Aljur Abrenica's weekly time-off treat: hitting the spa

IMAGE Noel Orsal

Aljur Abrenica may seem all man, but underneath the tough exterior he also likes to relax and get pampered. His favorite downtime activity: getting a massage.


Sa dami ng product endorsements ni Aljur Abrenica, ngayon pa lamang siya mag-e-endorse ng isang spa facility.

Isa si Aljur, sa tatlong bagong mukha ng Blue Water Day Spa na ni-launch noong February 19, sa EDSA Shangri-La Hotel.

Kasama ni Aljur sa naturang promotional campaign ang TV host-actress na si Iya Villania at Cosmopolitan Philippines hunk na si Ian Batherson.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited media si Aljur sa naturang event, at doon ay ipinagmalaki niya ang bago niyang endorsement.

Bungad niya, “Siyempre po, nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga blessings na dumarating sa akin.

“Especially rin po sa Blue Water Spa for trusting me sa brand nila, sa endorsement na ito.”

HILOT. Hindi lamang dala ng kontrata, kundi talagang paboritong puntahan ni Aljur ang naturang spa.

Aniya, hindi raw lalampas ang isang linggo nang hindi siya nagpupunta rito upang magpa-masahe.

Wika ni Aljur, “Honestly, before po, kasi wala pa iyong ganitong spa, sa mga hilot pa nga sa probinsiya [ako nagpupunta].

“Nang pumasok na ako sa showbiz, mas nakahiligan ko pa ang pagpapamasahe dahil sa trabaho natin, sa propesyon natin, ang daming requirements sa atin na naii-stress ang leeg natin, naninigas ang katawan natin dahil sa stress.

“Sa Blue Water Day Spa, kumbaga, may mga services sila na sagot sa mga ganitong stress.”

Isa nga sa mga paboritong serbisyo ni Aljur ay ang nakasanayan niyang Traditional Filipino Massage o hilot.

Maliban sa paghagod ng isang masahista sa mga namamagang laman sa katawan ay may kaakibat itong Ventusa o Chinese cupping technique.

Ito ay gumagamit ng maiinit na baso na inilalagay sa likod upang higupin ang mga namumuong “lamig” o nodules sa katawan.

Mainam umano ang hilot sa pagpapagaling ng ilang karaniwang sakit gaya ng ubo at trangkaso.

SPA THEATER. Kung minsan ay gusto rin ni Aljur na pumupunta sa spa kasama ang kanyang barkada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tamang-tama naman at mayroong serbisyo para sa mga group clients ang naturang spa.

Paborito ni Aljur ang Spa Theater, kung saan maari siyang magpa-masahe kasama ang ilang kaibigan sa loob ng isang state-of-the art na sinehan.

“Puwede-pwede akong mag-relax habang nakikipag-bonding kasama ang mga kaibigan ko,” wika niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN