BB Gandanghari admits preparing for sex-change operation; sad that brother Robin Padilla still rejects her as BB

IMAGE Gorgy Rula

BB Gandanghari on brother Robin Padilla: “Nalulungkot lang ako, kasi pag nakarinig ako ng ganun, parang as much as natutuwa ako na nami-miss niya si Rustom, pero it's also a rejection of BB. Masakit sa akin. Masakit lang pag nakakarinig ako ng komento na hindi niya kayang tanggapin si BB dahil nami-miss niya si Rustom. Parang it's a rejection of BB.”


Mahigit isang buwang nagbakasyon si BB Gandanghari sa New York, kung saan doon siya nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Bago siya umalis ay nagpaalam naman daw siya sa kanyang ina na si Eva Cariño-Padilla, pero nalulungkot lang ito dahil hindi pa rin sila nagkausap ng kapatid na si Robin Padilla.

Hanggang sa pagbalik ni BB kahapon, January 7, ay wala pa raw silang komunikasyon ng kanyang kapatid at hindi raw niya alam kung kailan sila magkakaayos.

Sabi ni BB sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We haven't spoken for months already.

“Ang lahat na nababalitaan ko, sa TV ko lang nababalitaan.

“Kung meron din siyang naririnig siguro sa akin, sa TV lang di niya nababalitaan.

“I'm looking forward for the day na magkakaintindihan si Robin at si BB.”

RUSTOM IS NOT YET DEAD. Lalong lumala ang kanilang gap nang nakarating kay BB na nabanggit ni Robin na ayaw raw niyang paglamayan si Rustom Padilla—o hindi pa nito matanggap na wala na si Rustom.

Si Rustom Padilla ang dating katauhan ni BB.

“I've heard. But what can we do?” reaksiyon ni Bebe.

“Nalulungkot lang ako, kasi pag nakarinig ako ng ganun, parang as much as natutuwa ako na nami-miss niya si Rustom, pero it's also a rejection of BB.

“Masakit sa akin.

“Masakit lang pag nakakarinig ako ng komento na hindi niya kayang tanggapin si BB dahil nami-miss niya si Rustom.

“Parang it's a rejection of BB.”

Sa kabila nito, positibo pa rin si BB na magkakaayos silang magkapatid at magsasama pa sila uli sa kanilang family reunions.

Saad niya, “Mula nung hindi pa kami nakapag-usap ni Robin, wala nang nabubuong family reunion. Yun ang malungkot.

“Kung meron man akong hope na magkaayos-ayos, isa yun.

"Kasi nakaka-miss din yung mga family reunions—na hindi na nangyari magmula nung nagkaroon ng mga gap na ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa si BB na isa sa mga araw na ito ay magkikita sila ng kapatid niya at magkaayos na sila.

“Hopefully,” sambit niya.

“Saka yung pakikipag-usap kay Robin, I don't think pinaplano yun, e. It will just come.

“Alam ko naman na pag magkita naman kami siguro, wala namang problema siguro.

“I know there will come a time na magsi-sink in din sa kanya yun… ang mga pangyayari.”

SEX-CHANGE OPERATION. Sa pagbalik ni BB mula sa Amerika, sinagot na rin nito ang matagal nang pinag-uusapang pagpapa-sex change.

“It's a very long process. Siguro, psychologically, nandun pa lang ako sa proseso na iyun,” sabi niya.

Pero inamin ni BB na pinaghahandaan na niya ang pagpapalit ng kasarian.

“More on psychological, e. Sa akin lang muna.

“Pag may kausap ka kasing doctor, ang inaano, yung estado mo psychologically bago kayo mag-move on—and it’s a long process.

“Mahirap kasi yung akala mo nag-decide ka na, and then, ‘Tama ba?’ May ganun, e.

“It's a… parang one step forward, two steps backward, parang ganun e.

“It is very hard, except dun sa mga nakakaintindi na dumaan din sa ganitong sitwasyon,” saad pa ng dating Rustom Padilla.

Pati ang pagpapalit ng pangalan ay inaayos na rin daw niya—mula sa orihinal niyang pangalan na Rustom Padilla sa Binibining Gandanghari.

Pero alam daw niyang matagal pa iyun.

SPECIAL SOMEONE. Masaya ring ibinalita ni BB na may taong espesyal sa kanya at nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang buhay.

Isa itong 38-year-old American-Irish na dating modelo, na matagal na raw niyang nakilala. Pero nitong nakaraang bakasyon lang daw nila napag-usapang sila na.

Kuwento niya, “Ngayong bumalik ako, ngayon lang kami nakapag-usap ng mga personal na bagay.

“Hindi kaso sa kanya yung pagkatao ko. Hindi judgmental.

“Lagi nga niyang sinasabi, ‘You're very unique.’

“Mabait, e, malawak ang pag-iisip, yun naman ang hinahanap ko,” paglalarawan ni BB sa karelasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling inungkat ng PEP kay BB ang mga taga-showbiz na na-link sa kanya noon. Tinanong namin kung sino sa kanila ang hinding-hindi niya makakalimutan.

Mabilis kaming sinagot ng: “Alam mo, kasama na yun sa statement ko na ‘Rustom is dead,’ e.

“When he died, isinama ko na siya dun, ibinaon ko na rin sila dun. Tapos na yun.

“Alam mo, lahat naman may epekto at maganda naman ang naidulot, pero let's all move on."

Posible bang ma-involve siya ulit sa taga-showbiz?

Sagot ni BB, “Ayoko lang ng masyadong kumplikado kasi kumplikado na as it is, tapos may dadagdag pa na isang taong ulit na tinatanong ulit ang mga opinyon sa mga pangyayari.

“Parang masyado na yatang mahirap… but I'm not closing my doors, ha?” napangiti niyang sagot.

STAGE PLAY. Sa pagbabalik ni BB, paghahandaan na nito ang stage play na gagawin niya ang Halik ng Tarantula—Pinoy version ng Kiss of the Spider Woman.

“I'm very excited about this kasi, you know, very provocative yung play. So, I guess major project for BB ito this year. I'm very excited,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN