PEParazzi Year-End Report 2012: Most-viewed photos and videos

IMAGE Screen capture from Paparazzi (Ruffa), Pepster submitted (Christian and Carla), Screen capture (Thri

Ang makita sa unang pagkakataon na si Carla Dunareanu—ang babaeng napapabalitang dini-date ni Christian Bautista—ang dahilan kaya ang mga larawan nito sa PEParazzi ang may pinakamataas na page views ng PEPsters ngayong 2012. Nakakuha rin ng mataas na bilang ng views ang video clip ng reaksyon ni Ruffa Gutierrez sa "salbaheng" tanong ni Mr. Fu sa Paparazzi at ang tinaguriang "Thrilla in Manila" video nina Mon Tulfo, Raymart


Sa patuloy na pagdami ng mga gumagamit ng social networking sites tulad ng Facebook at Twitter, mabilis nang maging hot topic ang isang pangyayari, bagay, idea o personalidad.

Nitong 2012, may pangyayari sa loob at labas ng showbiz na agad naging mainit na paksa sa social media, at siyempre pa, sa PEParazzi.

At dahil magtatapos na ang 2012, pinili namin ang labindalawang (12) most-viewed entries sa PEParazzi at kung paano, at bakit sila ang mga pinakabinisita’t tiningnang photos at videos ng PEPsters.

1. SPOTTED: CHRISTIAN BAUTISTA AND KARYLLE WITH THEIR DATES. Wala mang kinukumpirma o itinatanggi, tila tanggap na rin sa showbiz noon na may namamagitan na nga kina Karylle at Yael Yuzon ng Sponge Cola.

Pero ang balita naman tungkol sa lovelife ni Christian Bautista ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 142,547 views ang PEParazzi entry na ito.

Matatandaang walang masyadong binabanggit si Christian tungkol sa babaeng kanyang dini-date.

Aniya pa noon sa isang interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mas gusto niyang pribado na lang ang tungkol sa kanyang lovelife.

(CLICK HERE for related story.)

Kaya nung inilabas sa unang pagkakataon sa PEParazzi ang larawan ng babaeng dini-date ni Christian, agad itong nakakuha ng maraming views.

Marami ang curious na malaman kung sino nga ang babae.

Siya si Carla Dunareanu, ang Singapore-based actress na nakasama ni Christian sa Kitchen Musical.

(CLICK HERE to see photos.)

Kalaunan, inamin na rin ni Christian na girlfriend nga niya si Carla.

2. MON TULFO VERSUS RAYMART AND CLAUDINE, ET AL. Hindi man ang top entry of 2012, ang video namang ito ang may pinakamaraming views with 103,805 page views.

Ito ang video clip ng gulong nangyari sa pagitan ng beteranong columnist-broadcaster na si Mon Tulfo at mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

(CLICK HERE for the video.)

Damay rin sa gulong ito na naganap sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nung May 6 ang non-showbiz friend nina Claudine at Raymart na nagngangalang Eduardo “Doby” Atilano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related story.)

Unang kumalat ang video na ito sa pamamagitan ng Facebook, nang isang pasahero sa airport ang pasikretong nag-video record ng gulo ng mga nabanggit na personalidad.

(CLICK HERE for related story.)

Kalaunan, nai-upload na rin ito sa YouTube na mas lalong nagpa-viral nito.

Nagkaroon pa ito ng iba't ibang "memes" at pangalan, katulad ng "Thrilla in NAIA," "NAIA FC," at "Santiago vs. Tulfo Smackdown."

Sa PEParazzi lang nang ma-upload ito, bukod sa page views ay nai-share din ang entry na ito sa Facebook ng 13,400 na beses at sa Twitter naman, 912 na beses.

Parehong nagke-claim ang partido nina Tulfo at partido nina Claudine at Raymart na hindi sila ang nag-umpisa ng gulo.

Tumuloy sa palitan ng demanda ang engkuwentrong ito, at ang latest update nga’y inirekomenda ng Quezon City Prosecutor’s Office ang pagsasampa naman ng demanda laban sa mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin Tulfo ng kasong grave threats.

(CLICK HERE for related story.)

Ito’y matapos na magsalita ng magkakapatid na Tulfo sa kanilang TV5 public affairs show na T3: Sagot Kita, Kapatid tungkol sa nangyari sa kanilang Kuya Mon at kina Claudine at Raymart.

(CLICK HERE for related story.)

3. MEET THE MEGABOY: MIGUEL SAMUEL MATEO. Mahigit sa 76,200 beses na tiningnan ng PEPsters ang mga larawan ng ampon nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Francis “Kiko” Pangilinan na si Miguel Samuel Mateo.

(CLICK HERE to view photos.)

Ilang araw pa lang nagkakaroon noon ng Twitter account si Mega. At bilang pagse-share sa kanyang fans and Twitter followers, nag-post siya ng mga larawan ni Miguel.

Bago magkaroon ng Twitter, hindi pa masyadong naglalabas noon sina Sharon ng mga larawan ni Miguel.

Noong December 7 ng nakaraang taon lang kasi naging legally adopted child na nila ni Sen. Kiko si Miguel.

Bilang pagbabahagi ng kasiyahang nararamdaman ni Mega sa pagkakaroon ng anak na lalaki, nag-post nga siya ng litrato ni Miguel sa kanyang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

4. GMA-7 BIG BOSS ENJOYS BAGUIO MORNING WITH GRANDKID. Naging curious namang masyado ang PEPsters tungkol sa activity na ito ng GMA Network, Inc. Chief Executive Officer and Chairman Felipe I. Gozon at ng kanyang apo, kaya nakakuha ito ng 53,801 views.

(CLICK HERE to see photos.)

Simple lang naman ang ginagawa ni Atty. Gozon— ini-enjoy lang niya ang boat ride sa Burnham Park Lake kasama ang kanyang apong lalaki.

Mukhang may mga fans din yata si Atty. Gozon. Hmmm…

5. RUFFA GUTIERREZ’S REACTION TO MR. FU’S NAUGHTY QUESTION. Hindi nagustuhan ni Ruffa Gutierrez ang naging birthday treat sa kanya ng Paparazzi, ang TV5 showbiz talk show na kinabibilangan niya as one of the hosts.

Sa video clip na ito—na may 50,649 views—tinanong si Ruffa ng kanyang mga co-hosts na kinabibilangan nina Cristy Fermin, Zoren Legaspi, Mr. Fu, at Mariel Rodriguez, sa segment ng show na kung tawagin ay “Bulong ng Palad.”

May kuneksiyon sa past boyfriends ni Ruffa ang mga tanong na pabulong na ibinigay sa kanya.

Kasama sa mga tanong sa actress-TV host ang ex-boyfriends niyang sina Aga Muhlach, Robin Padilla, at ang co-host niyang si Zoren.

Ang parteng hindi nagustuhan ni Ruffa sa segment na ito, at dahilan din ng pag-resign niya sa show ay nang tanungin siya ni Mr. Fu.

Tanong ni Mr. Fu sa kanya: “Choices: Aga, Zoren, Robin. Sino ang may pinakamalaking…”

Hindi tinapos ng co-host ni Ruffa ang pangungusap at ibinulong na lang sa kanya ang karugtong.

“Alam mo, you’re so gross. I’m not answering that. Wala akong alam diyan. Next question,” ang naging sagot naman ni Ruffa kay Mr. Fu.

Napuno ng hiyawan ang studio na pinagdadausan ng Paparazzi sa hindi pagsagot ni Ruffa.

Nakangiti pa ang aktres-TV host habang tigas sa pagsasabing hindi nga niya sasagutin ang tanong ni Mr. Fu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to watch the video.)

Pero kalaunan nang araw rin na iyon, sunud-sunod ang pagpo-post ni Ruffa ng mga reklamo niya sa Twitter, tungkol sa nangyari sa kanya sa Paparazzi.

Sobra raw siyang nabastos at sinabi pang hindi na siya babalik pa sa show.

(CLICK HERE for related article.)

Agad namang nag-release ng statement ang TV5 at sinabing iimbestigahan nila ang pangyayari.

Ilang linggo ang lumipas, nawala na sa ere ang Paparazzi.

6. LAST CHRISTMAS PIC: KIM CHIU HELPS SENDONG VICTIMS IN ILIGAN CITY. Nakakuha ng 48,002 views ang mga litrato ng pamamahagi ni Kim Chiu ng relief goods bilang pamasko niya sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong sa Iligan City.

(CLICK HERE to see photos.)

Disyembre ng nakaraang taon, nang tumama ang Bagyong Sendong sa ilang probinsya sa Mindanao.

7. DANG! GIVE THIS GIRL A SINGING CAREER! Hulyo nang orihinal na in-upload sa YouTube ni youngjay0918, nasa 2,925 views pa lang ang video na ito ni Zendee Rose Tenerefe nang matiyempuhan ni PEPster tamburiki nung Agosto.

Katulad ng mga nauna nang naka-view at nagkomento sa video, na-impress din si tamburiki sa pagkanta ni Zendee ng “And I Am Telling You (I’m Not Going)” ni Jennifer Holliday sa isang mall, kaya niya ini-embed at ni-repost ang video sa PEParazzi.

Sa kasalukuyan ay may 46,174 views na ito sa PEParazzi. Nagkaroon ang reposting na ito ng 11,900-plus Facebook shares at 160 posts sa Twitter.

Samantala, umabot naman ng 2 million page views ang original YouTube posting ni youngjay0918.

Nakuha rin nito, hindi lang ang pansin ng GMA-7, kundi pati na rin ng U.S. talk show na The Ellen Show ni Ellen DeGeneres.

Nagkaroon tuloy ng career sa music ang X-Factor Philippines reject na si Zendee dahil na rin sa galing na ipinakita niya sa video.

(CLICK HERE to watch the video.)

8. SARAH GERONIMO AND GERALD ANDERSON: TOGETHER AGAIN! Usap-usapan nung Hulyo na hindi naging maganda ang pagtigil ng panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya’t nang i-post sa PEParazzi ang isang Instagram photo mula sa handler ni Sarah na si Nhila Mallari, dagsa ang fans ng dalawang Kapamilya stars na gustong makita ang muling pagsasama nina Sarah at Gerald, kahit sa litrato lang.

Nakakuha ng 42,654 views ang kuha kina Sarah at Gerald sa isang event na binuo ng fans nila na kung tawagin ay Ashralds.

(CLICK HERE to see photo.)

9. ANNE CURTIS SPOTTED AT 168 MALL IN DIVISORIA. Marahil ay curious dahil sa mga naririnig niya tungkol sa 168 Mall—mura at magagandang items—binisita ito ni Anne Curtis.

Siyempre pa, naka-disguise si Anne nang pumunta roon.

Ang problema, madali ring nakilala si Anne at pinagkaguluhan tuloy siya ng iba pang mamimili sa Divisoria mall.

Nakakuha ng 38,292 views ang re-posting ng YouTube video na ito ni whywouldifoolyou.

(CLICK HERE to watch video.)

10. KIM AND MAJA TURN SURPRISE PARTY FOR XIAN INTO A “CALL ME, MAYBE” SESSION. Uploaded by Xian Lim on his YouTube channel, pinik-up ng PEParazzi ang video na ito ng “Call Me Maybe” parody nina Xian, Kim Chiu, Maja Salvador, at mga kaibigan nila.

Surprise birthday party iyon nina Kim, Maja, and friends para kay Xian, pero naisipan na rin nilang gumawa ng sarili nilang music video ng sikat na kanta ni Carly Rae Jepsen.

Nakakuha ng 36,173 views ang video na ito.

(CLICK HERE to watch video.)

11. JULIE ANNE SAN JOSE DOES THE “DOUGIE” ON THE ELLEN SHOW. Bilang members ng audience ni Ellen DeGeneres sa kanyang The Ellen Show, kailangang tumayo nina Julie Anne San Jose, Elmo Magalona, Pia Magalona at Direk Mark Reyes mula sa kanilang kinauupuan at makisayaw sa lumilibot na si Ellen.

Tiyempo namang natapatan ni Ellen sa kanyang paglilibot sa audience si Julie Anne na nagpakita naman ng kanyang husay sa pag-“dougie.”

Ang video na nagkaroon ng 35,235 views sa PEParazzi ay original YouTube upload ni FilipinasinShowbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to watch the video.)

12. ANNE CURTIS: MRT RIDE? itsmorefuninthephilippines. Nag-post sa kanyang Twitter account si Anne ng mga kuha niya habang nakasakay sa seniors and women’s car ng MRT.

Para makaiwas daw sa traffic kaya nag-MRT ang It’s Showtime host.

Nakakuha ng 33,850 views ang mga twitpics ni Anne sa PEParazzi.

(CLICK HERE to see photos.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN