Part 1. John Lloyd Cruz on loveteam partner Bea Alonzo: “Ngayon ang masasabi kong pinakamagandang estado ng relasyon naming dalawa.”

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz on the success of his onscreen partnership with Bea Alonzo: “Yun naman ang hawak namin ni Bea since day one—sincerity. Hindi namin dinisillusion ang aming mga taga-suporta. Hindi namin pinalabas na nagkakagustuhan kami. In fact, kapag kami ay magkaaway, talagang magkaaway kami. Actually, we survived one teleserye na hindi kami okay."


Matagal-tagal na rin mula nang huling mapanood sa pelikula ang isa sa pinakamatagumpay na loveteam sa bansa—sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Kaya naman marami sa mga tagahanga ng kanilang tambalan ang matutuwa dahil muli silang magsasama sa kanilang bagong pelikula mula sa Star Cinema, ang The Mistress, na mapapanood na simula sa September 12.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo nina John Lloyd at Bea bilang loveteam.

Sa taped interview ni Boy Abunda kay John Lloyd sa The Buzz kahapon, September 2, binalikan ng aktor ang pagsisimula ng tambalan nila ni Bea.

Lahad niya, “Alam niyo, nangyari na lang siyang talaga.

“Umaandar na noon ang Kay Tagal Kang Hinintay in the sense na I was being paired with Rica Peralejo’s character and Dimples Romana’s character.

“Siguro they wanted to see someone paired with me nang pang-matagalan.”

YOUNG SCREEN PARTNER. Ano ang naging initial reaction ni John Lloyd noong unang sinabi sa kanya na si Bea ang makaka-loveteam niya?

“Ang bata, ang bata… ang bata ni Bea, bata talaga,” mabilis na sagot ni John Lloyd.

Unang nagsama sina John Lloyd at Bea sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay.

Nineteen years old noon si John Lloyd, samantalang 14 lamang si Bea.

Patuloy ng Kapamilya actor, “Hindi ko alam kung puwede kong sabihin, pero do’n sa istorya, talagang pina-mature [si Bea].

“Fourteen years old, naka-T-back?

“Isa yun sa naaalala ko, hindi ko alam kung bakit!” natatawa niyang sabi.

Very intense na ba si Bea noon?

Sabi ni John Lloyd, “She was too young for me to even realize her beauty.”

NO TALKING. Inamin din ng aktor na sa umpisa ay hindi naman sila halos nag-uusap ni Bea.

“Wala, walang usap-usap.

Kay Tagal Kang Hinintay, nagsimula at natapos 'yan ng ‘Action!’

“Talagang passionately delivering our lines, making out.

“Nahiya naman ako sa bata, pasensiya na po!” natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni John Lloyd, “Pero yung mga ganoong eksena, cut, ni ha-ni ho, bye, good morning, walang ganoon.

“Nagkaroon ng effort to reach out and communicate, from my end, kasi kailangan. Hindi normal yung nangyayari.

“During our second movie, Now That I Have You [2004], yung pagkakaalam ko, kinuha niya ang kamay ko. Yun, nabago ang history.

“Meron pa siyang nalalaman na sa show raw ni Kris Aquino, doon ko raw kinuha ang number niya, on-air!

“Sabi ko, ‘Patunayan mo, kailan nangyari ‘yan?’” natatawang biro ni John Lloyd.

HIGHS AND LOWS. Noong naging magkaibigan na sila ni Bea, wala bang pagkakataon na naisipan niya itong ligawan?

Sabi ni John Lloyd, “Ako, pag naiisip ko ngayon, hindi naman tama sa lalaki na i-deny yun.

“Imposible naman na sa sampung taon, hindi mo naisip o hindi sumagi sa isip mo.

“At saka, ano rin kami, yung personal relationship namin, sa loob ng sampung taon, ang daming dinaanan na high and low.”

Ano ang mga high?

“Of course, was the great success of the team-up, na kahit hindi naman namin talaga… Hindi kami nag-give in to the pressure of being together.

“Kahit nilalabanan namin, there’s a certain amount of respect for these people na humahanga sa inyo at gusto kayong magkatuluyan.

“Parang walang ibang dahilan para hindi irespeto sila bilang humahanga sila, sila yung mga tagahanga.

“Actually, isa yung dahilan at doon nag-lead ang ibang pagkakataon na naging maganda ang takbo ng aming personal na relasyon—dahil sa ganoong pressure. Hindi ako bumigay talaga.

“Yun naman ang hawak namin ni Bea since day one—sincerity.

“Hindi namin dinisillusion ang aming mga taga-suporta. Hindi namin pinalabas na nagkakagustuhan kami.

“In fact, kapag kami ay magkaaway, talagang magkaaway kami.”

Pag-amin pa ni John Lloyd, “Actually, we survived one teleserye na hindi kami okay.

“Pero ayoko nang sabihin kung ano. It’s not gonna be fair para sa show na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi sila nag-uusap ni Bea?

“Nag-uusap kami. Tinatanong ko siya, ‘Ano, naiintindihan mo na ba ako ngayon kung ano ang pinanggagalingan ko?’

“'Hindi! Hindi pa rin.' Pero naitawid namin yun.”

BEST THING ABOUT BEA. Posible kayang ang dahilan kung bakit hindi naging sila sa loob ng sampung taon ay sa dahilang palagi silang hindi nagkakasabay na single o walang karelasyon?

Sagot ni John Lloyd, “Ang daming puwedeng ipaliwanag, ang daming puwedeng dahilan.

“Pero ako kasi, naniniwala ako na kapag gusto mo talaga, walang makakapigil sa ‘yo.

“Kapag ginusto mo talaga, walang puwedeng humarang sa ‘yo.

“Parang kung gusto mo, gusto mo.”

What’s the best thing about Bea?

“The best thing about Bea, kinaya niya akong tagalan ng ten years.

“I mean, I’m not the easiest person to get along with. I have my moods.

“I have my own process kapag may ginagawa kaming trabaho.

“So, truly special—salamat.”

Yung panahong magkahiwalay sila ni Bea, how was it?

“Alam niyo, ang hindi ko nare-realize noon, akala ko, parang nilalayo kami sa isa’t isa.

“I came to realize na yun palang mga panahon na hindi kami nagsasama, yun pa yung mas maglalapit sa amin.

“At saka ngayon, iba.

“Iba yung nabibigay niya, iba ang nararamdaman ko.

"Iba ang nakikita ko mula sa kanya. Bagong Bea.

“Minsan sinasabi niya, bagong akin din. Na ang dami kong baon. Maganda.

“Ngayon ang masasabi kong pinakamagandang estado ng relasyon naming dalawa.”

Kung ngayon tatanungin si John Lloyd, paano niya sasagutin ang tanong na “What’s the best thing about Bea?”

“Hindi ko alam kung tama ‘to, pero actually, I appreciate her for being—sometimes ha, minsan, naïve.

“Parang minsan, it gives me the impression na, ‘Grabe ‘to, o, hindi pa siya…’”

At si Boy ang nagbigkas ng salitang “jaded.”

Dugtong naman ni John Lloyd, “Di ba, minsan, in this business, sa akin nga, okay ‘yan, special ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA AND ZANJOE. Nag-uusap ba sila ni Bea ng mga personal na bagay sa set?

“Ngayon, oo, nag-uusap kami.”

Bilang masaya si Bea ngayon sa kanyang relasyon kay Zanjoe Marudo, napag-uusapan ba nila ito, nababanggit ni Bea sa kanya?

“Oo, madalas,” sagot ni John Lloyd.

“Minsan nag-aaway pa kami dahil kay Zanjoe.

“Oo, kasi itong si Bea, kapag nagkukuwentuhan kami, parang kung ano ang opinyon ko, feeling niya, yun ang sinasaksak ko sa kanya, at parang siya rin, dapat yun ang paniwalaan niya.

“Hindi ko alam na ganoon pala ang pag-treat niya.

“So, magkaaway na lang kaming bigla. Napikon na lang siyang bigla.”

Pero masaya ba si John Lloyd na masaya si Bea ngayon?

Nakangiti niyang sagot, “Oo naman.

“In fact, I’ve never seen Bea so happy and so excited about life, about tomorrow, about them, about the two of them.

“At ako, talagang, again, I find it special that I’m here to witness that.”

Sa palagay ba ni John Lloyd, masaya rin si Bea sa kung ano naman ang meron siya ngayon?

“Sa tingin ko, siya ang nakakaalam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN