Paulo Avelino returns to Cinemalaya; focuses on establishing career as actor

IMAGE Noel Orsal

Ngayong isa nang award-winning actor si Paulo Avelino, namimili na ba siya ng proyekto? Sagot ng Kapamilya actor, “Actually, hindi naman sa namimili. Kung naniniwala ka sa proyekto, sa mga kasama mo, lalung-lalo na sa director at sa production na hahawak nito, story, kumbaga, hindi mo na kailangang piliin. Kahit maliit pa ang role mo, basta makakatulong ako sa paggawa ng pelikula, e, masaya na ako.”


Ibinalita ni Paulo Avelino sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magbabalik siya sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.

Matatandaang naging critically-acclaimed ang pinagbidahang indie film ni Paulo, Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, na naging kalahok sa Cinemalaya 2011.

“Well, balik-Cinemalaya na naman ako,” sabi ng Kapamilya actor sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin last January 16.

Nagwaging Best Actor si Paulo sa Urian Awards para sa pagganap niya sa naturang pelikula. Pang-award na naman kaya ang acting niya sa bagong niyang Cinemalaya entry?

Sabi ng aktor, “Hindi naman sa ganun.

“Kumbaga, para sa akin kasi, e, napakaganda ng pelikula. Ayokong sayangin ang pagkakataon na hindi ko siya magagawa.

“Basta, gustung-gusto ko yung project.

“Di pa ako sure kung papalitan nila ang title. Pero sa pagkakaalam ko, ang title niya sa ngayon, e, Dibosyon.

“Makakasama ko sina Mara Lopez… pero yung ibang cast, di ko pa masyadong alam.

“Basta maganda ang script. Nang ipakita nila sa akin, e, maganda ang role ko.”

Ang direktor ng Dibosyon ay si Alvin Yapan, na direktor din ni Paulo sa Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa.

Ayaw namang isipin ni Paulo na naging paborito siyang kunin ni Direk Alvin.

Sabi niya, “Hindi naman ako ang favorite ni Direk. Sa totoo lang, ako ang nagpupumilit sa kanya na kunin niya ako ulit.

“Kasi, naging maganda ang samahan namin nun sa Sayaw… na talagang isang pelikulang nagawa ko na hinding hindi ko makakalimutan.”

AWARD-WINNING ACTOR. Isa na ring masasabing award-winning actor si Paulo. Ngayon ba ay kailangan na rin niyang mamili ng proyektong gagawin?

Sagot niya, “Actually, hindi naman sa namimili.

“Kung naniniwala ka sa proyekto, sa mga kasama mo, lalung-lalo na sa director at sa production na hahawak nito, story, kumbaga, hindi mo na kailangang piliin.

“Kahit maliit pa ang role mo, basta makakatulong ako sa paggawa ng pelikula, e, masaya na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELINE QUINTO. Si Angeline Quinto ang kapareha ni Paulo sa bagong romantic-comedy series ng ABS-CBN na Kahit Konting Pagtingin. Inaasahan na raw ni Paulo na ma-link sila sa isa’t isa.

“Well, malapit na akong ma-link, malapit na talaga… abangan ninyo!” natatawang sabi niya.

“Anong malay mo, kami naman ni Angeline ang pag-usapan, di ba?

“Basta malapit na yun, magmasid lang kayo.”

Pagkatapos daw ng ilang episodes ng Kahit Konting Pagtingin ay maaaring pag-uusapan nang husto ang tambalang “Angeline at Paulo.”

PAULO'S LOVELIFE. Ayon kay Paulo, ngayon ay pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang trabaho at ito raw marahil ang dahilan kung bakit wala tayong nababalitaan tungkol sa kanyang lovelife.

“Ako kasi, e, focused muna sa trabaho dahil kailangan talaga, ayoko munang pagbigyan ng ibang oras ang mga ganyang bagay.

“Mahal ko muna ang trabaho ko ngayon and, anyway, darating din naman tayo sa bagay na ‘yan,” sabi niya.

Isa si Paulo sa talagang pinupuri dahil sa dedikasyon niya sa trabaho niya.

Paliwanag niya, “Ito kasi talaga ang gusto kong gawin sa buhay—ang umarte sa telebisyon, sa pelikula, at bigyan nang husto ng oras ang pagiging artista.

“Kumbaga, pinasok ko ang trabahong ito dahil gusto kong ipakita sa kanilang lahat na mahal ko ang trabahong ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN