Papa Jack on Maja-Kim issue over Gerald Anderson: “You’d rather watch your best buddy take care of your best guy, if you’re an optimistic person..."

IMAGE Mike Caliwara


Kamakailan, inilunsad ng Summit Books ang compilation ng mga famous quotes ni Papa Jack sa isang libro na pinamagatang Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack. Mabibili ito sa mga book stores @Php143.


Kilala si Papa Jack na takbuhan ng mga may problema sa pag-ibig, kaya tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang maipapayo sa ilang artista.

Ang “Papa ng Bayan” ay DJ ng mga programang TLC (True Love Confessions) at Wild Confessions sa Love Radio 90.7.

At ang marital problem nina Cesar Montano at Sunshine Cruz ang naging unang topic nang makausap namin siya sa press launch ng kanyang book na Everything I Need To Know About Love I Learned From Papa Jack noong February 17.

“I think, the first thing that they should do is not to listen to any advice,” ang natatawang sabi ni Papa Jack.

“Not even to me, not even to people that talk…

“Lalo na kapag nasa showbiz ka, sometimes, you give chance to people na pakialaman ang relationship.”

Aniya, ke popular o ordinaryong tao ang involved, mas mabuting ayusin ang mga bagay-bagay nang hindi nandadamay ng ibang tao.

Sabi ng DJ, “Keep doors closed lalo na kung mag-asawa kayo at kahit na nasa showbiz kayo, keep doors closed.”

Ang sumunod na topic ay tungkol sa Ina, Kapatid, Anak stars na sina Kim Chiu at Maja Salvador, na sinasabing girlfriend ngayon ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Aniya, “Well, ako kasi, ang paniniwala ko, kapag nag-give up ka ng tao…

“Whatever it is na gawin niya sa buhay niya, that’s the part that you’re giving up when you give up someone.

“So, kung ginive-up na ni Kim ang relasyon nila ni Gerald, hindi na niya business yun.”

May paraan daw para mas maging positibo ang sitwasyon.

“You’d rather watch your best buddy take care of your best guy, if you’re an optimistic person.

“Kasi ang dating, at least, kilala mo ang capacity ng tao.”

Ano naman ang maipapayo niya kay Papa Dan na kapareho niyang DJ? Matatandaang late last year nang magkaroon ito ng issue na sangkot si Bea Binene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabad ni Papa Jack, “I think, I read it at hindi ko alam if it was written na siya ang kawawa.

“I know Papa Dan casually, he’s a nice guy.

“I don’t think with his career right now, he’s going to do something to ruin his career.”

Sabay tanong niyang natatawa, “Am I playing safe? Ayoko kasing magkaroon ng kaaway sa industriya.”


TV SHOW. Gumawa na rin ng TV show si Papa Jack sa GMA-7, ang Star Box, noong 2011, kasama si Ali Sotto.

Wala ba siyang napipintong project sa telebisyon?

Kuwento niya, “May mga proposals. I have my own idea on how to do it… meron akong sariling idea on how to do it.

“We continuously talk, kaya lang, wala pa ring nagma-materialize.”

Ang hindi lang aprubado kay Papa Jack ay gawing TV show ang kanyang radio program. Marami na raw offers, pero lahat yun, tinanggihan daw niya.

Pero gusto ba niyang nakikita rin siya bukod sa napapakinggan sa radyo?

Sagot ni Papa Jack, “I’m a radio guy po. I think, I don’t like to refuse progress, radio, doing TV, I think it’s a progress.”

Sa takbo ng kanyang career sa radyo, may gusto pa ba siyang marating o magawa?

“Natupad na po. When I was in college, my dream was to have a billboard in EDSA.

“Tinupad na ng GMA yun, kahit maliit, noong magkaroon ako ng show sa GMA.”

Dugtong pa niya, “And I think, when you become a dad… I have an eight- year-old daughter.

“I think, sa buhay ko ngayon, my plan is for my fiancée and my daughter.

“For example, kapag Christmas, ang dream ko sa sarili ko is to be able to provide them with good gifts— yung maregaluhan sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN