na ang nakararaan, ngayon lang siya nagpakita sa press.

Nagsalita na rin si Janna tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang malusog na baby girl, na unang baby nila ng boyfriend niyang si Mickey Ablan.

Mas pinili raw ni Janna na manahimik nung buntis siya dahil gusto raw niya ng stress-free na pagbubuntis at maiwas sa mga intriga.

“Nahiya nga ako sa Startalk saka Showbiz Central, kasi kinukuha nila ang panig ko, kasi ayaw ko na lang talaga magsalita,” sabi nito.

Kainitan pa noon ng isyu ni Mickey at ng dati nitong karelasyon na si Iwa Moto nang nabuntis si Janna, kaya mas mabuting manahimik na raw muna siya para na rin sa kanyang kalagayan.

NOT THE RIGHT TIME. Pero ngayon ay maayos na raw silang lahat, at kahit si Iwa nga ay nagsalita na rin noon na mas gusto niyang maging magkaibigan na silang tatlo nina Janna at Mickey.

Pero ayon kay Janna, “Hindi pa kami nagkikita nang personal. Siguro kasi hindi pa panahon.

“Siguro mas maganda yung ready na ang lahat. Mas mature na lahat ng tao, mas naintindihan na yung bawat nangyayari.

“Hindi na yung parang high school na ganun. Hindi na ganun, di ba?

“Iba na ngayon, e. May anak na ako.

"Siya, I hope masaya na rin siya.

“So, siguro in time,” seryosong sabi ng dating Pinoy Fear Factor participantes sa posibilidad na pagkakaayos nila ni Iwa.

Ang boyfriend ngayon ni Iwa ay si Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson at estranged husband ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Nakarating na rin kay Janna na gusto raw ni Iwa na magkaayos na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero tingin daw ng Kapuso actress, kailangan pa ng sapat na panahon para maging handa silang magkaharap at magkausap nang masinsinan.

Saad ni Janna, “Siguro mas maganda mag-mature muna both parties.

“Mapag-usapan bilang maayos na tao, hindi yung parang high school na nag-aawayan na pag may sinabi yung isa, magsasalita yung isa. Hindi na ganun.

“Mas maganda yung walang kamera, mag-usap kami.

“Mas gugustuhin ko yung andiyan ka, walang kamera, mag-usap tayo, yung galing sa puso.”

MARRIED OR NOT? Pagdating naman sa isyu nina Iwa at Mickey, labas na raw si Janna roon.

Ang alam daw niya, nagkausap ang dalawa at okay na rin naman sila.

Parehong tahimik sina Iwa at Mickey sa isyung kasal sila.

Pero ang nakarating na balita sa PEP, pareho nilang inaayos ito para mapawalang-bisa na ang sinasabing kasal nila.

Ayaw naman ni Janna na magkomento sa isyung ito.

Aniya, “Wala po ako sa estado, wala po ako sa posisyon para magsalita diyan. So, I leave it to them.

“Kung ano man yung sabihin nila, yun na lang po.

“Kung ano man yung away nila bago ako pumasok sa picture, labas ako dun.

“So, ako, makikinig na lang ako.

"Kung ano ang nangyari sa kanila, okay, makikinig ako.

“Pero hindi ako damay sa problema nila. Wala ako dun.

“Kasi sila yun, e. Bago ako pumasok, sila yung may isyu, e.

“So far, maayos naman sila. Wala na yung mga Twitter war, wala.”


MICKEY ABLAN. Nasa presscon din ng Pepito Manaloto kagabi si Mickey para samahan si Janna.

Nang tanungin ng PEP tungkol sa isyu nila ni Iwa, tipid lang ang mga sagot ni Mickey.

Maayos naman daw silang nagkausap.

Pagdating naman sa mga isyu nilang dalawa ng dating karelasyon, inaayos pa raw nila ito.

Matagal na raw silang hindi nagkausap ni Iwa.

Ang posibilidad na pag-aayos nilang tatlo ay puwede naman daw, pero mabuting huwag na raw madaliin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WHEN IS THE WEDDING? Ayon naman kay Janna, sa ngayon ay wala pa raw sa plano nila ni Mickey ang kasal.

Engaged na raw silang dalawa, pero mabuting paghandaan daw muna nang husto ang kanilang pagpapakasal.

“Sabi ko, magpapayat muna ako para full back.

“Napag-usapan na namin… di ba, engaged na nga kami?

“Yung kasal na lang ang pag-uusapan.

“Mas gusto ko yung, 'Naglalakad na yung anak natin, may isip na siya, yung makikita na niya kung gaano tayo kasaya,' ganyan,” saad ni Janna.

Iglesia Ni Cristo si Mickey at kailangan daw magpasakop o magpa-convert si Janna sa relihiyon ng kinakasama.

Pero baka hindi raw sila sa simbahan magpakasal.

Ang gusto raw ni Mickey ay beach wedding, pero ayaw naman ni Janna.

“Kasi ang daming naghiwalay sa beach wedding.

“Ayoko magbanggit ng pangalan, pero ayokong sabihin kung sino.

“Basta ako, ayoko sa beach wedding!” natatawang sabi ni Janna.

Ngayon ay focused daw si Janna sa pag-aalaga ng baby nila, at pati na rin ang anak ni Mickey sa unang girlfriend nito.

Mas priority raw niya ang pamilya kesa sa career.

Pero malaki rin ang pasasalamat ni Janna sa GMA-7 at kay Michael V dahil kinuha pa rin siya para sa Pepito Manaloto kahit mataba na raw siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN