Vic Sotto is anti-RH Bill and pro-Cybercrime Prevention Law; defends brother Senator Tito Sotto against critics

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto does not see the need to be a public official to help Filipinos. He says, “Right now, I can be of help by not being a politician. I can be a public servant in my own little way.”


Ilang buwan bago ang opisyal na pagsumite ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections, may mga balitang lumabas na papasukin na rin ni Vic Sotto ang mundo ng pulitika.

Ang sabi pa nga ay tatakbo raw si Vic bilang mayor ng Quezon City.

Pero ayon sa host ng longest-running noontime show na Eat Bulaga!, hindi niya talaga binalak na sumabak sa pulitika.

Bagamat nasa pulitika ang nakatatandang kapatid niyang si Senator Tito Sotto, hindi raw naiisip ni Vic ang pangangailangang sundan ang mga yapak nito.

Aniya, “If I can be of help by being in politics, why not? But not right now.

“Right now, I can be of help by not being a politician. I can be a public servant in my own little way.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Vic sa press conference na inihanda para sa kanya ng TV5 kaugnay ng bagong game show niya, ang The Million Peso Money Drop.

Hindi kaya nadismaya si Vic dahil sa mga dinanas ng kapatid niyang si Senator Sotto ngayon?

Dahil sa dalawang mahalagang issues sa bansa ngayon—ang Reproductive Health Bill at Cybercrime Prevention Law—binabato ng sari-saring kritisismo ngayon si Senator Sotto.

Pero sabi ni Vic, “Why? Kasama sa buhay ‘yon, e.

“We cannot please everybody.

“If you’re anti-RH, siguradong kalaban mo yung mga pro-RH.

“Ganun lang kasimple ‘yon, e.”



ON RH BILL. Katulad ng kanyang kapatid, anti-RH bill din ang tinatawag na “Bossing” sa showbiz.

Katuwiran ni Vic, “I’m not for abortion, I’m not for population control, and I’m not for government spending for condoms and contraceptives.

“Yung three billion [pesos], ibigay na lang nila sa mga ospital, ilagay nila sa education.

“Three billion a year gagastusin sa condoms and contraceptives?

“Aalisan mo ng choice ang mga pamilya, ang mga mag-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isasaksak mo sa baga nila na, ‘Hoy, mag-condom ka!’

“E, kung ayaw ni Mister, hindi puwedeng pakialaman.

“The other provisions are okay pero may magna carta for women na, double-double lang ‘yon, e.”

Pag-uulit pa niya, “Ang ayaw ko lang, gagastos ng malaki na puwede mong gastusin sa ospital, eskuwelahan.

“Tapos yung provision about abortion, I’m against; the provision of population control, I’m against it.

“The other provisions, they’re okay.”



ON CYBERCRIME PREVENTION LAW. Samantala, pabor naman ang TV host-comedian sa bagong batas laban sa mga krimen na nagaganap gamit ang cyberspace—ang Cybercrime Prevention Law.

Sabi ni Vic, makatutulong ang batas na ito para maging responsable ang mga tao sa paggamit ng Internet.

“Gusto n’yo bang maabuso ang Internet?” tanong niya sa mga reporter.

“We’ve seen before kung paano siya naaabuso, di ba?

“Mabuti na yung may safeguards.

“Hindi puwedeng ang binabantayan lang natin ay yung mainstream media.

“Malapit na rin siyang maging mainstream.

“I think it’s about time na people should be responsible.”

Hindi rin naniniwala si Vic na sa pagpasa ng Republic Act 10175, na nilikha ni Senador Edgardo Angara, ay kikitilin na nito ang kalayaan ng mga Pilipino na magpahayag.

Ayon kay Vic, “Hindi naman inaalis ang freedom of speech, e.

“Hindi naman kayang alisin sa Pilipino ang freedom of speech, just regulating.

“I mean, it’s more of you being responsible in what you write.

“Like you journalists, di ba? Have a sense of responsibility.”



DEFENDING SENATOR SOTTO. Ipinagtanggol naman ni Vic ang kapatid na si Senator Sotto tungkol sa pagdadagdag daw nito ng libel clause sa Cybercrime Prevention Law.

“That’s not even true,” sabi ni Vic.

“You should have listened to his privilege speech.

“Pinag-usapan yung bill na ‘yan two years ago.

“This thing about libel, tinanong lang niya, ‘May libel ba diyan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, sa mainstream media may libel, dito wala. Bakit ganun?

“Sabi ni Angara, ‘Meron na diyan.’

“Pinalabas na lang ng kung sinu-sino na in-insert dahil nga nasa-cyberbully siya.

“This thing about libel, noong January pa.

“Yung nangyari sa RH Bill, August or September.

“So, gawa-gawa na lang ng iba yun.”

CLICK HERE to read the pros and cons of Cybercrime Prevention Act of 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN