Aspiring singer Xavier Cruz expresses admiration for Sarah Geronimo

IMAGE Rommel Gonzales

Mula sa 210 lbs., bumaba na ang timbang ng baguhang singer na si Xavier Cruz sa 180 lbs. Desidido ang binata na pasukin ang mundo ng showbiz.


Bagamat aminado siyang kinakabahan, natutuwa si Xavier Cruz dahil naging front act siya sa In Love concert ni Angeline Quinto noong Valentine’s Day, February 14.

“Masayang-masaya po talaga ako, lalo na po yung family ko po, na siyempre po, nag-uumpisa pa lang po ako tapos nabigyan na po ako ng chance na makapag-perform sa SMX Convention Center po,” panimulang bungad ni Xavier sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakapanayam namin siya sa Lombardi’s restaurant sa Robinson's Magnolia sa Quezon City kamakailan.

Galing ang binata sa Center For Pop Music Philippines, kung saan nagkaroon daw siya ng mga pagsasanay para sa kanyang pag-awit.

Aniya, “Mga practicums, mga recitals, iyon po... nakapag-recital po ako, nakapag-mall shows po ako, and may mini-concert din po, mga ganun po, more on sa voice lessons po...”

Minsan na rin siyang naging front act para naman sa gig ng MYMP sa Metro Bar. Kaya naman, level-up para sa kanya na nakapag-perform siya sa harap ng mas malaking crowd.

“Sobrang blessed po, kaya sobrang nagpapasalamat po ako kay God kasi biruin ninyo po, bago pa lang po ako, siyempre hindi po ako nag-e-expect ng masyadong malalaki pero masayang-masaya po na 'eto nabigyan po ng chance.”

HE ADMIRES SARAH GERONIMO. Ang 19-year-old singer ay humahanga kay Martin Nievera, at pati na rin kina Erik Santos at Christian Bautista.

Dugtong niya, “Sa babae po, nagagalingan po talaga ako sa boses ni Sarah Geronimo, ang galing po kasi talaga niyang mag-perform at sa boses din po.

"Siyempre, si Angeline Quinto po 'tsaka si Charice Pempengco [rin] po.”

Kung sakaling magkakaroon na siya ng solo concert, ang gusto niyang maka-duet or maging guest ay si Sarah Geronimo pa rin.

Muli na naman niyang pinuri ang dalaga, “Sobrang nagagalingan po ako sa kanya, kumbaga po dati naman po, parang napansin ko po parang hindi siya ganun ka-anong mag-perform pero ngayon, ang laki na po talaga ng iginaling niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So para pong ako, hanga ako sa kanya, ang galing po ng improvement niya.”

May kaya ang pamilya ni Xavier pero bakit gusto niyang pasukin ang showbiz na maintriga at magulo?

“Siguro po hilig ko lang po kasi talaga yung music so para pong... ewan ko po, hindi ko rin ma-explain.

"Kasi parang bata pa lang po siguro ako, naiisip ko na po, e.

“Kapag nanonood ako ng TV, sa ASAP... yung mga ganun, sabi ko, ‘Sana makapag-perform ako sa ganyan.’

“Parang yun... ang saya lang po na makapag-perform siguro po.”

Gusto rin niyang maging artista, na ang paborito naman niya pagdating sa acting ay sina Coco Martin at Kim Chiu.

At sa mga pangarap niyang ito, todo-suporta ang kanyang pamilya.

“Actually, nung bata pa lang po ako, di ba po kadalasan yung mga magulang ang nagsasabi na, ‘Mag-voice lessons ka,’ o kaya yung mga lesson-lesson na ganyan.

“Ako po, ako po mismo nagsabi sa kanila. Grade four po ako nun tapos nung summer, sabi ko, ‘Daddy, gusto ko pong mag-voice lessons.’

“Kasi meron sa labas ng school namin. Pumayag naman po sila agad, si Mommy po lalo.

"Kasi po grade four pa lang po ako, siyempre bata pa po pero kapag yung mga recital, ako lang po mag-isa nasa backstage, wala po akong sinasamang yaya, hindi nila ako pinapasamahan sa yaya.

“Ang narinig ko po kay Mommy dati nung kinukuwento niya sa mga kaibigan niya, natutuwa daw po siya kasi siyempre kung iisipin mo, grade four, kumbaga, ‘Aasikasuhin niya yung sarili niya.’

“Kumbaga po yung independence po parang nakita daw nila sa akin, doon po nag-start.

“Tapos yung sa ngayon naman po, iyon nga po, todo ang support nila, one hundred percent.”



WHY HE NEVER JOINED SINGING CONTESTS. Bakit wala siyang sinalihan na kahit anong singing contest?

“Dati po gusto ko, gusto ko po talaga. Pero nahihiya po kasi ako, dati kasi... dati po, sobrang taba ko 'tapos iyon po, parang medyo mababa po ang self-esteem ko dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang dahil na rin po sa pagbu-voice lesson, na-improve lang po yung confidence ko.”

Umabot si Xavier dati sa 210 lbs. at ngayon, dahil sa pagda-diet, gym, at boxing, in less than a month, ay naging one hundred eighty na lang ang timbang niya.

REPLACING BEA BINENE? Ang tumutulong kay Xavier ay ang isa sa mga managers niyang si Attorney Ferdie Topacio, na matalik na kaibigan ng ama ni Xavier.

Matatandaang dati ring tinulungan ni Atty. Ferdie ang singing career ni Bea Binene na umabot nga sa eskandalo at kaso.

Ano ang masasabi niya na tila siya ang “pumalit” kay Bea?

“Hindi naman po siguro sa papalitan, parang kumbaga po, inisip ko na lang na ito po yung time na binigay ni God para lang po, kumbaga perfect timing po.

“Kasi, isipin ninyo po, ga-graduate na po ako so hindi ko po mapapabayaan ang pag-aaral ko.

“Dati ko pa pong hinihiling kay God, siguro si Tito Ferdie na po yung ginawa Niyang instrument para po sana po magtuluy-tuloy po.”

Okay lang sa kanya kung sakaling madalas na maikabit sa kanya ang pangalan ni Bea?

“Wala pong masama. Sino nga po ba naman ako ngayon para po ano di ba, kaya okay lang po.”

Walang girlfriend si Xavier ngayon.

“May dine-date lang po, dating lang po pero hindi pa po kami.”

At payag daw ang non-showbiz girl na ito na pasukin niya ang showbiz.

“Opo, su-support naman daw po siya. Schoolmate ko po siya.”

And given the support of the people around him, mas lalo raw itong nakakaramdam ng pagpupursige.

“Kumbaga po, dati pa po akong nag-aantay, ngayon pong meron nang tumutulong, ngayon pa po ba ako susuko?

“Ang sabi ko lang po kumbaga, hindi po ako nag-e-expect ng masyadong malaki, sabi ko lang po, kung ito talaga yung para sa akin...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ito po yung dinadasal ko like lately po, sabi ko ‘Lord, kung meron ba akong mission, kung anumang meron dahil sa pagkanta ko, tatanggapin ko po.’

“And kung magtutuluy-tuloy po ito, sabi ko lang, 'Sana po right path lang po and right decision lang yung mapili ko.'”

Graduating student ng kursong Enterpreneurial Management si Xavier sa University of Asia and the Pacific.

Gagamitin daw niya ang kurso niya para tumulong sa kanilang family business.

“Siyempre po hindi pa rin po ako titigil sa music kasi iyon po talaga yung first love ko.

“And kung hindi man po magtuluy-tuloy, sana huwag naman po, kung hindi man magtuluy-tuloy, yung sa family business po.

“Tutulong po ako sa family business, and actually naman po, isa rin po sa gusto ko kaya parang gusto ko pong makapasok [sa showbiz] is siyempre po, kapag nasa showbusiness, marami po akong makikilalang iba't ibang tao, mga connections, mga ganun...

"Gusto ko pong matutunan yung kung paano ko po magagamit ang mga connections na iyon, ang mga taong makikilala ko, kung paano kong maitutulong dun sa family business po namin.”

Sa real estate ang negosyo nila.

“Nagde-develop po kami ng mga community malls, actually, kami po yung developer,” pagtatapos pa ni Xavier sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN