Dra. Vicki Belo talks about skin-whitening on BBC's Impact

IMAGE Noel Orsal/(Inset) Screenshot from BBC


Wika ni Dra. Vicki Belo sa panayam sa kanya ng BBC, "big deal" ang pagkakaroon ng maputing kutis sa Pilipinas, lalung-lalo na ang kili-kili.


"Skin-whitening in Asia: Magic potion or poison?"

Iyan ang controversial topic na tinalakay noong Pebrero 20, sa programang Impact ng international news outlet na British Broadcasting Corporation (BBC).

Ayon sa host ng programa na si Babita Sharma, nagkakahalagang 13 billion US dollars ang skin-lightening industry sa Asya, at hindi na lamang kababaihan ang target market nito, kundi kabilang na rin ang mga lalake.

“Across Asia, fair skin is considered the epitome of beauty and a sign of affluence—and it's certainly something that the beauty business has been keen to capitalize on,” wika ni Babita.

Naging sentro ng usapan ang pagiging safe ng mga skin-whitening products, at pati na rin ang moral issue kung tama bang gawing batayan ng kagandahan ang pagkakaroon ng maputing kutis.

VICKI BELO ON BBC. Live na ininterbyu mula sa Pilipinas ang beauty expert na si Dra. Vicki Belo, ang may-ari ng isa sa pinakamalaking cosmetic dermatology clinics sa bansa, Belo Medical Group.

Si Dra. Belo ang napili ng Impact na kausapin tungkol sa skin-whitening topic dahil sa popularidad ng kanyang whitening products sa Pilipinas.

Ikinuwento ni Dra. Belo na may anim na taon nang nakakaraan mula nang ilabas niya sa merkado ang kanyang whitening products.

Ang dahilan umano kung bakit niya ito naisipang gawin ay sa request ng 40 porsiyento sa kanyang mga Pilipinong pasyente.

Karamihan kasi sa kanila ay nais na pumuti ang kayumanggi kanilang balat.

Bukod dito, binanggit din ni Dra. Belo ang complete lines ng mga produkto niya, kabilang na ang lotions, sabon, at pampaputi ng kili-kili.

Diumano, “big deal” sa Pilipinas ang maputing armpits.

Dagdag pa niya, mayroon ngang isang aktres sa Pilipinas na may sariling fans club ang maputi niyang kili-kili.

Isa sa mga endorsers ng kanyang clinic ang aktres.

Samantala, hindi naman halatang kinakabahan si Dra. Belo sa interbyu sa kanya ni Babita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin na lang niya ang nerbyos na nararamdaman niya pagkatapos ng exclusive interview, na napanood sa buong mundo.

Special guests din sa programa sina Tuey Mac, isang Vietnamese-Chinese na dating model at ngayon ay editor ng isang Asian lifestyle website, at Dr. Ayan Panja, isang English doctor at host ng programang Healthcheck sa BBC World News channel, na pareho ding nagbigay ng kanya-kanyang opinyon tungkol sa topic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN