John Prats opens up about his previous relationships

IMAGE Noel Orsal


Ang dalawang bagay na natutunan ni John Prats sa pagkakaroon ng relasyon— “Dapat pala ang hawak mo sa buhangin hindi mahigpit, hindi maluwag. Kasi kapag mahigpit, lalabas ‘yan, e, makakawala pa rin ‘yan. Pag sobrang [luwag] naman, babagsak ‘yan. So dapat saktong-sakto lang para hindi mawala. So ‘yon ang natutunan ko, and you just have to learn how to trust.”


Aminado si John Prats na isang “open book” ang kanyang lovelife.

Tanggap na niya ito, lalo na't artista siya. “Owned ka na ng public,” sabi niya nga.

Gayunman, minsan ay iniiwasan na magsalita ni John sa tuwing nagtatapos ang kanyang relasyon, lalo na kung galing ito sa showbiz.

Dahilan niya, “Kung wala akong magandang sasabihin, better not talk na lang.”

Pero sa pagkakataong ito, pinagbigyan ni John ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press na magbahagi siya ng ilang natutunan niya mula sa kanyang “failed relationships.”

Nakausap siya ng PEP noong Pebrero 19, sa Dayrit’s restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

HEART EVANGELISTA. Una nang naibahagi sa amin ni John ang naging relasyon nila ng Kapuso actress Heart Evangelista.

Inilarawan niya nga ang kanilang relasyon na “baby love,” o mas kilala sa tawag na puppy love.

“We were really young and the reason why we broke up… sobrang if you think about it now sobrang babaw,” nangingiting pag-alaala ng Kapamilya actor.

“We really love each other, parang we were at the stage na I was young and masyado akong nasakal. I was like… space!

“Siympre bata pa ‘ko, I’m just enjoying my life.

“Eighteen lang ako, so feeling ko naman I have… marami pang mangyayari sa akin, that’s why it didn’t work out, and gano’n talaga, e.”

Isang taon din daw ang tinagal ng kanilang relasyon, bagamat limang taon na silang magka-loveteam.

Ang kanilang pagkakaibigan na nabuo ng mga panahong iyon ang dahilan kung bakit “when we talk about it natatawa na lang kami.”

Ilang personalidad na rin ang naging nobyo ni Heart matapos si John, tulad na lamang nina Jericho Rosales, Daniel Matsunaga, at ngayo’y ang politikong si Chiz Escudero.

Matapos ang relasyon nila ni Heart ay nagkaroon ng non-showbiz girlfriend si John, ngunit hindi rin ito nagtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng aktor, “They don’t understand your work.

“Bukod sa bata pa rin ako no’ng time na ‘yon, it’s like I can’t do kissing scenes or [she] can’t understand my work, so may conflict.

“Dumadating sa point na baka nga hindi nagwo-work kasi hindi kayo nagkakaintindihan, hindi niya maintindihan trabaho mo, papasok ka sa trabaho mo na bawal, na parang lagi kayong magka-away, mahirap din.”

SHAINA MAGDAYAO. Sumunod na napag-usapan ang two-year relationship ni John at Kapamilya actress na si Shaina Magdayao.

Matatandaan na taong 2010 nang matapos ang kanilang relasyon.

Hindi direktang sinabi ni Shaina ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noong nakapanayam siya ng The Buzz.

Wika ng aktres, “Tito, sana respetuhin na lang... It is not something na puwede kong ipangalandakan or puwede kong sabihin na I'm very proud of.

“So, parang huwag na lang po sanang pag-usapan. Pero kung anuman po yun, more than yung atraso namin sa isa't isa, siguro nagkulang kami sa isa't isa. Kung anuman ho yun...”

Nang tanungin kung ano ba ang naging pagkukulang niya, “Siguro po yung commitment,” ang naging tugon ni Shaina.

Dagdag pa niya, “Kasi nga po, siyempre maraming tao ang nagmamahal sa akin and sinasabi nila na ngayon pa lang nagsisimula ang buhay ko.

“So, I have to also love myself.

“And yun nga po, kagaya ng ginagawa ko ngayon, trabaho na nga lang po muna.”

(CLICK HERE for related article)

Kung si John naman ang tatanungin, tingin niya’y, “Maybe hindi talaga kami timed for each other.”

Pagpapatuloy niya, “Si Shaina naman kasi, we were together bata pa siya, she was 18 din.

“I was in the age na parang, I’m okay. She’s about to enjoy her life, and I was in the stage na… ako naman ‘yong parang ano, okay na ‘ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siguro masyado ko siyang nasakal para mag-enjoy, at inintindi ko naman ‘yon kasi bata pa siya, e, marami pang puwede mangyari sa kanya.”

Nang magtapos ang relasyon nina Shaina at John ay muli silang nagkaroon ng bagong relasyon.

Si Shaina ay naging nobya ni John Lloyd Cruz, ngunit noong nakaraang taon ay nagtapos na.

Habang si John naman ay naging nobyo ng mang-aawit na si Rachelle Ann Go.

RACHELLE ANN GO. Hindi naman kaila sa marami na tila hindi naging maganda ang paghihiwalay nina John at Rachelle Ann.

Noong 2011, matatandaan na sa June 12 episode ng The Buzz ay nasabi ng host na si Toni Gonzaga na, “Kumapit kayo! Kumapit kayo! Eto na talaga ang nangyari.

“I-clear lang natin. Bianca is not the third party and not the reason kung bakit alam kong naghiwalay na.

“Ito ang pagkakaalam ko po—hiwalay na po talaga for the longest time sina Rachelle Ann Go at John Prats.”

(CLICK HERE for related article)

Nang mai-ere ang pahayag na iyon ni Toni ay tila naguluhan ang ilan.

Ayon kasi sa panayam ng PEP noon kay Rachelle, noong ma-i-ere ang episode na iyon ng talk show ay hindi pa sila hiwalay ni John.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ani Rachelle, “Basta ako, sobrang thankful ako, andiyan yung pamilya ko, saka yung mga kaibigan ko.

“Yun naman talaga, e, hindi nila ako talaga, kumbaga, iniwan, di ba?

“So, sobrang yun, yung tinitingnan ko ngayon, yun yung pinapahalagahan ko.

“Ako, ano na lang, may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ito.

“Yun na lang yung iniisip ko talaga, bahala na lang kung anong mangyayari.”

(CLICK HERE for related article)

Kung si John naman ang magsasabi kung anong naging problema sa relasyon nila ni Rachelle, “‘Yon talaga ugali-wise, hindi kami swak, hindi kami compatible.”

Paanong hindi compatible?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At first… parang pag first naman kayo you usually do something about it,” sagot ni John.

“But eventually lumalabas naman talaga…

“May mga hindi talaga kami pinagkakasunduan like mga small things na mood swings and stuff na ang hirap din talaga na… basta iba rin talaga ‘yon.”

BIANCA MANALO. Ang dating beauty queen na si Bianca Manalo ang itinuturong dahilan noon ng hiwalayan nina Rachelle at John.

Magkasama sina John at Bianca sa defunct noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey! (2011).

Gayunman, itinanggi ito ni Bianca at sinabi sa panayam ng PEP sa kanya na, “Nirerespeto ko po kung anong relasyon meron sila.

“Kung may pinagdaanan po silang dalawa, labas na po ako dun, wala po akong kinalaman talaga.

“Ako po, bilang babae, ayaw ko po sanang mailagay sa ganyang klaseng isyu—na may third party.

“Kahit naman siguro sino, ayaw yung hihiwalayan ka para sa isa pa. Ang pangit naman po nun.

“Kahit ako naman yung nasa lugar ni Rachelle, e, sino ba naman ang may gusto nun?

“So, sana po, i-out niyo na ako dun.

“Kasi po, wala po talaga akong kinalaman doon.”

(CLICK HERE for related article)

Makalipas ang tatlong buwan, inamin na sa publiko ni John na nililigawan niya si Bianca.

Ngunit Mayo 2012, nagulat na lamang ang marami na hiwalay na ang dalawa.

Si Bianca ang nagkumpirma na tinapos na nila ang pitong buwang relasyon nila, na si John ang nakipaghiwalay sa kanya.

(CLICK HERE for related article)

Hindi naging malinaw ang dahilan ng hiwalayan nila, ngunit ngayong nakausap ng PEP si John, sinabi niyang, “It was the toughest,” pagtukoy niya sa relasyon nila ni Bianca.

Pagpapatuloy niya, “We’re really fresh but it was hard.

“Dumating sa… lumabas naman na may times may family involved, na my family didn’t like her.

“The last part, basta marami kaming fights na talagang… Siyempre hindi naman perfect, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang talaga kami nag-swak sa mga fights na ‘yon, and better off na lang na bago maging worse ang lahat, end it.”

LEARNING EXPERIENCE. Maganda man o hindi ang naging pagtatapos ng mga relasyon ni John, wala naman daw siyang pinagsisisihan.

Ang tingin niya sa mga iyon ay isang “learning experience” pagdating sa pakikipag-relasyon.

Isa sa pinakaimportanteng natutunan niya’y, “When it comes to relationships, dapat pala ang hawak mo sa buhangin hindi mahigpit, hindi maluwag.

“Kasi kapag mahigpit, lalabas ‘yan, e, makakawala pa rin ‘yan.

“Pag sobrang [luwag] naman, babagsak ‘yan. So dapat daktong-sakto lang para hindi mawala.”

Natutunan niya rin daw kung gaanong kahalaga ang pagtitiwala sa kanyang karelasyon.

Aniya, “Natutunan ko na you just have to learn how to trust.

“‘Yon ang natutunan ko talaga na kahit na pumunta pa ‘yan sa kahit anong lugar na hindi ka kasama, kahit makilala pa niya si Brad Pitt kung talagang mahal ka, hindi ka iiwan.

“So gano’n ako, after that, gano’n na ko ngayon, na parang hindi na ‘ko nambabawal, if you want to do something, go out with your friends.

“Kasi kung lolokohin mo naman ako, so be it. Pero kung nand'yan ka pa rin, thank you. I’m preparing myself, gano’n na ‘ko ngayon.

“It’s more of… hindi naman practical, realistic na ‘ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN