John Prats organizes his first golf cup tournament

IMAGE Noel Orsal


John Prats organizes his first golf cup tournament, as a way of celebrating his 20th year in showbiz, and as a fund raising activity for Holy Trinity Parish and Kanlungan ni Maria home for the aged. Some celebrities who committed to this event are Zanjoe Marudo, Bea Alonzo, Jason Gainza, and his Banana Split co-stars.


Isang golf cup ang inorganisa ni John Prats, ang John Prats Golf Tournament.

Ito ang kauna-unahang golf cup na isasagawa ng Kapamilya actor, bilang selebrasyon ng kanyang 20th year sa showbiz at isang fund raising activity na rin para sa isang simbahan at home for the aged.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John noong Pebrero 15, sa Dayrit’s restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Nabanggit niya sa amin na si Zanjoe Marudo ang naghikayat sa kanya na maglaro ng golf.

“Ah, three years ago, I started [playing golf] three years ago.

“Zanjoe actually introduced me sa sports. I wasn’t interested noon kasi I was more on basketball, active sports.

“Ayaw ko i-try ang golf noon kasi parang boring, pang matanda talaga siya, e.

“But when I tried, na-adik talaga kami ni Jason [Gainza], same batch kami ni Jason and from then almost every day or once a week we play golf talaga.”

Nagsilbing magandang bonding din daw kasi ito para sa kanila, lalo na at maraming oras magkuwentuhan.

Paliwanag ni John, “Kasi hindi siya katulad sa basketball na competitive ka talaga, talagang may kalaban ka.

“Ito kasi kalaban mo ‘yong sarili mo, e, ‘yong pasensya mo, ‘pag mali ‘yong tira mo wala ka naman ibang sisisihin kundi ‘yong sarili mo, e, di ba.

“So you’re against yourself.

“‘Tas ang saya lang kasi more time to bond with your friends, ‘yong tawanan, ‘yong kulitan ninyo.”

THE BENEFICIARIES. Samantala, dalawa ang beneficiaries ni John para sa golf cup na ito.

Una na diyan ang Holy Trinity Parish sa Cainta, Rizal.

Taong 2000 pa raw nang simulan ng Kapamilya actor ang pagsuporta sa rehabilitasyon ng simbahan, na dati kung titignan ay parang chapel lang.

“Ever since na nado’n kami sa village na ‘yon, ‘yong church na ‘yon…hindi ko nga matawag na church, e,” napapailing na pag-alala ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi para siyang chapel talaga, sobrang liit lang talaga. At kapag ‘yong pari nando’n, ‘yong mga tao nasa labas, may speakers na lang sa labas na nakikinig ka na lang, so hindi mo mapi-feel na nagsisimba ka sa village.

“So, ang ginawa namin every fiesta namin, ginawa ko parang panata ko dati na nag-o-organize ako ng celebrity basketball.

“Ini-invite ko sila mag-basketball, si Gerald Anderson nag-participate, si Jay-R ng GMA. Tapos ‘yong ticket like one hundred per head, ‘yon lang ‘yong puwede pumasok sa loob ng gym namin para makapanood sila ng artistang nagba-basketball.

“‘Tas lahat ng kinita no’n, ‘yong proceeds pupunta sa church.”

Ang ikalawa namang beneficiary ay ang Kanlungan ni Maria, isang home for the aged sa Antipolo, Rizal.

Nalaman daw ni John ang tungkol sa naturang home for the aged sa tulong ng kanyang lola.

Aniya, “‘Yong Kanlungan naman, I met them last year lang no’ng Christmas, ‘yon ‘yong tinutulungan ng lola ko, ‘yong in-invite ng lola ko sa bahay for noche buena.

“Nakilala ko sila, sabi ko, ‘oo nga ‘no? Why not help them?’ Dapat kasi isa lang, e, parish church lang. So in-ano na lang namin ‘yong Kanlungan para dalawa ‘yong makinabang sa charity event na mangyayari.

“And may weak spot talaga ako para sa oldies, kasi I grew up with my lola. ‘Yong mom and dad ko no’ng mag-asawa sila dati, hindi naman talaga nila… hindi sila ready, so they had to go to Hong Kong to work. Then my mom and I, doon na kami sa lola ko na may restaurant.

“So doon na kami lumaki sa lola ko, katabi ko matulog. So kapag nakikita mo sila…like kapag may kumakatok sa akin na bata humihingi ng pera hindi ko sila binibgyan, sinasabi ko, ‘Bata pa kayo,’ like hindi pa huli ang lahat na puwede pa nila ayusin ang buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag matanda kasi parang… kahit ano pang gusto nilang gawin, physically they’re not capable na parang gumawa ng [trabaho].

“So, kaya ako may soft spot sa kanila, ‘tsaka nakita ko rin ‘yong area nila is not that big. So, parang part pa lang ‘tong tulong, why not help them.”

THE GUESTS. Aminado si John na hindi madaling i-organisa ang golf cup na ito, lalo na at kakaunti lamang ang kakilala nilang golfers.

Buti na lamang daw marami sa kanyang Banana Split family ay marunong mag-golf tulad na lamang nina Zanjoe at Jason, at nangako rin daw ng suporta ang ibang kasamahan niya sa show.

Mayroon din siyang inimbita mula sa kabilang network, tulad nina Ogie Alcasid at Jay-R.

Pero bukas naman daw sa publiko ang naturang event, kaya maaaring makilahok ang kahit sinong golfers.

Kung sakaling maging matagumpay ang 1st John Prats Golf Cup Tournament, “I’ll do it annually.

“Pero kapag hindi, I’ll find a different way to get funds para makatulong.”

Magaganap ang 1st John Prats Golf Cup Tournament sa Pebrero 22, sa Eastridge Golf and Country Club sa Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN