Iwa Moto finally admits marrying Mickey Ablan; explains why they decided to deny it then

IMAGE Ruel J. Mendoza

“Wala naman dapat makakaalam ng pagpapakasal namin. Pero bigla na lang may lumabas. Kaya kami ni Mickey, todo-deny kami. Ako talaga, kahit sino ang magtanong sa akin, wala akong inaamin. Yun naman ang naging kasunduan namin talaga. Wala kaming aaminin kahit kanino,” paliwanag ni Iwa Moto kung bakit nila itinago ni Mickey Ablan ang pagpapakasal nila noon.



Pagkatapos ng ilang taong pagde-deny, inamin ng kontrobersiyal na aktres na si Iwa Moto na totoong kasal siya kay Mickey Ablan.

Si Mickey ay isang mixed martial arts fighter.

Ginawa ni Iwa ang pag-amin na ito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, kahapon, November 30.

Ito ay sa contract signing ni Iwa bilang bagong endorser ng Titan X3, na isang dietary supplement for men.

Ayon sa StarStruck 3 First Princess, ikinasal sila ni Mickey noong October 2009, sa Cavite.

Isang mayor daw ang nagkasal sa kanila.

Sa tanong na bakit ngayon lang siya umamin, sinabi ni Iwa na panahon na upang aminin niya ito para magkaroon siya ng "peace of mind."

Dagdag pa ni Iwa, “Tsaka, masaya kasi ako ngayon—personally and professionally.

“Feeling ko, wala na akong dapat itinatago pa.

“Ngayon kasi, ramdam na ramdam ko na maraming nagmamahal sa akin.

“There are so many people close sa buhay ko na ipinapakita nilang mahal nila ako.

“Kaya I feel na ito na yung tamang panahon. Ayoko na ring dala-dala ko ‘yang bagay na ‘yan forever.

“Kailangan mai-unload ko na ‘yan sa buhay ko.”



KEEPING IT A SECRET. Bakit ba kinailangang itago noon ang tunay nilang estado ni Mickey?

Sagot ni Iwa, “Maraming dahilan, e.

“Unang-una, may kinalaman sa career ko. Nakakontrata ako sa GMA-7 that time. Maraming magagalit sa akin.

“Tsaka, may mga personal na dahilan pa… may mga pinoprotektahan kami ni Mickey noon.

“Wala naman dapat makakaalam ng pagpapakasal namin, pero bigla na lang may lumabas.

“Kaya kami ni Mickey, todo-deny kami.

“Ako talaga, kahit sino ang magtanong sa akin, wala akong inaamin.

“Yun naman ang naging kasunduan namin talaga. Wala kaming aaminin kahit kanino.”



STILL MARRIED. Legally speaking, kahit hiwalay na sila, kasal pa rin sina Iwa at Mickey hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mrs. Aileen Iwamoto-Ablan pa rin ang aktres.

Pero inaayos na raw nila ang kanilang annulment dahil may kanya-kanya na silang mga buhay ngayon.

Ang boyfriend ni Iwa ngayon ay si Pampi Lacson, anak ni Senator Ping Lacson at nakahiwalayang asawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Si Mickey naman ay may anak na sa comedienne na si Janna Dominguez.

Lahad ni Iwa, “Naka-one year kami ni Mickey na kasal. Naghiwalay kami November 2010.

“That was the time na sunud-sunod na ang mga problema namin.

“Marami na kaming hindi napagkakasunduan. Nagkaroon na ng lokohan at palitan ng mga masasakit na salita.

“Hindi na nagwu-work kung anuman ang magandang nasimulan namin."

Dagdag niya, “Inaayos na namin ni Mickey yung annulment. Mga abugado na namin ang nag-uusap.

“Hindi na namin kailangang magkita pa ni Mickey. Bahala na ang mga lawyers namin.

“Pareho naming gusto na maayos na ito para matahimik na rin kaming dalawa.

“Gaya ng sabi ko, para magkaroon na rin ako ng peace of mind.

“Kapag naging single na ulit ako—maging Aileen Iwamoto [totoong pangalan ni Iwa] na ulit ako—ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo!” natatawang sabi niya.

Wala naman daw hinahabol si Iwa mula sa kanyang estranged husband.

Matagal na raw siyang hindi na nakikialam sa nabuong relasyon nito kay Janna Dominguez.

“May pamilya na sila kaya pinapabayaan ko na lang sila.

“Ayokong madamay ang anak nila. Hindi maganda ‘yon.

“Nilinaw ko naman kay Mickey na wala akong hahabulin sa kanya. Hindi ko habol ang anumang material things.

“Gusto ko lang yung freedom ko. Yung maging single ulit ako.

“Alam kong may plano na sila ni Janna na magpakasal, kasi nagpa-interview pa sila before na engaged na sila.

“Paano nga naman sila maikakasal kung kasal pa kami ni Mickey, di ba?

“Kaya dasal ko na maging mabilis na ang lahat para maging malaya na kaming pareho,” diin ni Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PAMPI LACSON. Isa rin kayang dahilan kung bakit minamadali ni Iwa na ma-annul ang kasal kay Mickey ay dahil niyaya na rin siyang magpakasal ng present boyfriend na si Pampi Lacson?

Pitong buwan na ang relasyon nina Iwa at Pampi.

“Ay, hindi... wala pang gano’n,” tanggi ni Iwa.

“Unang-una, hindi pa rin naman annulled si Pampi sa kasal niya [with Jodi]. Inaayos din niya iyon.

“Though napag-uusapan naman namin din ang kasal, sinabi ko naman kay Pampi na pag-isipan namin ‘yan nang mabuti. Huwag kaming magpadalus-dalos.

“First of all, may pangako ako sa manager ko [Omar Sortijas], na hindi muna ako mag-aasawa ulit.

“May pinag-usapan kami na after two years pa. Ayaw naming madaliin ang lahat.

“Kung makuha na namin pareho ni Pampi ang annulment namin, e, di okey. Thank you Lord.

“Pero hindi muna ang pagpapakasal ulit ang gagawin namin.

“Mag-concentrate muna kami sa ibang bagay. Okey muna itong relasyon namin.”



CAREER FIRST. Ngayon lang daw ulit nagiging busy si Iwa sa kanyang muntik nang mawalang career.

Sabi niya, “Gusto ko rin kasi munang makabawi nang husto sa career ko.

“One year din akong walang work, di ba?

“Yung huling show ko pa noon sa GMA-7 was Andres de Saya, bago nagkaroon ng malaking gulo.”

Ang tinutukoy ni Iwa na “malaking gulo” ay ang pagsampa ng demandang breach of contract sa kanya ng Kapuso network dahil lumabas siya sa mga programa ng TV5 nang hindi pa natatapos ang kontrata niya sa GMA-7.

(CLICK HERE to read related story.)

Saad pa niya, “Ngayon pa lang ako bumabawi financially.

“Tapos na ang contract ko with GMA-7 noong March pa ng taong ito.

“May mga trabaho ako sa TV5 ngayon, tulad sa Enchanted Garden. Hindi ako nawawalan ng guesting sa TV5.

“Though wala akong kontrata with TV5, lagi naman nila akong kinukuha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very supportive sila sa akin, sa totoo lang.”

Nabanggit din ni Iwa na ongoing pa rin ang isinampang demanda sa kanya ng GMA-7 dahil sa paglabag nito sa kontrata niya sa kanila.

“Itinuloy nila iyon. Yung abogado ko naman ang nakikipag-usap sa kanila.

“Sa totoo lang, mahal ko ang GMA-7.

"Diyan ako nakilala as Iwa Moto. Sa kanila ako nagsimula talaga.

“Siguro nga nagtampo lang sila sa akin kasi nga lumabas ako sa Wil Time Bigtime na hindi pa expired ang kontrata ko.

“Ang gusto ko lang naman that time ay magkaroon ako ng trabaho.

“Noong sinabi naman nilang tumigil ako sa paglabas sa show ni Kuya Willie [Revillame], ginawa ko naman. Hindi ko alam na aabot sa demandahan.”

Pero willing naman daw si Iwa na personal na humingi ng paumanhin sa mga nagtampo sa kanya sa Kapuso network.

“Kung yun ba ang dapat gawin, gagawin ko talaga kasi mahal ko ang GMA-7.

“Nami-miss ko na ang mga taong tumutulong sa akin doon.

“Pero hindi pa siguro right time ngayon para puntahan ko sila.

“Alam ko na medyo may tampo pa sila sa akin. Papahupain ko muna ang lahat.

“Kapag feeling ko na right timing na, dun ako kikilos.

“Dasal ko naman talaga ay maayos namin ito para makapagtrabaho na ulit ako sa GMA-7, kung gusto pa nila ako talaga.”



CHRISTMAS IN HONGKONG. This Christmas ay makakasama ni Iwa si Pampi at ang pamilya nito sa Hong Kong.

Kuwento ni Iwa, “Kasama rin ang family ko sa bakasyon namin. Kaya masaya kaming lahat na magki-Christmas sa Hong Kong.

“We will stay there starting December 25 hanggang December 30.

“Ang deal naman namin ni Pampi, since sa kanya ang Pasko, sa akin naman ang Bagong Taon.

“Kaya sa house namin sa Las Piñas sila magnu-New Year ng family niya.”

Close daw si Iwa sa buong pamilya ni Pampi. Ka-vibes din daw niya ang mga magulang nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobra silang mababait na tao.

“Yung mommy ni Pampi [Alice Lacson], masarap kakuwentuhan. Ramdam ko yung sincerity niya. Welcome na welcome ako sa kanya.

“Si Daddy [Senator Ping Lacson] naman, napaka-cool na tao. Akala mo napaka-strict na tao pero may malambing side din pala siya.

“Lagi niya kaming kinukumusta ni Pampi, at sana raw ay hindi kami nagkakaroon ng pagtatalo. Lagi raw kaming magmahalan.”



POSITIVE OUTLOOK. Very positive daw ang outlook ngayon ni Iwa at gumaan na raw ang anumang binibitbit niya noon sa kanyang mga balikat.

“Mas okey pala na masaya ka. Yung wala kang iniisip na mabigat at gusto mo lang na okey ang lahat.

“Dumaan na ako sa ganyan at ayoko nang maging miserable.

“Gusto ko ay masaya ang paligid ko. Yung ramdam mo ang pagmamahal ng maraming tao sa iyo.”

Pinatawad na ba niya ang mga taong nakasakit sa kanya?

“Oo naman, pero hindi pa naman lahat!” sabay tawa niya.

“May mga na-forgive na ako and, at the same time, nag-sorry na rin ako sa kanila.

“Dun sa iba... hindi naman kasi madali na mangyari iyon.

“Sabi nga nila, baby steps. Paisa-isa hanggang sa magawa mo na lahat.

“May mga tao naman na madali mong mapatawad. May mga tao na it will take some time bago mo mapatawad.

“Lagi ko naman ipinagdarasal na sana ay magawa ko na ang mapatawad ang mga taong ito.

“Slowly but surely ay magagawa ko rin. Hindi lang agad-agad,” pagtatapos ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN