Dra. Vicki Belo holds thanksgiving party for the media

IMAGE Noel Orsal

“This year has been rewarding for Belo Medical Group kasi we were awarded number one in the world, so I’m very happy,” masayang pag-aanunsiyo ni Dra. Vicki Belo sa naganap na thanksgiving party ng kanyang kumpanya kasama ang entertainment press noong Nobyembre 29.


Labis ngang ipinagmamalaki ni Dra. Vicki Belo ngayon ang anak na si Cristalle Henares dahil sa ipinakitang kabutihan sa programang Wish Ko Lang.

(CLICK HERE to read related article)

Aniya, malaking bagay daw ang lahat ng pinagdaanan at naranasan ng kanyang anak para maging mabuting tao, at maging mahusay na businesswoman at marketing person.

Ito rin daw ang naging katuwang niya sa tinatamasang tagumpay ng Belo Medical Group at iba pa nilang kumpanya, gaya ng Sexy Solutions, Belo Essentials, Belo Men, ZO Medical Group.

Noong Nobyembre 29, idinaos ng grupo ni Dra. Belo ang isang thanksgiving party kasama ang entertainment press sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito ay pinasalamatan nila ang lahat ng press people at media na nakatulong para ma-promote ang kanilang mga serbisyo at produkto.

NUMBER ONE IN THE WORLD. Ipinagmalaki rin ni Dra. Vicki ang achievements ng kanilang 20-year-old na kumpanya ngayong taon.

“This year has been rewarding for Belo Medical Group kasi we were awarded number one in the world, so I’m very happy,” wika niya.

Nangunguna nga raw ngayon ang grupo nila pagdating sa mga beauty services gaya ng Thermage, isang skin tightening procedure, at Fraxel, isang uri ng laser skin treatment.

“In the Philippines, we were awarded the Platinum Award for Botox. For the past ten years we’ve been number one in Botox,” masayang pagbabalita ni Dra. Belo.

Ang Botox ay isa ring uri ng non-surgical procedure kung saan may ini-inject na gamot sa balat ng pasyente upang mag-tighten ito.

Ilang celebrities na, tulad ng international singing sensation na si Charice, ang nakasubok nito sa ilalam mismo ng kamay ni Dra. Belo at patuloy nga itong tinatangkilik ng kanilang mga kliyente.

Pagpapatuloy ni Dra. Belo, “For ZO, we were awarded number one in the world for sales and for the best launch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, they said we have the best launch for ZO, best campaign for ZO, considering it’s only the first year.

“And I know it’s because of your help and unending support, you know, getting the words out that these procedures exist, so we really want to say thank you from the bottom of our hearts,” wika ni Vicki sa press people.

Pero higit sa pagiging number one, mas ipagmalaki ni Dra. Belo na ang kanilang mga produkto at serbisyo ay gawang Pinoy, at ito ang galing ng Pinoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN