NEWBIE: Arkin Magalona wants to be a good example to his peers

IMAGE Arniel Serato


Arkin on getting showbiz advice from his older siblings: “Hindi ko sila tinatanong, e. Minsan sabi lang nila keep calm, mga gano’n, dapat di ka nerbiyoso.”


Hindi lang rap ang kayang gawin ni Arkin Magalona, bunsong anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at biyuda nitong si Pia— kaya rin pala ni Arkin mag-host ng isang event.

Last Tuesday, February 26, si Arkin ang nag-host sa event ng Tang juice drink na “Tang Galing Mo Kid.”

Ito ay isang eksklusibong samahan ng mga kabataan sa buong bansa na naglalayong maipakita ang galing ng batang Pinoy.

Ginanap ang event sa Mind Museum, The Fort, Taguig.

Hindi pa man sanay sa hosting ay masaya si Arkin na naging bahagi siya ng event para sa mga kapwa niya bata.

“Yes, a… medyo kabado kasi nga first time ko nga mag-host,” sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest ng TV5 tungkol sa kanyang karanasan bilang isang host.

EXAMPLE TO THE YOUTH. Aniya, ginawa niya ito upang mahasa ang kanyang hosting skills at para na rin makatulong sa pag-empower ng mga kabataan sa bansa.

“Dapat puwede tayong [kabataan] makatulong dahil tayo ang future.

“Gawin niyo iyong makakaya niyo para makatulong sa kapwa at sa planet natin, di ba?” wika ni Arkin para sa mga kapwa kabataan.

Sa kanyang munting paraan, pinagsisikapan ni Arkin ang maging isang magandang ehemplo sa mga kabataan.

Kuwento ng 13-year-old na batang performer, “Ako kasi, dahil Tang-galing ako, tina-try kong maging good son.

“Good son ka [dapat] lagi o kaya daughter,” payo niya sa ibang kabataan.

STUDIES FIRST. Bukod sa paghahasa ng kanyang mga talento ay pinaghuhusayan din ni Arkin ang kanyang pag-aaral.

“Tina-try ko na mataas ang grades ko sa school, mga gano’n,” saad niya.

Grade 7 na ngayon si Arkin at okey naman daw ang kanyang marka sa paaralan. Talagang tinututukan niya ito ngayon kaya naman hinay-hinay lang siya sa showbiz at sa pagpi-perform.

Bagamat ilang beses nang nag-guest si Arkin sa ilang programa sa telebsiyon gaya ng Party Pilipinas ng GMA-7, pag-aaral daw muna ang nais niya atupagin sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hindi na po ako ngayon nagpi-perform sa Party Pilipinas dahil nga sa studies, nagpo-focus muna ako doon.”

SINGING CAREER. Samantala, pangarap pa rin ni Arkin na maging bahagi ng local music industry pagdating ng panahon.

Bagamat nais niyang makagawa ng sariling pangalan, hindi naman ikinakaila ni Arkin na sinusundan niya pa rin ang yapak ng kanyang yumaong ama.

Aniya, “Oo, nafi-feel ko naman na parang humahabol din ako sa dad ko sa singing and rapping.

“Ako kasi, gusto kong i-follow iyong sarili ko, gusto ko to make a difference, pero pina-follow ko pa rin iyong footsteps ng dad ko.”

Sa puntong ito na nagsisimula pa lang siyang pumasok sa showbiz, kumukuha ba siya ng advice mula sa mga nakatatanda niyang kapatid na sina Maxene, Saab, at Elmo?

“Hindi ko sila tinatanong, e. Minsan sabi lang nila keep calm, mga gano’n, dapat di ka nerbiyoso,” natatawang sagot nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN