Kris Lawrence on daughter Katrence: “She’s so addicting talaga… nakaka-addict siya!”

IMAGE File / Noel Orsal

Inamin ni Kris Lawrence na malaki ang ipinagbago ng pagsasama nila ni Katrina Halili sa pagsilang ng anak nilang si Katrence. Sabi ng singer, “Ang laki ng difference talaga… naramdaman ko yun. Siguro naman tama lang na naging ganito. Siyempre, kasi may anak na kami.”


May kakaibang saya sa mukha ng R&B singer na si Kris Lawrence kapag nababanggit ang baby nila ni Katrina Halili na si Katrence o Baby Katie.

Hindi mapawi ang mga ngiti ni Kris sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Linggo, November 25, pagkatapos ng live stint niya sa Party Pilipinas.

Kinukumusta pa lang namin ang kanyang baby at ang plano nila sa Pasko, naggo-glow na agad ang mga mata ni Kris.

Bulalas niya, “My God! This is gonna be one of the most exciting Christmases—if not the most exciting Christmas ever.

“Kasi siyempre, yung alaga namin, yung angel namin, it's gonna be her first.

“I know she won’t remember it, probably she won’t remember it, pero it’s different kasi parang…

“When I was shopping yesterday, meron akong mga Christmas dresses para sa mga infant, para sa baby—sobrang na-excite akong bilhin yun.

“So, I’m gonna buy it for her, just for Christmas... even not for Christmas.”



TRAVELLING. Ano ba ang plano nila ni Katrina ngayong Pasko?

“We’ll gonna be in El Nido [Palawan], kasama yung buong family ni Kat and si Katie,” sabi niya.

Si Katrina ay taga-Palawan.

Puwede na bang isakay sa eroplano at ibiyahe ang baby nila?

“Yeah, some people said already… Yung mga friends ko that have kids already, sabi nila okay lang.

“Pero yung iniisip ko, di ba, yung tenga? Yung pressure? Baka hindi niya kayanin? But, we’ll see.”

Ano bang advice ng doctor nila?

“Sabi ng doctor, okay naman po, kasi the first time I flew, I was like four. And sobrang sakit ng tenga ko hanggang the next day.

"E, baby pa siya, and hindi niya ma-control.”

Napag-alaman namin mula kay Kris na marami nang gamit ang anak nila at halos mapupuno na ang nursery room nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkumpirma niya, “Yeah, ang dami na niyang gamit… and ano pa, sa January, pagdating ng mom ko, sobra po yung mag-spoil.

“Kasi, it’s her first apo niya. So, she called me and she kept saying, ‘Anak, I think I went overboard. Nakabili ako siguro ng 50 pieces na damit.’

“So, I said like, ‘Oh, my God!” tumatawang kuwento ni Kris.

Dagdag niya, “Tapos yung dad ko, darating din. I’m sure marami ring pasalubong yun.”



DEDICATION CEREMONY. Hindi makakauwi ang parents ni Kris sa Pasko dahil ang target talaga ng mga ito ay ang binyag ng kanilang apo.

“Sa January 20 ang binyag,” pagbabalita ni Kris.

Ano na ang mga detalye sa binyag?

“Unang-una po, it’s going to be a dedication ceremony because kami ni Kat, parehong Christian.”

Mas naunang naging Christian si Kris, pero hindi niya masabi kung siya ang nag-impluwensiya kay Katrina upang maging isang Born Again Christian.

“I hope so,” ang nasambit lang niya.

Sinu-sino ang iimbitahin nila sa dedication?

“Maraming invited.

"Yung mga ninongs, like Jay-R siyempre… Billy [Crawford] and Nikki [Gil], Marcus Davis, Mark Bautista, Sunshine Dizon, Denise Laurel, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Marian Rivera….

“Siguro yung pairs of ninongs and ninangs… mga ten,” pagbibilang ni Kris.

Paano naman nabago ang buhay ni Kris sa pagdating ng anak nila ni Katrina?

Natatawang sagot niya, “Ngayon, responsible—you have to!

“There’s no other way to go through parenthood without being responsible.

“Example lang… when I go shopping, dati when I go to the mall, pag may gusto ako, bibilhin ko talaga.

“Ngayon, parang nawalan ako nang gana. It’s not like na sinasadya ko, pero nawalan ako nang gana.

"When I go out, it’s like more of the baby stuff.”

Nag-iipon na ba siya para sa baby?

Pag-amin niya, “Yeah, actually, nag-iipon na talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi you have to—to support the baby’s college fund, for her insurance.”



CITIZENSHIP. Dito sa Pilipinas ipinanganak si Katie, kaya hindi nito agad na-acquire ang U.S. citizenship ni Kris.

Pero ayon sa singer, “Wala namang problema sa pagiging citizen niya kasi citizen ako.

“So, basta, ilalakad ko ang papeles niya habang maaga… Okay naman.

“Ayaw ni Kat, feeling niya mabu-bored siya doon.”



WEDDING PLANS. Nasa plano na ba nila ni Katrina ang magpakasal?

Sagot ni Kris, “May mga jokes na here and there.

"Pero sa ngayon, we’re concentrating on Katie first… pinaplantsa namin yung journey or yung path.”

Gaano kadalas niyang nadadalaw ang kanyang mag-ina?

“I go there almost every day, if not every day.

“Pag wala ako sa trabaho, binibisita ko sila. Si Katie, inaalagaan namin.”

Mukhang maayos naman ang samahan nila ni Katrina, bakit hindi pa sila magsama?

Sabi ni Kris, “Oo nga, why not nga? Siguro kasi we’re not married yet.

“Hindi naman sa ayaw ng parents niya. I think okay lang naman sa kanila.

“Siguro, we just worked out that way.”

Kapansin-pansin ang pagbabago ng relasyon nila ni Katrina mula nang isinilang ang kanilang baby.

Napangiti si Kris sa narinig niyang tila mas naging understanding at supportive sila sa isa’t isa ngayon ng aktres.

“Really!?” kunot-noo na nakangiting reaksiyon muna niya.

“You’re right... you’re totally right. Ang laki ng difference talaga… naramdaman ko yun.

“Siguro naman, tama lang na naging ganito. Siyempre, kasi may anak na kami.

“You know, I personally want the baby to grow up with a balanced set of parents, you know?

“I don’t want her to grow up like… with a single mom, parang ganoon.

“And plus, she’s so addicting talaga… nakaka-addict siya!” pagmamalaki ni Kris sa anak.

KATIE & NATE. Isa sa mga bisita si Katie sa first birthday ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Baby Nate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang na-cute-an sa anak na ito nina Katrina at Kris.

Kuwento ng singer, “My God! Ang hirap kong magpigil. Kiss ako nang kiss sa kanya. She keeps waking up.

“Minsan, nagagalit si Kat, pinagbabawalan niya ako. Sabi niya, ‘She’s sleeping!’

“I can’t help it! She’s so cute! I just want… you know, kiss and kiss her!”

Sino ang kamukha ng baby nila?

Sabi ni Kris, “Gusto mong malaman yung breakdown? Sobrang na-analyze ko yung similarities ni Katie sa amin ni Kat.

“Yung singkit ng mata, sa akin. Yung shape ng mata, sa kanya [Katrina]. Eyeballs, sa kanya. Pati eyeballs, 'no? Hahaha!

“Yung lips, parang hati. Pero mas siya [Katrina].

"Shape ng face, kay Kat. Yung baba, kay Kat.

"Yung tenga sa akin. Yung kapal ng buhok, sa akin.

“Yung legs, sa kanya… thank God! Hahaha!

“And yung lips nga, parang kay Kat.”

Meron na ba siyang nagawang kanta dedicated to his daughter?

“Oo, meron! There’s this song coming in my album.

“It’s definitely dedicated to her. It’s gonna be released next year," banggit ni Kris, na kinikilalang mahusay na performer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN