Dra. Vicki Belo reveals daughter Cristalle Henares’ childhood wish to become “poor”

IMAGE Noel Orsal

Isiniwalat ni Dra. Vicki Belo na bata pa lamang daw ang anak niyang si Cristalle Henares ay pinangarap na daw nito na maging "poor." Bagamat hindi niya ito gustong mangyari, naintindihan naman umano ni Dra. Vicki kung bakit ito ang nais noon ni Cristalle, "I learned that it’s always her mission to have a simple life."


Hindi na nagugulat ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kung lumaking mapagbigay, maawain, at mapagkumbaba ang kanyang anak na si Cristalle Henares.

Aniya, maliit pa lamang daw ang kanyang unica hija ay kinakitaan na niya ito ng mga naturang kagandahang-asal.

Ibinahagi ni Dra. Vicki ang kanyang damdamin para sa anak sa harap ng press people na dumalo sa thanksgiving party ng Belo Medical Group noong Nobyembre 29, sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

CRISTALLE HENARES ON WISH KO LANG. Kakatapos lamang noon ng presentation ni Cristalle tungkol sa guest appearance niya sa 10th anniversary special ng Wish Ko Lang, na ipinalabas noong Disyembre 1 sa GMA-7.

Siya kasi ang kinuha ng programa para maghatid ng tulong sa Tara Island, Palawan, kung saan walang kuryente at mahirap ang buhay ng mga tao.

Sa pagte-taping para sa programa ay naranasan mismo ni Cristalle ang kahirapan sa isla, sa pamamagitan ng pagtira niya kasama ng isang pamilya doon.

Sa huli ay binigyan nila ang mga taga-isla ng solar panels at generators, mga gamot, at gamit ng mga bata para sa kanilang pag-aaral.

PROUD MOTHER.Hindi nga napigilang umiyak ni Cristalle pagkatapos ng kanyang presentation at maging si Dra. Belo ay napaiyak na rin.

Wika ng doktora, “Kasi ang feeling mo, parang it’s depression and happiness. At the same time, [I feel good that] I have such a wonderful daughter.

“Depression, because I feel so… parang wala akong magawa, gusto kong tumulong.

“The story of this fisherman who catches one fish because these fishing vessels come in—these big, big vessels—and they get all the fish! Very wealthy people and they don’t need anything.”

Ang tinutukoy ni Vicki ay galing sa kuwento ni Cristalle tungkol sa pagsama nito sa pagpalaot ng isang mangingisda na, sa kasamaang palad, ay Iisang isda lamang ang nahuli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtiyaga na lang na kumain ng sea urchins ang naturang mangingisda dahil inubos na raw ng mga dumarayong commercial fishing boats ang isda sa kanilang lugar.

Very proud nga si Dra. Vicki sa kabutihang ginawa ni Cristalle sa Palawan.

Natutuwa siya na hanggang pagtanda ay hindi nalimot ng anak ang pagiging mabuti sa kapwa, na sa tingin niya ay namana nito sa kanya.

“Ever since she was five, ganyan na talaga si Cristalle, always wants to help.

“Well, since I was younger, my father always makes me play with the farm kids and he always tells me, ‘You always have to share.’

“He also tells me that, ‘There for the grace of God go with you.’

“And I was really masuwerte I was born to a family na may pera, so whatever I have, I want to share.

“My Christmas was always wrapping gifts for the farm kids, giving my toys, and having them wrapped for everyone.

“Even here in Manila, my car will always be full with toys I would wrap, para when I go around I can give the kids toys.

“It wasn’t about me getting toys.”

"I WANT TO BE POOR." Noong lumalaki na raw si Cristalle at kapatid nitong si Quark ay nakita agad ni Vicki ang magandang asal ng anak.

“When Cristalle was born, since she was a kid, gano’n na siya.

“When she was five, I asked her what do you want to be when you grow up? Sabi niya, ‘I want to be poor.’

“Sabi ko, ‘No, no! Don’t say that. Baka marinig ni God, gagawin Niya sa atin, kasama ako doon,’” natatawang kuwento ni Vicki.

Ipinaliwanag niya kung bakit gano’n ang sinabi ng anak.

“Then I asked her teacher, ‘Why does she always say she wants to be poor?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then I learned that it’s always her mission to have a simple life.

“And she grew up like a tomboy, she’s always in jeans and rubber shoes.

“[Sabi ko], ‘Do you want me to buy you anything? ‘Sabi niya, ‘Nothing.’

“Sabi ko nga, ‘Anak ko ba ito?’

“I remember I want to make her shop, ayaw niyang mag-shop. Ayaw niyang mamili ng kahit ano.

“Even lately, may bagong MacBook, ‘Do you want me to buy you the new MacBook?’ Sagot niya, ‘No, Mommy. My MacBook is still okay.’

“Nag-crash na yung computer niya, ‘O, ayan, do you want me to buy you a new MacBook?’ ‘No, Mommy. I’ll have it fixed.’

“Pag nag-crash na yung computer nila at nawala na yung files nila, at saka lang sila bibili ng bago.

“Paano ba lumaki itong kids na ito na you can afford to buy them something and they chose not to and they always want to share?”

INDEPENDENT. May isa pang kuwento si Vicki noong high school pa lang si Cristalle at kinailangan nitong pumunta sa Benguet.

Dito nga niya unang nakita ang pagiging independent ng anak dahil first time daw ito na hindi sila magkasama ng anak sa loob ng isang linggo.

“When she was in high school, part of the immersion, she has to stay in Baguio na kay layu-layo… not in Baguio, Benguet pala.

“Siyempre, I was worried. She’s my precious daughter and ever since I split up with Atom, siya ang katabi ko sa kama, siya ang aking barkada, siya ang love ko.

“Ang feeling ko she wants to worry me. ‘You want to worry me, ‘no?’

“So, she went there. She stayed with one family that has only one bedroom. She lived with them, she ate with them. She stayed there for one week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then noong aalis na siya, she can never forget, sabi nung father of the family, ‘Cristalle, kasi aalis ka, to celebrate for you we’re going to eat our dog.’

“And she doesn’t want to eat the dog, so nag-pray pa siya, ‘Please Lord, huwag sana namin kainin yung dog.’ Hindi naman nila kinain iyong aso.”

VOLUNTEERISM. Naikuwento rin ni Vicki na mahilig daw sa volunteer works si Cristalle.

Salaysay niya, “Ang pinakamahirap na time for me is when she graduated college.

“Very proud ako na napalaki ko siya. She’s healthy, no accident happened, everything’s fine.

“When she graduated sa college, she told me, ‘Mommy, I want to volunteer. I want to go to Mindanao. I want to go to Bukidnon. I want to teach. I want to volunteer. I want to be there for one year and be a pre-school teacher.’

“Sabi ko, ‘Mindanao? Ang layo naman no’n! Okay, and then?’

“‘You cannot visit me for three months.’

“‘Three months? And then?’

“‘You can not send me money.’

“‘Ano?!’

“She told me, may allowance sila P3,000 a month.

“Sa three thousand na iyon, kailangan kasama na iyong board and lodging, iyong food. Three thousand a month!

“‘Tapos, ito pa hindi marunong maglaba, so kasama na iyong labandera. Ang food niya is budgeted at fifty pesos a day.

“I kept on telling her to bring money, ‘Cristalle, bring emergency money.’

“‘Mommy, I cannot. That’s the rule.’

“‘No, they won’t know.’

“‘Mommy, hindi puwede iyon.’

“Sabi ko, she can just put it in the bank and then don’t make it pansin. But if something happens… Sabi niya, ‘No, I can’t do that. It’s against the rules.’”

Siyempre, hindi raw maiwasang mag-aalala ni Vicki dahil nga sa napapabalitang gulo sa Mindanao tulad ng tribal wars at pangingidnap ng mga bandido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman siya na raw ang pinakamasayang ina nang matapos na ang volunteer work ni Cristalle at sunduin niya ito.

“That day, I was there to pick her up. But you know, it’s really worth it.

“We did talk naman everyday. She said nga one day, ‘Mommy, I’m so hungry.’

“‘Why aren’t you eating?’

“‘Kasi I’m dreaming of eating Chickenjoy.’ So later, at five o’clock, she ate Chickenjoy.

“But you know, it’s fifty pesos, a, forty nine. E, fifty pesos iyong budget, ‘di ba?

“So, she did not eat breakfast, she did not eat lunch, so later she can eat Chickenjoy.

“So, I guess it made her different. It made her poor. Iyon ang wish niya, ‘di ba?” pagtatapos ng kuwento ni Vicki sa press.

“But tapos na iyon, ha,” natatawa namang sabi niya kay Cristalle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN