NEWBIE: Dianne Hernandez flattered over comments that she looks like Heart Evangelista

IMAGE Noel Orsal


Dianne Hernandez promises, “I will not settle for being mediocre. I’ll have to do my best talaga sa lahat ng gagawin ko sa show na ito, para magustuhan ng audience.”


Isa si Dianne Hernandez sa mga bagong mukha na mapapanood sa bagong youth-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen.

Bagamat ngayon pa lamang siya pormal na nakilala ng press, may ilan nang nakapuna ng pagkakahawig niya sa Kapuso actress Heart Evangelista.

Nang mabanggit ito’y napangiti lamang ang dalaga at nagpasalamat.

Nabanggit ni Dianne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Disyembre 6, sa presscon ng Teen Gen sa 17th floor ng GMA Network, Timog Avenue, Quezon City na “flattered” siya sa komentong iyon ng ilan.

“Uhm, thank you kasi ang daming nagsasabi na kamukha ko siya,” wika pa ng 18-year-old na baguhang aktres.

“But then, I haven’t met her personally din, and I’m looking forward to meeting her.

“Siyempre I look up to her din, siyempre she’s Heart Evangelista.”

LUCKY GIRL. Ito ang unang beses na sasabak si Dianne sa pag-arte.

Bagamat nakagawa na siya ng ilang TV commercials, iba pa rin daw talaga kapag umaarte ka para sa isang programa.

Kung tutuusin ay suwerte nga raw siya dahil magandang role agad ang napunta sa kanya, at si Angelu de Leon pa ang gaganap na mommy niya.

Siya ang gaganap sa karakter ni Lyca, ang "shy" at "smart" na anak ni Peachy (Angelu de Leon).

“Siyempre no’ng first po, hindi ako makapaniwala na nakuha ko ‘yong role. Pero eventually, ‘yon, parang nape-feel ko naman na.

“Siyempre sobrang overwhelmed at thankful ako, kasi siguro nakita talaga sa akin ni Direk Mark [Reyes] na may potential talaga ako.”

Malaki nga raw ang pasasalamat niya kay Angelu na laging nakaalalay sa kanya tuwing mayroon silang eksena.

Kaya naman daw “super light” ang working relationship nila.

Ani Dianne, “Super light ‘yong feeling pag siya ‘yong kasama ko sa scene, kasi she helps me din.

“Kasi din first time ko, di ba, sa totoo lang natakot ako, I was nervous kasi first time ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But sa mga scenes naman namin, she was guiding me also all throughout, so naging light naman.”

READY FOR SHOWBIZ. Si Dianne ay mina-manage ng GRowL Entertainment, ang talent agency na pinapatakbo nina Girlie Rodis, Nacie Zamora Cosio, at Leo Dominguez.

Noong una’y wala raw talagang interes si Dianne sa showbiz, hanggang sa nakumbinsi siya na sumailalim sa mga acting workshops.

Dagdag pa niya, “No’ng na-try ko, okay naman siya and parang nagustuhan ko ‘yong acting. So tinuloy-tuloy ko na lang, I took the chance.”

Bukod pa rito, tinuruan na rin siya ng talent agency niya pagdating sa “how to handle things and manage my time.”

Samantala, suportado naman si Dianne ng kanyang mga magulang nang magdesisyon siyang pasukin ang showbiz.

Wala naman raw naging problema, lalo na at graduating na siya sa kursong B.S. Education sa De La Salle University- Taft.

Bagamat pinili ni Dianne ang pag-a-artista, hindi naman daw ibig sabihin nito’y hindi na niya magagamit ang kanyang pinag-aralan sa kolehiyo.

Katunayan, may plano na siya: “Gusto ko rin talaga mag-teach ng children, once a week naman ‘to [taping sa Teen Gen].

“So feeling ko kapag wala akong ginagawa puwede rin ako mag-teach, gano’n.”

Ngayon na magsisimula na ang kanyang showbiz career, ano ang dapat abangan ng mga tao sa kanya?

“Siyempre, I’ll do my best para ma-give… para ‘yong character ko na si Lyca magustuhan nila,” pahayag ng baguhang aktres.

“And para ipa-promise ko na I will not settle for being mediocre.

“I’ll have to do my best talaga sa lahat ng gagawin ko sa show na ito, para magustuhan ng audience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN