Liza Soberano reacts to bashers: “Sana 'wag na kayong magalit sa akin and matuto kayong mahalin ako. It’s just work, wala pong personalan.”

IMAGE Alex De Guzman


Liza on her first big screen movie, "Nagulat po ako kasi hindi ko naman po ine-expect parang ang bilis naman po ng pangyayari, movie agad? Masaya naman po ako na nakuha ko ‘yon, siyempre excited po ako pero may halong nervousness malaking artista po si Kathryn and Daniel."


“Agad-agad movie? Tapos naiyak ako sa sobrang saya ko kasi kasama ko si ate Kath and Daniel,” reaksyon ng Fil-Am newbie na si Liza Soberano.

Isa ang 15-year old na si Liza Soberano sa mga bagong mukhang ipinakilala ang Star Magic Circle 2013 noong March 7, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN, ELJ Building, Quezon City.

Si Liza ay lalabas bilang ka-love triangle nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa upcoming Star Cinema movie Must Be Love.


BIG SURPRISE. Ang Must Be Love ang first-ever feature movie nina Kathryn at Daniel, at nagulat si Liza na kasali siya rito.

Excited na ibinahagi ni Liza, “Nagulat po ako kasi hindi ko naman po ine-expect parang ang bilis naman po ng pangyayari, movie agad?

“Masaya naman po ako na nakuha ko ‘yon, siyempre excited po ako pero may halong nervousness malaking artista po si Kathryn and Daniel.

“Sobrang happy po ako and blessed and thankful. “

Dagdag niya, “I’m excited po, sana magustuhan siya talaga ng maraming tao kasi siyempre pinaghirapan namin talaga.

“Super enjoy po, yung director po naming si Direk Dado [Lumibao] nakasama ko na po dati sa MMK so close na po kami. I played the young Maricar Reyes last November.”

WORKING WITH KATHNIEL. Paano nga ba ang naging experience ni Liza working with Kathryn and Daniel?

“It was great, fantastic, it was awesome, basta mixed emotions po ako nun.”

Na-starstruck ba siya?

“Na-starstruck po lalo na po kay Kathryn, kasi idol ko po talaga siya.

“If you noticed siya po yung una kong [sinundan] sa Twitter.

“Kasi dahil sa kanya na-inspire ako maging artista.”

Pero paano niya ba hina-handle ang bashers niya lalo ang mga KathNiel?

“May mga hate tweets, may mga nagsasabing pangit ako, hindi kami bagay ni Daniel.

“Pero pag binabasa ko yun tumatawa na lang ako na, ‘Ang cute, napapansin nila ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako kasi may impact ako ngayon sa kanila.

“Pero sana naman mahalin din nila ako.”

Ano ang first impression niya sa dalawa?

“My first impression of ate Kathryn was sweet.

“When I see them, si ate Kathryn at si Daniel off cam, ang sweet po nila, their friendship is so sweet.

“Si kuya Daniel po, ay Daniel lang walang 'kuya'. Si Daniel po, makulit.”

HANDLING HATERS AND BASHERS. Hindi pa man naipapalabas ang Must Be Love ay marami na ang nagagalit kay Liza dahil sa role niya bilang ka-love triangle sa movie.

Saad niya, “In person they treat me right.

“Nakakatanggap naman po ako ng hate [tweets] on Twitter, but hindi naman po hate as in grabe na, ‘Papatayin na kita,’ naiinis lang po sila.

“But I guess that’s a good sign, ibig sabihin po effective po ako. “

Inaamin niya na hindi naman niya pinapatulan ang mga ito, “I don’t answer them, pero minsan po nire-retweet ko,

“Meron pong isa ni-reply-an ko, sabi ko ‘Thank you!’ Nakakainis daw po kasi ako.

“Good or bad publicity is still a publicity, pero gusto ko pa rin ng good publicity.”

LIZA’S MESSAGE TO KATHNIEL FANS. Nakakatanggap man ng ilang hate tweets at messages ang 15-year old na si Liza ay may mensahe naman siya sa mga fans nina Kathryn at Daniel.

Mensahe niya, “'Wag naman po kayong magalit.

“Thank you for the support dun sa mga iba, thank you for the hate kasi at least napapnsin niyo po ako.

“Sana wag na kayong magalit sa akin and matuto kayong mahalin ako.

“It’s just work, wala pong personalan.”

Nadako ang usapan sa pagkakadiskubre sa kanya bilang artista. Kuwento niya,“Una po talaga, I am just doing beauty pageants at school like Ms. Intrams, like that.

“Tapos nanalo po ako, lumaban po ako sa mga division, tapos dun po nakita po ako ng isang talent agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Binigyan po ako ng calling card, tapos kinausap po ako ng tita ko, sabi niya ‘Parang bagay sa ’yo mag-artista,’

“Pero ako kasi sobra akong mahiyain so parang ayoko, pero sabi niya, i-try ko lang daw.

“Nung bumalik po ako ng Q.C., kasi nasa province po ako nun sumali po ako sa 100 Teens Fashionista, nakita po ako dun ng road manager ko ngayon, dinala niya po sa Natasha, sa Coke, tapos nag-print ads ako.

“Tapos pinakilala niya po ako sa manager ko ngayon na so Ogie Diaz.”

Nabanggit ni Liza na mahiyain siya, pero paano ba niya ito natanggal?

“Hindi ko tinanggal, siguro natanggal po, kusang natanggal by experiencing new things and workshops and just trying to be more open, trying to conquer my fears.

“Kasi dati ayoko talaga magsalita sa harap ng maraming tao.

“Lalo na ‘tong ginagawa natin [interview] ngayon, hindi ko rin kaya.”

Kasalukuyan ay nasa third year high school si Liza. Ano ba ang plano niya sa college?

Kuwento niya, “I’m currently a third year high school student.

“In college gusto ko mag pre-law ng psychology then I want to take law, pero kung mahihirapan po ako siguro magbabago yun.

“Pero siyempre bata pa ako hindi ko pa talaga alam yung gusto ko.”

CRUSH ON SAM MILBY. Naging bukas naman si Liza nang aminin ang kanyang ultimate showbiz crush.

Pag-amin niya, “Simula nung nanonood ako ng teleserye sa TFC siya [Sam Milby] na talaga.

“Kasi ang pogi-pogi niya.

“I’ve seen him once pero hindi ako nakapag-picture.

“Nakasama ko siya last year sa Christmas special.

“Yung tita ko kasi crush niya si Sam, so sabi niya ‘Picturan mo kami,’ then after nila, ako naman pero na-starstruck ako, sabi ko next time na lang ‘pag maganda na ako.’

“Haggard po ako nun kasi kakatapos lang ng practice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin ni Liza na marunong siyang kumanta, maggitara at sumayaw. At nais niyang sundan ang yapak ni Anne Curtis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN