Alex Gonzaga describes role in TV5’s Enchanted Garden:“Bawat eksena may sabunot, may sampal, may kurot, may sipa, may ngudngod sa lupa... Wala lang ako lines minsan, yun na lang, e.”

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga hints at possible reformat of her showbiz talk show with Cristy Fermin, Shalala, and IC Mendoza.

“Ayaw ng EP [executive producer Omar Sortijas] naming masyadong maingay sa Juicy [Express] dahil madami na raw siyang kina-cut… Minsan daw parang isang buong gap, wala na raw sense yung pinag-uusapan. Kasi puro biruan na lang daw kami,” says the 24-year-old actress.


Sabunot ang inabot ni Alex Gonzaga sa unang araw ng pakikipagtrabaho niya sa direktor na si Joel Lamangan.

Sa press launch ng Enchanted Garden noong July 10, sa Elements, Centris, Quezon City, idinetalye ng 24-year-old actress ang nangyari.

Aniya, ang karakter sana ni Meg Imperial ang sasabunot sa kanya, “E, nagalit siya [Joel] kasi hindi maganda yung sabunot ni Meg. So, bumaba si Direk Joel sa OB van, sinabunutan niya ako, 'pinakita niya kay Meg.

“E, yung mga panahon na yun, jine-jet lag ako, nagising tuloy ako.”

Pero umpisa pa lang daw yun ng kalbaryo na haharapin ng karakter ni Alex sa tinaguriang "eco-serye" ng TV5, dahil bukod kina Meg at Direk Joel, sinaktan din siya ni Gladys Reyes nung gabing yun.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Alex, “Si Ate Gladys [Reyes], wala naman instruction na sabunutuan ako, sinabunutan na rin ako.

“Sabi niya sa ‘kin, ‘Pasensiya ka na, ha. Ayoko kasing mapagalitan, e. Binigay ko na.’”

“Pisikalan” raw masyado ang project na ito dahil halos lahat ng klase ng pananakit ay naranasan niya nang walang double.

Ayon pa sa dalaga, “Bawat eksena, may sabunot, may sampal, may kurot, may sipa, may ngudngod sa lupa… Wala lang ako lines minsan, yun na lang, e.”

May insidente pa nga raw na nginudngod siya sa putik, kaya, “After nung take, may mga lupa sa ngipin ko.”

Masasabi ba niyang nakakatakot katrabaho si Direk Joel?

“Ay hindi. Hindi ko pa po nakikita talaga yung pagiging terror niya, pero ano pa lang, yung mga sigaw-sigaw naman niya. Hindi pa naman masyadong serious. Nakakatuwa pa siya…

“Right after naman ng take, ang bait na niya, ‘O, kain na tayo, anak…’

“So ginagawa lang niya yun para sa ikagaganda nung eksena.”

Since si Gladys ang tatayong kontrabida sa buhay ng kanyang karakter, siya na ba ang susunod na Judy Ann Santos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wow. OA naman,” ang mabilis na hirit ni Alex, at habang natatawa, idinugtong niya, “Agad? Hindi pa naman ume-airing.”

Pagkatapos ba ng teleserye, magiging mas magaling na siyang umarte sa ate niyang si Toni Gonzaga?

Sagot ni Alex, “Tingin ko, magiging best friends kami ni Direk Joel.”

HOSTING VS. ACTING. Nadako ang usapan sa isa pa niyang show, ang Juicy Express, kung saan kasama niya sina Cristy Fermin, Shalala, at IC Mendoza.

Hiniling daw ni Direk Joel na mag-focus siya sa eco-serye, kaya hindi na muna siya makikita sa nasabing programa.

Paano kung papiliin siya between Enchanted Garden at Juicy Express?

“Given the chance, sana po huwag. Huwag ako talaga [mawala] totally.

“Pero kung hindi talaga kaya ng schedule ko, ah, maiintindihan naman po yun nina Nanay Cristy kasi marami naman po sila dun.

“Puwede naman po akong palitan nina Ate Gladys, ni Direk Joey [Reyes], o ni Divine [Lee], so…

"E, dito po kasi [sa soap], isa lang yun, character lang talaga, ako lang yung gumaganap sa character,” ang sabi ng Kapatid princess.

Pero alin ba sa dalawa ang mas gusto niya— acting o hosting?

Pahayag ni Alex, “Ah, ngayon po, both pa, na-e-enjoy ko pa pareho kasi yung hosting naman po, yun nga sinasabi ko, hindi pa talaga ako nabibigyan ng major, na yung parang Artista Academy… o talagang seryosohang hosting.

“E, yung Juicy, parang magkakapatid na talaga kami dun. Ang tagal-tagal na namin. parang hindi nagtatrabaho. So, enjoy ko siya.

“Yung acting naman, na-e-enjoy ko talaga siya kasi, ang sarap ng feeling na maraming… yung mga napapanood mo nung bata ka, nakakasama mo sa mga eksena— sina Ate Gladys, sina Tita Luz Valdez… Yung mga napapanood mo lang ‘yan, ‘tapos hindi mo akalaing makakasama mo sila.”

Hindi ba naaapektuhan ang imahe niya dahil sa pagiging host ng isang tsismis show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, kino-convince ko sila na hindi ako ganung tao, ano ka ba,” ang mabilis na sagot ni Alex.

Nirerespeto rin daw niya ang request na ilan niyang kaibigan sa showbiz kapag nagsabi sila ng “off-the-record.”

TV5 PRINCESS. Ang Juicy ang sinasabing unang project ng dating Kapamilya sa TV5.

Four years later, bukod sa pagiging co-host, isa na siya sa binansagang prinsesa ng Kapatid network.

Hindi ba siya threatened na bukod sa kanya ay prinsesa rin ang treatment sa iba pang young actresses ng network na sina Jasmine Curtis Smith, Danita Paner, Arci Munoz, Eula Caballero, at Ritz Azul?

Aniya, “Hindi… Kasi, ano naman po kami, nabibigyan ng trabaho. Kung hindi po ako mabigyan ng trabaho ngayon, the next season, meron kaming trabaho. So parang hindi kami [nababakante].

“Right now, parang ambata pa nung network para mag-ganunan kami. Kasi kami-kami lang magkakasama, tapos magkakarun pa kami ng conflict? So, parang ayaw naman namin ng ganun.”

Paano kaya siya magiging stand-out sa grupo?

“Siyempre, I plan to ano… kung whatever project is given to me, of course, I’ll try my best. I’ll really…

“Ngayon po, I enrolled sa G-Force dance workshops.

“So as much as possible, yung paano mo ma-i-evolve yung talent mo, paano mo maaano... Yun, ginagawa ko po yun ngayon, kapag di ako nabibigyan ng trabaho, yun nagda-dance lesson po.”

LOVELIFE. At dahil busy siya sa career, zero ang kanyang buhay pag-ibig.

Ang kanyang non-showbiz suitor ay “nawala siyang bigla.”

Inamin niyang “approved” na ng mga parents niya ang guy, pero “nag-focus talaga siya sa law school, at saka may girlfriend na siya, so hayaan na natin siya.”

Si Kean Cipriano?

“Ay hindi naman naging kami...” ang sabad ng dalaga.

Martin Escudero?

“Si Mart ngayon, dahil second project namin together, mas close na kami. Niyayaya niya ako minsan umalis, kumakain kami sa labas kasama sina Danita [Paner], sina IC [Mendoza].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, mas close kami ngayon, mas kampante kami, mas maganda yung ano tuloy namin kapag sa eksena, kasi kumportable na kami.

“Unlike yung Babaeng Hampaslupa, first time namin magtrabaho, so medyo kapaan pa kami nun.”

May chance kaya na maging real ang reel romance nila?

“Tanungin niyo si Mart,” ang sagot ng nakababatang kapatid ni Toni.

Hindi naman daw siya nagmamadali, at lalo na, “Ayoko ng pinipilit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN