WEDDING. Paula Peralejo ties the knot in Filipiniana fashion

IMAGE Rose Garcia


Paula Peralejo and her husband Charlie Fernandez opted for a Filipiniana-themed wedding "to showcase the beauty, arts and culture of our own country."


Ikinasal na ang dating Tabing Ilog mainstay na si Paula Peralejo.

Noong Sabado, February 23, naganap sa Sanctuario de Santo Cristo sa San Juan ang pag-iisang dibdib nina Paula at ng itinututuring niyang travel buddy, best friend, at boyfriend na si Charlie Fernandez.

“It was exciting!” wika ni Paula sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap siya pagkatapos ng kasal.

“I couldn't hold my happiness and laughter because I'm finally marrying my best friend.”

Filipiniana ang naging theme ng kasal na dinaluhan lamang ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng bride at groom.

THE BACK STORY. Kilalang Kapamilya star si Paula noong 1990’s.

Nagsimula siya bilang child star sa Ang TV, Kaybol, Ang Bagong TV, at ilan pang mga programa.

Pero mas higit siyang nakilala sa Sunday youth-oriented drama series na Tabing Ilog, kunsaan naging ka-loveteam niya si Patrick Garcia.

Si Paula ay ang nakababatang kapatid ng aktres at singer na si Rica Peralejo.

Ilang taon na rin siyang hindi aktibo sa showbiz mula nang piliing maging full-time student at mag-focus sa kanyang pag-aaral.

Nagtapos si Paula sa kursong B.A. Philosophy, magna cum laude, sa University of the Philippines noong 2008.

Habang nag-aaral ay nakahiligan ni Paula ang pagbibiyahe sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.

At sa minsang pagpunta niya sa Anilao, Batangas para mag-scuba diving, mahigit anim na taon na ang nakakaraan, ay nakilala niya si Charlie, na ngayon ay nagtatrabaho sa isang health food company.

Magmula noon, naging magkaibigan at constant travel buddies ang dalawa, hanggang sa ma-develop ang kanilang pag-iibigan.

Kuwento ni Paula, “We've been traveling a lot through the course of our relationship and one of our goals is to know more about our country by traveling around it.

“So, I have been on a quest to finish the country's 81 provinces, with less than 10 to go, and Charlie's been very supportive of this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang “quest” na ito ang nagsilbing bonding moments ng magkasintahan.

Wika ni Paula, “Through the years, we've learned a lot about our country and the amazing work we Filipinos actually create.”

Na-impress nga nang husto ang dalawa sa kagandahan ng likhang Pinoy, kaya naman nang umabot sila sa puntong nais na nilang magpakasal ay naisipan nilang gawin itong tema ng okasyon.

June 29 noong isang taon, mismong kaarawan ni Paula, nang mag-propose si Charlie.

Walang pag-aalinlangan naman itong tinanggap ng dating Kapamilya teen star at doon na nga nagsimula ang kanilang paghahanda para sa kanilang themed wedding.

FILIPINIANA WEDDING. “We know Filipiniana isn't really done much nowadays, but this is our way to showcase the beauty, arts and culture of our own country,” paliwanag ni Paula tungkol sa tema ng kanilang kasal.

“I'm happy it was a success because many people were ‘forced’ to buy their own Philippine-made outfits.

“Sadly, halos laman ng closets natin ay damit banyaga.

"Now, some even said they're thinking of doing Filipiniana theme for their next parties.”

Hindi tipikal na wedding gown ang suot ni Paula sa kanyang kasal.

Isang white embroidered blouse o baro na may built-in shawl o panuelo ang kanyang pang-itaas, na tinernuhan ng striped red skirt o saya na may nakapatong na black lace wrap o tapis.

Gayundin ang kanyang napangasawa na suot ang isang puting barong tagalog na may disenyong stripes, at pulang pantaloon na animo’y tipikal na kasuotan ng mga kalalakihan noong sinaunang panahon.

Maging ang mga kasama nila sa entourage ay naka-baro’t saya at barong tagalog din.

ECO-FRIENDLY EVERYTHING. Masasabing naging hands-on sina Paula at Charlie sa pag-asikaso sa kasal nila.

“We didn't use an event stylist. We came up with ideas, including our family and close friends' ideas, and that's it.

“Basta ang requirement namin ay eco-friendly— as much as possible, hindi maraming waste ang matira dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We ended up recycling jute sacks that Charlie has, and my niece turned them into table runners, utensil holders, et cetera. DIY (Do It Yourself) lang lahat— hand-sewn— at puwede iyong iuwi ng guests.

“We put a button on the utensil holder so it turns into a mini wallet where they can keep the coffee beans, use as design in their table, and use it as fertilizer to their plants.

“Our souvenirs were plants as well.”

Kung ang ibang couples ay nag-i-import pa ng mga gamit sa kasal tulad na lang ng bulaklak, talagang kakaiba sina Paula dahil kahit ang mismong bridal bouquet niya ay handmade… mula sa papel!

Ayon kay Paula, isa rin ito sa naging requirement nila: “No flowers. We don't like the idea of killing flowers for an occasion.

“We'd rather see them blooming in a garden or in the wild, so we didn't use flowers at all for the reception.

“For my bouquet, we used paper flowers, which my mom now reused into home decoration.”

SUPPORTIVE FAMILY AND FRIENDS. Naging katulong nina Paula ang kanyang mga kaibigan at pamilya sa pagasikaso ng mga detalye ng kanyang kasal.

“I will never forget the labor of love my friends and family put into this.

“My niece Nica [Veronica Peralejo, isang dating child star] did most of the DIY projects.

“My nieces Chesca and Margaret also helped out in doing the signage, ‘Sa wakas’ artwork, et cetera.

“My sister Rica [Peralejo-Bonifacio] helped us all throughout by telling us the things we didn't know about wedding events.

“She also hosted our program and worked on the script.

“My co-teachers din all helped in setting up the reception.

“My friend Jude, from Cebu, flew in to host the program with my sister.

“My friends Fudge and Father Jboy helped us with Tagalog translations, and my friend Anna Cristobal did an amazing job with our invitation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[We had] so much help from so many people and we're just so grateful to have them in our lives.

“We weren't planning on giving a speech for our wedding night, but we ended up giving a speech ‘cause we knew we had to thank so many people, who went out of their way to make our wedding as beautiful as it was!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN