Daniel Matsunaga on confirmed relationship of Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero: "I wish them the best. I’m here to support them."

IMAGE Arniel C. Serato

“I wish them the best. I’m here to support them. I hope one day I can meet Chiz. Walang bad feelings, walang ganoon, e. No bad feelings talaga.” Ito ang mga saloobin ni Daniel Matsunaga pagkaraan ng breakup nila ni Heart Evangelista.


Madalas nang naitatanong sa Brazilian-Japanese model turned actor na si Daniel Matsunaga tungkol sa pagkaka-link nila ng TV5 young actress na si Eula Caballero.

Kaya sa in-between gaps ng weekly variety-game show ng TV5 na Game 'N Go! noong Linggo, October 7, ay kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel.

Sila na nga ba ni Eula ngayon?

“Hindi totoo. Hindi totoo yun, e,” tanggi niya.

Patuloy si Daniel sa nakakatuwa niyang pagsasalita ng Ingles at manaka-nakang pagta-Tagalog.

Sabi pa niya, “Eula is my friend. We are co-actors. She’s very mabait, very nice person."

Parehong nakakontrata sa Kapatid network sina Daniel at Eula, at magkasama bilang mainstays ng weekly mystery thriller na Third Eye.

“We’re always making jokes… we see each other in Third Eye [tapings]. And dito… she’s also part of Game 'N Go.

“It’s good to work with her. She’s super nice person. And also, a very good actress.

“Siguro, yun na lang—for now.

"For sure we’re gonna work together again,” pagtukoy ni Daniel sa nalalapit nang pagtatapos ng Third Eye.



HEART AND CHIZ. Na-reveal kamakailan ang relasyon ng ex-girlfriend ni Daniel na si Heart Evangelista kay Senator Francis “Chiz” Escudero.

Sa morning program ng ABS-CBN na Kris TV inamin ni Senator Chiz, kung saan co-host siya ni Kris, ang personal na ugnayan nila ni Heart. (CLICK HERE to read related story.)

Una, sabi ni Daniel, “Wala... no comment!”

Pero sinundan niya ito ng: “I wish them the best. I’m here to support them.

"I hope one day I can meet Chiz.

“Walang bad feelings, walang ganoon, e. No bad feelings talaga.”

Pero bago pa inamin ni Senator Chiz ang relasyon nila ni Heart, nabanggit ni Daniel na nakakapag-usap pa sila ng ex-girlfriend.

"We still talk, oo. And there’s no problem. We are friends...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas ba silang mag-usap ni Heart kahit break na sila?

“Not really... not really... konti lang… konti lang,” bawi niya.

How about palitan ng text messages?

“Not in these few weeks,” sagot ni Daniel.



WAITING FOR PERFECT GIRL. Daniel admitted to PEP that he is loveless at the moment.

Sabi niya, “I’m single.

"Well, it takes time to find the perfect girl in my life, so I’m just waiting for it.

“So, ito muna… siguro, trabaho muna—mas focus sa trabaho.”

Loveless but not lonely daw ngayon si Daniel.

“Yes, I’m happy! Oo naman, masaya ako!

“Ang kailangan ko now, matutong mag-Tagalog,” kuwelang sabi ni Daniel.

Has he really moved on from his breakup with Heart?

“I’m okay, really. I’ve moved on,” sabi niya.

“It was a mutual decision so, in a way, we’re okay.

“We’re not really seeing each other, but we’re still friends.

"I’m really focused now on my work.”

At 23, bata pa si Daniel para maging mas seryoso sa pag-ibig.

“I’ll be 24 this year. Well, in God’s time, I will have my girlfriend.

“You’ll never know when… kung kailan.

"I believe I just have to have faith and pray a lot for that,” saad niya.



HAPPY WITH TV5. Tungkol naman sa kanyang career ay masayang-masaya raw si Daniel sa mga kasalukuyan nitong direksiyon.

“I’m very, very thankful and I’m very honored to be here [with TV5].

“I don’t know how to thank all of them, for all the opportunities given me.

“They’re really nice to me, di ba? Ang daming shows.

"Masaya talaga ako dito!

“It’s been nice… I had good experiences in the shows [I’m in].”

Bukod sa Third Eye at Game 'N Go!, kasali rin si Daniel sa eco-fantaserye ng TV5 na Enchanted Garden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon din siyang sasalihang bagong sitcom na ayaw pa munang i-reveal ang mga detalye.

“I don’t know if I can say it yet… it’s a sitcom with Rufa Mae [Quinto], Fabio Ide, and BB Gandanghari.

“Very, very soon… plus, one more next month—about the gym stuff, workout… it will be very nice.

“Yes, very soon!” excited pang sambit ng young actor, who also does ramp and fashion modelling.

Daniel is also into football at sa katunayan ay member siya ng isang professional team.

“I’m part of the Musang, the national football team, and part of Pachanga,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN