The other sides of Solenn Heussaff

IMAGE Noel Orsal


Solenn on where she puts her earnings: “Ako, everything I earned, I save or I invest. I’m not the type who buys mga [luxury items]... I don’t spend on too expensive clothes, expensive shoes."


Hindi na nakapagtataka kung lalong tumaas ang expectations ng publiko ngayon kay Solenn Heussaff, dahil siya ang kinilala ng Esquire Philippines magazine bilang “sexiest woman alive.”

(CLICK HERE to view related video)

Bagamat madalas namang nakikitang maganda, nakaayos, sexy, at ma-appeal ang French-Filipina beauty, hindi maiwasang matanong ang 27-year-old model-actress kung mahirap ba para sa kanya na i-maintain ang kanyang imahe?

Ano nga ba ang kanyang regimen para mapanatili ang mga ganitong katangian?

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa pocket presscon ng Greenwich noong Enero 21, at ito ang kanyang naging sagot:

“Hindi… parang boy ako noong nag-start ako sa showbiz.

“I started using cream lang kasi kailangan mag-makeup every day.

“Gusto ko rin naman, I like the feeling din naman [sa salon].

“Pero pag may time ako, I want to spend my time with my family.

“Pag every day, I just want to be comfortable.

“I don’t want to be someone I am not, I don’t wanna show off.”

Isa nga raw homebody itong si Solenn, at madalas, kung walang trabaho, ay nasa bahay lamang ito at nagpipinta.

FROM CANVASS TO FACE. Bukod sa pag-aartista, pagmo-modelo, at pag-awit, marami pang ibang artistic talents si Solenn Heussaff.

Isa na nga rito ang pagme-makeup na nakuha rin niya sa kahiligan niyang mag-painting.

Sa Paris, France lumaki at nag-aral si Solenn. At isa nga sa mga kursong kinuha niya roon ay ang one-year course on professional makeup.

Marami nang naging celebrity clients ang Seduction star dito sa Pilipinas, gaya nina Ruffa Gutierrez, Heart Evangelista, at co-star niya sa pelikula na si Richard Gutierrez.

Marunong din umano si Solenn sa body painting at paglalagay ng prosthetics.

Maging sa kanyang sarili, sa tuwing may dadaluhan siyang event, siya mismo ang nagme-makeup.

Nagpapa-makeup lamang umano siya sa iba tuwing may commercial shoot siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FASHION DESIGN. Maliban sa pagiging makeup artist ay isa rin palang fashion designer si Solenn.

Tatlong taon siyang nag-aral ng fashion design sa Studio Berçot Fashion School sa Paris.

Lingid sa kaalaman ng marami, isa siya sa mga designers ng Lulu Tan-Gan fashion label.

Tatlong taon na umanong nagtatrabaho si Solenn doon.

IT GIRL. Ang kanyang pagkahilig sa fashion ang siyang naging daan para mapasok sa pagmo-modelo si Solenn.

Mula sa ramp at print, pinasok din niya ang paggawa ng TV commercials, kabilang ang isang soft drink ad kung saan naging crush siya ng maraming kalalakihan.

Sa ngayon, isa si Solenn sa mga tinatawag na “It Girls” sa industriya ng fashion at advertising.

Kasama dito ang mga kaibigan niyang sina Isabelle Daza at Georgina Wilson.

Tinawag silang It girls dahil sa malakas na appeal nila sa publiko.

Anu-ano ba ang espesyal na katangian ng bawat isa sa kanila at paano sila nag-jibe bilang magkakaibigan?

“Si Georgina, parang joker siya. Ako rin joker. We get along really well.

“Si Isabelle, para siya iyong nanay ng grupo… always wanting to organize everything well.

“Ayaw siya ng last minute. Pero never siya on time, by the way,” paglalarawan niya sa mga kaibigan.

Isa pang katangian nilang tatlo ay pare-pareho silang multi-talented.

Si Georgina, bukod sa pagiging modelo, ay nagho-host din ng mga corporate events at ilang lifestyle shows, gaya ng The Source na mapapanood sa Star World Philippines.

Si Isabelle naman, na isang ring modelo, ay nagho-host sa Eat Bulaga at umaarte din minsan sa Bubble Gang.

SAVINGS. Sa dami ng pinagkakaabalahang trabaho ni Solenn, may naipon na ba siya?

“Ako, everything I earned, I save or I invest.

“I’m not the type who buys mga [luxury items].

“Dalawa ang bag ko, and it’s given by my dad.

“I don’t spend on too expensive clothes, expensive shoes. Parang boy talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag meron naman, siyempre, happy ako.

“I love clothes, I love shoes, pero I don’t spend.

“Kung kailangan kong gumastos… sa travel, mas gusto ko travel.

“I will spend a lot traveling, pero clothes, shoes… hindi.

“I only have two designer shoes. Maybe, I have like four designer bags— Louis Vuitton, Givenchy— iyon lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN