Judy Ann Santos defies gravity to stay sexy

IMAGE Noel Orsal


After losing weight from doing a variety of diets and exercises, Judy Ann Santos now stays fit with a new exercise called Anti-gravity Yoga, which is performed with a suspended cloth called the Anti-gravity Hammock.


Kahit sobrang busy sa taping ng kanyang TV show at upcoming teleseryeng Against All Odds, hindi pa rin daw isinasantabi ni Judy Ann Santos ang pag-eehersisyo.

Bukod sa tamang diet, isa rin daw sa pinagkakabalahan niya ngayon ang yoga.

Kuwento ni Juday sa TV Patrol noong February 3, “Anti-gravity Yoga, sobra ko siyang ini-enjoy.

"Kasi kapag may mga anak ka na at malilikot at tumatakbo, kailangan mo talagang maging malakas ang arms mo.”

Ayon sa website na antigravityyoga.com, ito ay isang uri ng fitness regimen na naglalayong, “to increase one's overall health and physical agility while having fun and creating beauty.”

Ang ehersisyong ito, na nilikha ng American choreographer Christopher Harrison noong 1990's, ay isang acrobatic performance na ginagamitan ng equipment na tinatawag na Anti-gravity Hammock.

Dito naglalambitin ang tao habang ginagawa ang yoga poses at moves na halaw sa pinaghalu-halong sayaw, Pilates, at calisthenics.

Kabilang sa mga benipisyo ng exercise na ito, ayon pa rin sa nasabing website, ay: “decompress tight joints, relieving pressure while aligning the vertebrae, perform advanced yoga inversions without neck or back compression, hold challenging yoga postures longer and in correct alignment, stretch further with less strain, add an entirely new dimension to your Yoga practice, and create better body awareness while increasing overall agility."

Bukod kay Juday, ilan pang kilalang celebrities ang gumagawa nito, gaya nina Anne Curtis, Iya Villania, at Bubbles Paraiso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN