LJ Reyes describes gift to Paulo Avelino: "Basta simple lang, magagamit niya every day."

IMAGE Noel Orsal

LJ's wish for 2013: "Gusto ko lang, habang blessed ako, gusto kong maging mas blessing pa sa ibang tao at saka yung maging mas mabait pa ako, iyon.”


Sobra-sobra ang pasasalamat ni LJ Reyes dahil sa dami ng blessings na natanggap niya sa kanyang showbiz career ngayong 2012.

“Madami e, sobrang dami. Siguro the whole experience na madami akong natutunan this year.

"Actually, yung challenge nung iba-ibang klaseng projects na naibigay sa akin—kasi naging aswang ako, naging kontrabida, tapos ngayon, sa Aso Ni San Roque, manananggal naman.

“Gumawa pa ako ng indie movie, yung Intoy Siyokoy, so ang dami!

"Variety talaga siya this year so yung challenge na naibigay sa akin, sobra-sobrang thankful ako dun. Dahil alam ko, dahil dun, slowly nai-improve ko yung sarili ko,” ang panimula ni LJ Reyes nang tanungin namin kung ano ang pinakamagandang nangyari sa kanya ngayong 2012.

Nakausap si LJ ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, Disyembre 20, sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City.

Mayroon bang mga hindi kagandahang nangyari sa kanya this year?

“Parang wala naman.”

Intriga?

“May tsismis ba sa akin? Wala naman. Wala. Kaya nga sobrang thankful ako, di ba?”

Ngayong Christmas, sa bahay lang daw sina LJ at Paulo Avelino, kasama ang anak nilang si Ethan Akio or Aki.

“Bisperas, dinner dun sa bahay, tapos midnight, baka pumunta kami sa mga kapatid ko.”

Ano ang regalo nila ni Paulo sa isa’t-isa ngayong Pasko?

“Secret! Simple lang. Hindi ko pa naibibigay sa kanya. Kaya huwag na. Tingnan mo, hindi ko pa nga naibibigay, e. Ano, basta simple lang, magagamit niya every day."

Si Paulo raw ay nakapagbigay na sa kanya ng regalo para sa Pasko.

“Advance magbigay ng regalo yun, e. Binigay na niya last week.

“Simple lang din, magagamit din every day. Pareho naming gusto yung mga regalo namin for each other.”


NEW YEAR'S WISH. LJ’s New Year’s resolution?

“Hindi siya… I believe na hindi naman siguro dapat resolution kasi gusto ko lang, habang blessed ako, gusto kong maging mas blessing pa sa ibang tao at saka yung maging mas mabait pa ako, iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ugali ba siyang gusto niyang baguhin?

“Wala naman. Okay na ako na ganito. Siguro ipagdadasal ko lang talaga na maging healthy lang talaga ako, para mas may energy mag-work, ganun.”

Sa StarStruck, si Ryza Cenon ang Ultimate Female Survivor at runner-up nito si LJ. Pero si LJ ang mas maganda ang career this year.

“Lagi ko namang sinasabi, kanya-kanyang oras lang naman 'yan. Hindi rin naman natin masasabi, malay natin next year naman, si Ryza naman.

“Pero at the same time, siyempre, hindi ko naman pababayaan na mawalan din ako ng work. Pero siya, I know na dadating din yung time na iyon, ganun din ang ma-e-experience niya."

Sa ngayon ay regular na napapanood si LJ sa Aso Ni San Roque ng GMA-7.

May naka-line up na bang kasunod?

“May nasabi na sa akin pero hindi ko alam kung puwede na i-announce.”

Movies?

“Wala pang naka-line-up.”

May sequel ba ang Tiktik: The Aswang Chronicles?

“Sana. Gusto rin naman nila pero I don’t think mangyayari yun next year, if ever.”


BACK TO SCHOOL. Buo pa rin ang desisyon ni LJ na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“Nag-LOA [leave of absence] ako itong term, itong second term ng La Salle, kasi yung taping namin sa Aso Ni San Roque ay grabe!”

Plano niyang mag-enroll sa January.

“Tinatanong ko pa sila kung puwede akong pumasok kasi yung schedule nung next show, inaalam ko pa.”

Economics ang kurso ni LJ at nasa fourth year college na siya. Ilang units pa?

“Konti na lang, immortal na nga ako sa La Salle,” sabay tawa niya.

Graduate na siya after one semester?

“Hindi naman, may electives pa ako and yung isang course ng thesis.”


HER OTHER "FAMILY." Masaya si LJ sa ilalim ng talent management ni Perry P. Lansigan. Kahit pa marami sila, wala raw inggitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, wala! Alam mo, super masaya sa PPL, parang family talaga, as in family.

"Pag, kunwari, meron kang problema, lalo na sina Gabby [Eigenmann] ayun, para talagang kuya, tatakbuhan mo, ‘Kuya Gabs!!!’”

Kahit sa pinakabago sa PPL na si Max Collins ay hindi siya insecure.

“Hindi. Kami, proud kami sa isa’t-isa kapag yung isa nabibigyan ng magagandang projects.

"Proud kami, walang selosan, we support each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN