Heart Evangelista on real score with Senator Chiz Escudero: “Dating ba ‘yan or going out, I’m just confused..."

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on keeping her lovelife private: “I think I’ve learned it the hard way but, definitely, I want my relationship to be private this time. Kasi ang hirap. Nothing is certain in life and then you break up. Hayan na naman. Ang dami ko nang breakups. Mas mabuti nang tahimik. Gusto ko namang pag-usapan ang pinaghihirapan ko, pinagtatrabahuhan ko, at hindi na lang puro personal na buhay. At saka, mas marami ang nasasaktan kapag public kayo sa relationship.&


Sina Heart Evangelista at Bianca King ang gaganap sa title characters ng ikatlo at huling yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca.

Si Heart ang gaganap ngayon bilang Blanca, na unang ginampanan ni Mona Louise Rey bilang bata at Barbie Forteza bilang teenager.

Si Bianca naman ang gaganap ngayon bilang Luna, na unang ginampanan ni Jillian Ward noong bata pa ito at ni Bea Binene noong teenager.

Masaya raw si Heart na si Bianca ang makakasama niya sa Book 3 ng Luna Blanca.

Aniya, “I’m so happy because, you know, Bianca is really a smart girl and, you know, she’s also a director.

“I’ve worked with her also before, sa Hale, yung ‘Bahay Kubo.’"

Ang tinutukoy ni Heart ay ang music video ng bandang Hale noon.

“Nakatrabaho ko na rin siya do’n and it’s nice to work with somebody who’s responsible.

“She knows her lines, she knows what she’s doing at nakaka-inspire.

“Mahirap yung make-up pero sobra ang patient niya, nakakatuwa.”

Bilang Luna kasi ay kailangang paitimin ang balat ni Bianca sa pamamagitan ng make-up.

Higit sa pressure, mas nakikita ni Heart ang advantage na sila ni Bianca ang lalabas sa Book 3 ng kanilang teleserye.

Saad niya, “Yun ang nakakatuwa kasi may followers na. Kumbaga, na-stabilize na nila ang viewers, hook na sila sa story.

“Tapos ngayong tumanda pa, the plot thickens pa, mas lalo pa nilang aabangan.

“So, sana hindi sila bumitiw sa pagpapalit ng cast.”

Dugtong din ni Heart, “I’ve never been the type na I’ll pressure myself na kailangang mataas ang rating.

“As long as may nagmamahal, kahit yung iba hindi, okay lang.

“We’ll have to do what we have to do and that’s important.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miymebro ng media si Heart sa presscon ng Luna Blanca kahapon, September 4, sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IT’S ALL IN THE PAST. Matatandaang nagkaroon ng alitan noon sa pagitan nina Heart at Bianca, pero nagkaayos din sila sa huli at naging matalik na magkaibigan pa nga.

Sabi ni Heart, tiyak na mas magiging close sila ngayong magkatrabaho sila.

“We’ll definitely become closer with this soap.

“Not because dahil nagkatrabaho kami, but I guess because we were given the chance na magsama kami.

“Kasi dati naman, okay naman kami. She got me pa for ‘Bahay Kubo.’

“So I guess, ngayon, mas mabi-buildup pa ang aming friendship.”

Pagdating ba sa lovelife ay nagse-share din silang sa isa't isa?

“Wala pa, kahapon pa lang kami nag-taping!” natatawang sabi ni Heart.

Puwede bang sabihin na pareho sila ni Bianca na in love o masaya sa kanilang lovelife ngayon?

“She has a different story!” ang natatawang sagot ni Heart.

Kung si Bianca ay may boyfriend na sa katauhan ni Dennis Trillo, si Heart ba ay in love din ngayon?

“In love? Please naman!

“I’m just enjoying my being single and, you know, meeting-meeting, dating-dating, ine-enjoy ko lang yun.”


SENATOR CHIZ. Si Senator Chiz Escudero, 42, ang nali-link kay Heart ngayon.

Marami na ring pagkakataon na nakikita silang magkasama o magka-date.

Hindi naman itinanggi ni Heart na madalas silang nagkakasama ng senador.

“Yes and we talk a lot of things.

“But, dating ba ‘yan or going out, I’m just confused, it’s just like that.

“I’m not really in a rush.”

Sinabi rin ng 27-year-old Kapuso actress na baka in six months pa raw bago niya masabi kung okay na siya sa isang relasyon.

“Probably after six months or it can be a year… I don’t know. Hindi ko pa alam, ‘no?

“I don’t want to plan things.

“Dati kasi pinaplano ko ang mga bagay-bagay. Now, I just go with the flow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba ni Senator Chiz na may six-months timetable siya?

“No!” natatawang sabi ni Heart.

“Akin lang yun. Obviously ngayon, alam na nila.”


FOCUS ON HER. Masaya naman daw si Heart ngayon at mas focused siya sa kanyang career.

Sabi pa niya, “Kasi, kapag may love, parang lagi na lang yun ang nasa TV. Yun nang yun.

“So now, it’s time to focus on me.”

Kung magkakaroon man daw siya ng relasyon ngayon, mas magiging pribado na raw ito.

“I think I’ve learned it the hard way but, definitely, I want my relationship to be private this time.

“Kasi ang hirap. Nothing is certain in life and then you break up.

“Hayan na naman. Ang dami ko nang breakups. Mas mabuti nang tahimik.

“Gusto ko namang pag-usapan ang pinaghihirapan ko, pinagtatrabahuhan ko, at hindi na lang puro personal na buhay.

“At saka, mas marami ang nasasaktan kapag public kayo sa relationship.”


WHAT IF… Annulled na ang kasal ni Senator Chiz sa dating asawa nitong si Christine Elizabeth Flores, kunsaan mayroon siyang dalawang anak.

Kung sakali, okay lang ba kay Heart na ang lalaking mamahalin niya ay may mga anak na?

“They asked me nga… parang I don’t want to take it din naman.

“Parang kawawa naman at napakakitid din naman ng pag-iisip ko if I’ll think about that.

“I mean, there’s always a second chance in life.

“But again, I’m not in that stage that I’m going to think about it or I’ll think of marrying him.

“We’re just on a getting-to-know stage before I even think of… even think of getting officially.”

Nanliligaw ba sa kanya si Senator Chiz?

“No, we go out a lot. A lot,” diin niya.

“But I’m still taking my time. I’m just enjoying. It’s too early.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ano ang masasabi niyang mga nadi-discover niya kay Senator Chiz?

“He’s very down to earth. He’s not as serious as he is.”

Hindi rin daw mga tungkol sa pulitika ang pinag-uusapan nila.

Sabi ni Heart, “And I hardly talk about my work.

“We talk about my education, places we’ve been to, books…

“We just get along. Whatever he talks about, I can talk about what he’s talking.

“We can go on and on talking.”


SID LUCERO. Tinanong din ng PEP kay Heart ang na-link sa kanya noong si Sid Lucero, na naging leading man niya sa primetime series na Legacy.

Pero diin ni Heart, magkaibigan lang talaga sila ni Sid.

“Actually, hindi na nga kami masyadong nagkikita, but we see each other occasionally.

“But we’re really good friends.

“And there are times, nag-click kami sa moment na yun, but we’re really good friends.”

Dugtong pa niya, “I know, he’s back with his girlfriend.

“So, we’re really on a certain time na nag-click kami and lahat pa kami sa Legacy, we’re all so close.

“So, hindi talaga siya ano.”

Naipakilala na raw siya sa pamilya ni Sid.

“Kasama ko noon sina Alex, sila Lovi… So, it was really ano… I’m very open naman about it.”

Sina Alessandra de Rossi at Lovi Poe ay nakasama nina Heart at Sid sa Legacy.


DANIEL MATSUNAGA. Kung sakali raw siyang ma-in love muli, hindi na raw sa foreigner.

Ang huling boyfriend ni Heart ay ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Pero paglilinaw ni Heart, “Not for anything, Daniel is mabait.

“It’s just that he’s different from the way I was brought up.

“But we’re friends. We still talk to each other from time to time.

“Nagkakamustahan kami and happy kami now. Okay kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s really nice na okay kayo ng ex mo. It’s not all the time na friends ka with your ex.”

Pero sa nangyaring breakup nila, marami ang nagsasabing si Daniel ang higit na nasaktan. Umiyak pa nga ito on national TV.

Katuwiran naman ni Heart, “I think it’s because he’s 23 and I’m 27.

“I’ve been into a relationship so much.

“It sounds harsh, but I can’t waste my time.

“He’s such a nice guy but he’s just not for me.”


RH BILL. Sa huli, tinanong din ng PEP kay Heart kung ano ang stand niya sa isinusulong na Reproductive Health Bill lalo na't madalas niyang nakakasama ngayon sina Senator Chiz at Senator Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kay Heart, “I am pro-RH but I am also pro-life.

“But there’s a thin line of being responsible and, you know, to protect yourself din.

“Hindi naman sa you wanna be promiscuous.

“You know what, what can we do if people are promiscuous?

“But that’s the thing, it’s the reality. So, let’s be smart about it.

“There’s also family planning and especially with what our country is going through now, my god, we have to be smart and be educated.

“At least, let them be educated, pero sana, huwag naman na sa Grade 5 pa lang ini-educate, puwedeng sa high school or something.

“At least a bit of certain age lang na doon mo pa lang ino-open ang eyes nila.

“I’m really for RH and I don’t think it has anything to do if you believe in God or anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN