NEWBIE: Andres Alizon describes Apoy Sa Dagat lead stars Piolo Pascual and Angelica Panganiban

IMAGE File Photo

Bagamat desidido siya na makilala sa larangan ng showbiz, hindi pa raw handa si Alizon Andres na sumabak sa anumang sexy role kahit pa magnda ng katawan nito. Aniya, "Siguro in the near future, kung wala talaga... Pero sa ngayon, hindi muna.”


Masuwerte ang male star na si Andres Alizon dahil may shows siya sa TV5 at ABS-CBN.

Nasa Jeepney Jackpot ng Kapatid network si Andres, at mapapanood na rin siya this February sa Apoy Sa Dagat ng Kapamilya network.

“Nag-start mag-air yung Jeepney Jackpot noong January 7. Ang host po si Mr. Fu, Valeen Montenegro, at si Saida [Diola na dating EB Babe] 'tsaka ako po. Bale apat kami.

“Actually ang pinaka-main host po si Mr Fu and Valeen. Ako po ang nagda-drive ng jeep, at the same time, naghu-host,” umpisang kuwento ni Andres nang nakausap recently ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bago ito ay napanood si Andres sa Biggest Game Show sa TV5 rin.

“Ang nanalo is Vietnam, second po ang Philippines,” sinabi pa ni Andres na Alizon Andres ang dating screen name pero nagdesisyong baligtarin para maging mas manly at bumagay sa kanyang hunk image.


AS KAPAMILYA... “Nag-semi regular po ako sa Mutya and then nag-regular po ako sa Precious Hearts Romance Presents Hiyas nina Zanjoe [Marudo] and Megan [Young] 'tapos ito pong Apoy Sa Dagat. Sabi nila, introducing daw po yung role ko dito kasi magkakaibigan po kami nina Angelica Panganiban at ni Piolo Pascual.

“Ako dito si Tomas, kaibigan ako ni Piolo as Ruben, magkababata kami 'tapos si Serena, si Angelica.

“Bale dalawa si Angelica dito, isang matapang, isang mangingisda.”

Nakasama na ni Andres dati si Piolo…

“One time doon sa Lovers In Paris, nag-guest po ako doon.”

Kumusta katrabaho si Piolo?

“Grabe, tilian yung mga tao lagi kapag nasa set! Sa shoot naman, mabait siya, madaling kausap, masiyahin.”

Nagbibigay ba ng acting tips at advice si Piolo sa kanya?

“Wala, tahimik siya, e. Hindi mo siya masyadong makakausap. Pag kinausap mo, kakausapin ka rin niya, ganun...”

Walang suggestions si Piolo sa mga eksena na magkasama sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, e. Bahala ka na, basta ganun.”

Inamin naman ni Andres na nahihiya siya kapag si Angelica ang kaharap.

“First time ko, e. Medyo nakakailang pero okay siya, mabait siya talaga, pero parang mahiyain din siya. Pag nag-hi ka, isang bati lang, hi-hello lang, ganun.

“'Tapos ayun, medyo nahihirapan ako kasi minsan may eksena kami na talagang magkaibigan kami, na talagang close friends e medyo naiilang ako, parang ganun.

“Ang ka-tent ko is kasi pag dagat Ms. Perla Bautista, si Rico Barrera, at si Zeppi Borromeo.”

Bagamat maganda ang katawan nito, wala raw siyang mga eksenang hubad sa Apoy Sa Dagat.

“Actually nung una meron, pero tinanggal.”

Bakit?

“Hindi ko lang alam. Pero mas gusto nila yung may damit na mangingisda. Dapat kukuhanan pero hindi itinuloy.

“Walang hubad-hubad dun sa amin e hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil mangingisda, ewan ko.”

Si Piolo raw ang may mga eksenang nakahubad.

“Meron siyang mga eksenang nakahubad talaga, si Piolo."

Sa mga eksenang nakahubad si Piolo, si Andres ay nakadamit?

“Opo.”


TATTOOS. Speaking of katawan, maraming tattoo ang binata.

“Ano po 'yan, Tagalog prayer ng Iglesia."

Hindi bawal iyon?

“Depende sa iyo kasi, I take it as parang character, sarili mo yun, ang tattoo talaga is an art.

Dagdag pa niya, “Meron, apelyido ko, Andres. Anim yung tattoo ko. Mga nakatago yung iba.”

Ano ang pinaka-nakatagong tattoo niya?

“Yung sa bandang brief line, sa bikini area.

“Sa wrist, love. 'Tapos sa likod, nung nasa States ako lahat kaming magpipinsan na lalaki, nagpa-tattooo nito kasi proud to be Pinoy. Pang-lima ko sa paa, Filipino tribal na ang meaning ay isang mandirigma, symbol ng warrior.

“Yung pang-anim, nandito sa brief line, alibata, ibig sabihin, matapang.”

Biniro ng writer na ito si Andres: Matapang rin ang “nakatago” sa kanyang briefs mismo?

“Yes, matapang 'yan,” ang tumatawang sagot ni Andres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SINGLE. Single si Andres, wala siyang girlfriend ngayon.

Ilang taon na siya sa showbiz?

“Actually sa modeling is like mga four, five years. Sa showbiz, ka-batch ko kasi si Enrique Gil na ni-launch so siguro magti- three years.

“Sa Mercator, since pumasok ako ng modeling. Unang-unang labas ko sa lahat-lahat is Mr. Pogi 2005. Third runner-up ako.

“'Tapos nawala ako sa Eat Bulaga! nun kasi nag-aaral pa ako nun and then napunta ako sa modeling. Nag-commercials ako, sumali naman ako ng Century Tuna [Superbods]. People’s Choice awardee po ako doon. Si Ram Sagad ang winner. Kasabay din namin si JC Tiuseco."

Sa isang patimpalak ng isang clothing brand, naging "grand winner" daw siya..

“'Tapos after nun, nasa office lang ako, tinanong ako kung gusto kong mag-try sa Star Magic. Nagpunta ako ng Star Magic, after nun pinatawag na ako nang pinatawag ni Mr. M, sabi niya kung puwede daw ako, so iyon.

“Nag-start na ako sa showbiz sa Star Magic.”

More or less three years sa Star Magic si Andres na ngayon ay talent ng Mercator Artist & Model Management.

INDECENT PROPOSAL? Dahil sa nature ng trabaho ni Andres, nakatanggap na raw ito ng indecent proposal mula sa isang mayamang bading.

Nagsimula raw ito sa pagyaya sa kanya sa mga friendly dates, pagkain sa labas, pag-attend ng mga parties, at bilang kaibigan ay sumasama naman siya.

Hanggang sa alukin na siya ng naturang gay businessman ng “two hundred thousand monthly 'tsaka isang kotse!”

Ang kundisyon: “Dyowa talaga!"

Ang kuwento pa ni Andres, “Personal talaga na sinabi niya sa akin. Kilala ko siya, businessman e kaya ganun.”

Tinanggihan niya ang alok.

“Sabi ko na, ‘Talaga? Ganun?’ Hindi ko nasagot actually. Nagulat talaga ako, nautal ako."

Inamin ni Andres na "nakaka-tempt" ang naturang offer…

Pero, "Binigyan naman ako ng magulang ko ng sasakyan at may allowance naman ako. Nakakapagtrabaho naman ako, okay na sa akin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ever since naman, hindi naman ako lumaking materialistic. Kung ano yung meron ako e okay na sa akin.”

Bilang baguhang aktor, ano ang mga goals niya sa career?

“Actually ngayon, wala na akong pakialam kung saan ako mapadpad. Kung ano yung meron, napag-isip-isip ko, kung ano yung maibigay sa akin."

Pero hindi pa raw siya handa sa super-sexy roles.

“Naku hindi na muna siguro. E, yung ganun e ano na yun... mga pang sobrang mature na yun. Siguro in the near future, kung wala talaga...

Pero sa ngayon, hindi muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN