Valeen Montenegro wants to pursue a career in fashion

Mar 12, 2013
It's not easy to balance work and studies. But Valeen Montenegro is proud that she was able to handle it, and is now a fashion design and merchandise graduating student in Benilde School of Art.

Bibihira sa mga celebrities ang napagsasabay ang showbiz at pag-aaral.

Kaya naman ipinagmamalaki ni Valeen Montenegro na isa siya sa mga celebrities na nakagawa nito.

Nabanggit ng Kapatid star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan na magtatapos siya sa Abril ngayong taon.

Kursong fashion design and merchandise ang kanyang inaral sa Benilde School of Design.

“Ngayon ko nakikita ‘yong stress!” natatawang sinabi ni Valeen nang tanungin ng PEP kung paano niya napagsasabay ang showbiz at pag-aaral.

“Kasi halos every day kami sa Jeepney Jackpot. ‘Tas hindi na ako nakakagawa ng mga… ako rin kasi naggugupit at nagtatahi and all that.

“So kailangan talaga ng time management.

“Pero okay naman, I mean, I can still handle it well, nakaka-smile pa ‘ko, nakakakembot pa 'ko. So okay pa ‘ko.”

Magkakaroon kasi sila ng fashion show sa kanilang eskuwelahan sa March 22. Dito’y ibibida nila ang sari-sarili nilang desenyo.

OWN CLOTHING LINE. Siyempre, tulad ng mga idolo niyang sina Alexander McQueen at Valentino Garavani, pangarap din ni Valeen na magkaroon ng kanyang sariling clothing line.

Continue reading below ↓

Gayunman, baka hindi muna niya ito magawa sa ngayon dahil na rin sa magandang takbo ng kanyang showbiz career.

Pero nabanggit na daw niya sa kanyang home network na TV5 na “gusto ko mag-style.

“Style muna kasi mahirap pa mag-commit sa designing, [kaya] sabi ko puwede ako mag-style.”

Lax wear o mga damit na hindi sinusunod ang nakasanayan ng pattern ng mga damit, ang gustong idinidesenyo ni Valeen.

Kaya naman kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, gusto niyang gawan ng damit si Divine Lee para sa mga events nito.

Kung ang pag-aaral naman ng fashion design sa ibang bansa ang pag-uusapan, “baka no.

“Pero explore and expose myself to that kind of environment, why not.”

Read Next
Read More Stories About
Valeen Montenegro
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's not easy to balance work and studies. But Valeen Montenegro is proud that she was able to handle it, and is now a fashion design and merchandise graduating student in Benilde School of Art.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results